Maluha-luha si Mauve sa bungad ni Miss Harmony. How come that there was good news and bad news at the same time? The editor gave her a warm smile. “Relax, Mauve. We are going to absorb your story!” She blinked. “P-po?” “Yes, definitely.” Miss Harmony nodded. “Pero katulad nga ng ginagawa ko sa ibang writers dito, may ilang parte sa story nila ang pina-re-revise ko.” Pinanood ni Mauve ang editor habang binubuksan nito ang isang dokumento sa laptop nito. She realized, it was her manuscript. Halos pigilan niya ang paghinga dahil nakikita niyang binabasa ng ibang tao ang akda niya sa harap mismo niya. “I like your storyline. It was a pure romance. Gusto ko kung paano mo siya nilagyan ng twist bago ang c****x at wrap up. The connection between your hero and heroine was effective. Although

