Khan Mansion. “Dumating na ba si Beatrice?” tanong ni Roberto kay Beau. Niluwagan niya ang necktie at marahang umupo sa sofa. Hawak nito ang isang brown envelope na kabibigay lang ni Chavez. “She said she’s on her way home,” tugon ni Beau. Tila binagsakan ng langit at lupa ang mukha niya. “Masaya siya dahil sa wakas at nanalo sa kaso. Hindi na makakalapit si Frederick sa kanya at sa triplets.” “Well, that’s good. Kahit papaano, nabawasan ang problema natin. He let out a long and heavy sigh while tapping his fingers on the envelope. “However, we have another problem. Mas malaki ‘to.” “Hello, everyone!” Sabay na pumihit sa pinto ang mag-ama nang dumating si Beatrice. Ang mukha niya ay kasing aliwalas ng tanghali. She was coming to their direction with arms wide opened. “Hello, Dad.” N

