Hindi inaalis ni Hebrew ang pagkakahawak niya sa kamay ng asawa habang hinihintay ang sumuri dito. Wala pa ring malay si Mauve pero ayon naman sa doktor, stable na ang kondisyon nito at natutulog lang dahil naubos ang enerhiya. He knew it was due to her nervous breakdown. Nag-angat siya ng mukha at tinitigan ang taong may gawa nito. “Why are you still here?” walang buhay ngunit madiin na tanong ni Hebrew kay Mauricio. “Kulang ba ang sama ng loob na binigay mo sa kanya? Hindi ka pa ba masaya na humantong siya sa ganito?” Mauricio’s jaw clenched. He took a quick glance at Mauve to check if she was still asleep and glared back to the fuming man in front of him. “Wala akong dapat ipaliwanag sa ‘yo. Pero para sa kapakanan ng anak ko, gusto kong malaman mo na kaya hindi ko siya… sila binalika

