Kabanata 9

842 Words
"You'll ax all those woods?" Hebrew's eyebrows were contracted as he walked toward Mauve. Hindi niya alintana ang mga talahib na kumakapit sa kanyang jogging pants. Inangat ni Mauve ang mukha matapos makapag-sibak ng isang kahoy. "Anong ginagawa mo rito sa likod? Kakaulan pa lang, baka maputikan ka pa." "Well, I was around jogging, then I saw you here at the backyard. Sandali, nagsasawa ka na bang gumamit ng gas stove?" natatawang wika ni Hebrew. Nasa pangatlong kahoy na si Mauve nang siya'y huminto. Binitiwan niya ang palakol at nagpamewang. "Ginoong Khan, ilang taon ko nang ginagawa 'to. Saka hindi ako nagsasawa sa stove. Naubusan lang talaga ng gas." "What? No more LPG?" "Oo. Pero hindi pa ako makakabili ngayon. Sa bayan pa kasi 'yon at tuwing hapon lang nagbubukas," matamlay na tugon ni Mauve. "Can't they just deliver it here? May number ka ba ng store?" "Mayro'n. Pero wala namang signal dito, 'di ba? Isa pa, hindi sila nagdi-deliver sa malayo." Hinapit ni Mauve ang mga manggas pataas at muling ipinagpatuloy ang pagsisibak. "Hindi mo dapat ginagawa 'yan, Mauve. Bakit hindi ka nagha-hire ng helpers?" "S-si... si Ella lang ang katulong ko sa lounge. P-pero tapos na ang bakasyon. May pasok na siya ngayon kaya solo ko na naman ang pagpapatakbo rito." Bakas na sa boses ni Mauve ang pagod. Pansamantala siyang tumigil upang huminga nang maayos. Hebrew shook his head and took off his fitted sando. "Alright, tabi..." he gently pulled Mauve away from the woods and held the ax. "Ako na'ng tatapos dito. Pero mamaya, pupunta tayo sa town at binili ng tanke, okay?" "P-pero..." Mauve wanted to say something but her lips just dropped. Hebrew was axing effortlessly. Hindi niya napigilan ang sariling mapatingin sa mga braso nitong binabakatan ng ugat sa tuwing itataas ang palakol. Hanggang sa matapos sa pagsibak si Hebrew, nanatili siyang nakatulala sa binata. "Bakit? Akala mo hindi ako marunong nito?" Hebrew chuckled as he lifted the woods above his shoulders. "Let's go inside. Sky is dark again. Baka abutan pa tayo ng ulan." "S-sige..." Mauve answered shyly. Ilang araw pa ang lumipas na kasama ni Mauve ang binata kaya nagkapalagayang-loob na sila. Sa maikling pagsasama, napansin ni Mauve na maraming alam gawin si Hebrew - magluto, maglinis, maglaba, magkumpuni, at ngayon nama'y magsibak ng kahoy. She was so amused by how someone like Hebrew knew about anything. Araw-araw nagmamaneho papuntang kapitolyo si Hebrew at tuwing gabi naman ay naaabutan niya itong abala sa laptop doon sa bar. Pansin niyang kapag nakaharap ito sa monitor ay napakaseryoso. Lalo tuloy na-e-enhance ang bawat anggulo ng makisig nitong mukha. Kaya nga kusang loob na hinahainan ni Mauve ng night snack ang binata at saka siya tumutungo sa kuwarto upang matulog. ...O magbabasa muna ng nobela ni Malik. ...O magbabasa muna ng sarili niyang manuscript na lingid sa kaalaman ni Hebrew ay pinakatatago-tago niya sa likod ng divider kasama ng sarili niyang pangarap na maging manunulat din. Pansin ni Mauve na mas inspirado siya ngayon. Kaya kahit nauusukan sa dirty kitchen habang nagluluto ng pananghalian, nakangiti pa rin siya kahit maluha-luha na sa usok. Makalipas pa ang ilang sandali at nailapag na niya sa dining table ang isang bandehado ng adobong baboy. Halos patakbo siyang tumungo sa lounge at sumulyap kay Hebrew na ngayo'y nakaharap muli sa laptop. "Hebrew, nakaluto na 'ko! Ikaw na lang ang tumawag kay Lolo Jim sa taas," bungad ni Mauve. Tipid siyang nakangiti at may hawak pa ring sandok. "Alright..." Itinupi ni Hebrew ang laptop at tumayo sa bar stool. Paakyat na siya sa hagdan nang mapahinto at muling humarap sa direksyon ni Mauve. "Make sure your dish is much tastier than my adobo this time, okay? I'll let Lolo Jim judge again," aniyang kumindat bago umakyat. "Talaga!" may bahid ng pagtataray na tugon ni Mauve. Ilang sandali pa'y inihahanda na niya ang mga plato sa mesa at nagtimpla ng juice sa malamig na tubig. Napangiti siya nang malanghap ang pinaghalong katakam-takam na amoy ng ulam pati na ang tamis ng orange juice. "Siguradong sasabihin ni Lolo Jim na mas masarap ang luto ko ngayon kaysa kay Hebrew," bulong niya habang inihahanda ang mga kubyertos. Lalo pa siyang napangiti nang marinig ang mga yabag ng binata pababa ng hagdan. Gayunman, bigla siyang napakunot nang makarinig na parang nahulog. "Mauve! Help me!" Awtomatikong pumihit si Mauve sa kanyang likuran. "A-anong nangyari?" Hindi niya namalayang nabitiwan ang hawak na baso at humahangos na lumapit kay Hebrew. "S-si Ji... Si Lolo Jim, wala siyang malay!" Bakas ang malalim na pagtaas-baba ng dibdib ni Hebrew at tila naging kasing putla ng papel ang kanyang mukha. Mauve chewed her bottom lip. This was the first time she'd seen Hebrew in distress, making her own nerves froze as well. Pero walang mangyayari kung pareho silang matataranta. Kaya humugot siya ng malalim na hininga at hinawakan ang mga kamay ng binata. "Huwag kang mag-alala. May alam akong maayos na hospital sa sentro."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD