KABANATA 8
Like the weather outside the cafe, unti-unting dumilim ang maaliwalas na mukha ni Hebrew. Napansin ito ni Jim kaya pati siya'y napahinto sa pagkain at kunot-noo na napatitig sa binata.
"My VP and secretaries are skilled enough to take charge of everything. Bago ako umalis, sinigurado kong plantsado ang lahat hanggang sa makabalik ako. And for your info, nasa kalagitnaan ako ng meeting kasama ang employees ko kaya sa tingin ko, wala tayong dapat na pag-usapang problema," garalgal na wika ni Hebrew. "Alam nila ang gagawin kaya sila ang kausapin mo. Isa pa, I'm on a vacation."
"Pero hindi sila ang dapat humarap sa board, Hebrew! Palibhasa, originaly hindi ka naman talaga nagpakahirap sa kompanya kaya pa-easy-go-lucky ka lang!"
"Ate Beatrice, that's not true!"
"Huwag mo akong matawag-tawag na ate dahil wala akong kapatid sa labas!"
Napaawang ng mga labi si Hebrew. Oo, batid niya ang sariling estado sa pamilya, ngunit ang ipamukha ito'y tila kasing-hapdi ng latigong hinahampas sa kanyang likod.
Hebrew took a deep breath and talked, clenching his teeth. "Alright, mag-usap na lang tayo pagdating ko d'yan. But if you are going to fire me right now, maiintindihan ko. Bye."
He was aware that Beatrice was shrieking on the top of her lungs before he decided to end the call. But it's the most polite thing he could do. Kung hindi, baka matagpuan na lang niya ang sariling nakikipagsigawan sa telepono.
o0o
After sunset, Jim and Hebrew drove back to San Agustin. Tahimik na naman ang kapaligiran at kasindilim ng kung paano sila umalis kaninang umaga.
"Intindihin mo na lang ang ate mo, Hebrew dahil may pinagdaraanan din siya sa asawa niya," ani Jim nang makarating sila sa garahe ng Mauve's Traveller's Catch.
Hebrew sighed heavily. "I know." He pressed his back firmer on the car's seat and let go of the steering wheel to massage his nape. "Kung hindi nga ako abala sa paghahanap kay Selina, tutulungan ko siya sa sole custody case. Para saan pang naging abogado ako."
"Pero nobelista ka rin. At huwag mo nang isiping makialam pa kay Beatrice dahil baka masamain lang niya ang pagtulong mo. Sapat na 'yong si Beau ang tinutulungan mo at kahit papaano, naaaliw ka rito sa probinsya."
"Fine, Jim."
Makalipas ang ilang minuto'y pumanhik na sila sa kani-kanilang kuwarto. Si Jim ay agad nakatulog dahil pagod na at nakakain na sa labas bago umuwi.
Kabaliktaran naman si Hebrew na nawalan ng gana dahil sa mga nangyari. Ngayon ay nananatili pa rin siyang gising at iginagala ang paningin sa buong silid.
"Alam ko, magulo rito bago ako umalis," nagtataka niyang bulong habang inaalala sa isipan kung paano niya halughugin ang silid na 'yon kaninang umaga sa pag-aakalang may naiwang bakas si Selina. Ayon kasi kay Mauve, doon sa kuwarto niya pinatuloy dati ang nawawalang hipag.
"Nevermind, siguro naglinis si Mauve," anyang nagkibit-balikat.
Pero ang biglaang paghilab ng kanyang tiyan ay isang bagay na bibigyan niya ng pansin. Kaya muli siyang bumaba at tumungo sa kusina.
Pagdating doo'y natigilan ang kanyang mga paa nang makita si Mauve. Nakatalikod ang dalagang nakasuot ng apron. Kumakanta ito habang abala sa pagluluto at pag-aasikaso ng kung anu-ano pa.
"Good evening, Mauve."
Biglang napaharap si Mauve. Nang makita ni Hebrew ang mukha ng dalagang may bahid pa ng icing, napangiti siya.
"D-dumating ka na pala. Kumain ka na ba?" Inalis ni Mauve ang apron at binuksan ang oven, saka kinuha sa loob nito ang isang chocolate cake. "Sinubukan ko lang mag-bake ulit. Baka kasi nakakalimutan ko na."
"Tamang-tama, hindi pa ako kumakain." Marahang lumapit si Hebrew kay Mauve. Ngunit hindi sa cake nakatuon ang mga mata ng binata kundi sa mukha ni Mauve.
"Bakit? May dumi ba sa mukha ko?" nahihiyang tanong ni Mauve.
"Icing isn't dirty." Gamit ang sariling kamay, maingat na pinahid ni Hebrew ang icing sa pisngi ni Mauve. "But you're like a messy kid."
"H-huh?" Ganap nang namula ang mukha ni Mauve. Ngunit pinilit niyang itago ang pagkapahiya. 'Yon nga lang, dahil sa pagkanerbyos ay nadikit ang kamay niya sa itaas ng mainit na oven. "Aray!"
Nanlaki ang mga mata ni Hebrew nang makita ang paso sa kamay ni Mauve. "s**t! What did you do?" Snapily, he grabbed Mauve's hand and placed it under the faucet. "Bakit ba kasi natataranta ka kapag lumalapit ako sa 'yo? Wala naman akong gagawing masama!" Shaking his head, he wrapped Mauve's hand with small towel.
Bagaman hiyang-hiya, walang ibang nagawa si Mauve kundi kagatin ang sariling labi at hayaang pahupain ni Hebrew ang pamumula sa kanyang balat.
"Alright, I'll serve the food this time," ani Hebrew nang paupuin niya si Mauve.
"Pero Hebrew-"
"Wala nang pero-pero." Naghiwa si Hebrew ng cake para kay Mauve, sunod naman ang parte niya. Mayamaya'y tumayo siya upang gumawa ng juice at muling bumalik sa hapag.
"H-Hebrew, alam kong pagod ka kaya dapat inaasikaso kita. Isa pa, baka isipin ng lolo mo na inaabuso ko ang binabayad n'yo."
Napangiti si Hebrew. "Forget about that thing, Mauve. Let's just eat and enjoy this night, okay?"
Kitang-kita ni Mauve ang sinseridad ng binata nang tumingin siya sa mga mata nito. Kaya marahang siyang tumango at bagaman naiilang pa rin, ngumiti na lang siya. "Okay."
"There you go. See, kahit madungis ka, maganda ka pa rin 'pag nakangiti," Hebrew grinned, pouring Mauve's glass with orange juice.
Mauve raised an eyebrow. "Teka, wala na akong icing sa mukha, ah!"
Hebrew chuckled. "Ay, oo nga pala. Tinanggal ko na!"
"Hebrew naman. Baka mayroon pa. Hindi mo lang sinasabi!"
"Wala na, promise." Pigil ang pagtawa na tumusok ng piraso ng cake si Hebrew at itinapat sa bibig ni Mauve. "Kumain na nga lang tayo. Say ah."
That night, the cake vanished just after an hour. Ngunit ang kanilang tawanan at kuwentuhan ay nagtagal pa hanggang hatinggabi.
Maybe Hebrew had his horrible day outside. Pero lahat naman ng problema niya'y nakalimutan din nang muling makahalubilo si Mauve.