Kabanata 7

934 Words
The next day, Hebrew rose much earlier than the sun. Kaya maaga siyang nag-drive papunta sa kapitolyong lungsod ng Canyunez dahil doon lamang malakas ang signal ng kanyang telepono at internet. "Hello, Chavez..." panimula ni Hebrew. Kauupo pa lang niya sa isang cafe at naghihintay ng order niyang pancake. "Hebrew." May pagkamalat pa ang boses ni Chavez. "Sorry kung tumawag ako nang ganito kaaga. I just need to talk to you now," ani Hebrew. Napatingin siya kay Jim na matamlay pang nagkakape sa kanyang harapan. "No. No, it's fine 'Brew. Gising na ako bago ka tumawag dahil magre-report pa ako sa kuya mo ngayon." Rinig ni Hebrew na naghikab ang kausap sa kabilang linya at nagbukas ng TV. "Eh, kumusta na? Nakita mo na ba si Ma'am Selina?" "Hindi pa, Chavez. Pero dati na siyang nagawi sa tinutuluyan ko ngayon. Nakakuha rin ako nang mangilan-ngilang impormasyon kaya may posibilidad na makita ko na siya." "Buti naman. Habang tumatagal kasi, lalong sumiseryoso ang lagay sa bahay n'yo." Hebrew contracted his eyebrows. "Anong ibig mong sabihin? May sakit ba si Dad?" "Wala naman, 'Brew. It's just that, 'pag pumupunta ako sa mansyon, laging mainit ang ulo ni Sir Beau. Madalas naaabutan ko siyang nakikipagtalo sa papa n'yo. Minsan naman kay Ma'am Beatrice." Hindi alam ni Hebrew kung gaano kalalim ang hinugot niyang hininga. Sa paglalahad ng kaibigang imbestigador, pakiramdam niya'y pansamantala siyang naglayag papunta sa mansyon ng mga Khan - sa tahanan niyang ubod nang laki kaya kahit ang sari-saring problema ay malayang umuokupa ng sarili nilang lugar dito. "Well, you better get used to it, Chavez. 'Di bale, kapag nahanap ko na si Selina, babalik na sa dati si Kuya Beau." Nagbuntong-hininga si Hebrew matapos humigop ng kape. "Sigurado 'yan, 'Brew. Pero kung mahanap mo si Ma'am Selina, magbabago na kaya ang trato nila sa'yo?" Hebrew paused for a while. Sandali siyang napatingin kay Jim. "Saka ko na 'yan po-problemahin, Chavez. Ang mahalaga, kahit papaano umuusad ang ginagawa ko." "Okay." Kasunod ng boses ni Chavez ang tunog ng binuksang shower. Umaalingawngaw na rin ang boses nito. "Babalitaan na lang kitang muli sa susunod mong pagtawag. 'Pag 'di kita ma-contact, basahin mo na lang ang e-mail ko." "Thank you," bulong ni Hebrew. Ilang sandali lang ay naputol na ang kanilang komunikasyon at itinuon na ni Hebrew ang atensyon sa laptop. o0o Alas-dose na ngunit naroon pa sila sa cafe. Walang nagbago sa posisyon ng mesa maliban sa mga nakahain na ngayo'y pananghalian na. Sa dami ba naman ng mga unread e-mail, pakiramdam ni Hebrew, kulang pa ang isang araw upang magtrabaho. Lalo pang nakaaantala sa kanyang ginagawa ang halos sabay-sabay na pagpasok ng mga text sa kanyang cellphone. "Hebrew, nabasa mo na ba ang finorward sa'yo ni Beatrice?" ani Jim. May hawak din siyang laptop at bagaman nakasalamin na'y nanliliit pa rin ang mga mata sa monitor. "Oo..." Ang totoo'y pinahapyawan lang ito ni Hebrew. Gayumpama'y habang tinititigan niya ang bawat salita ng nakatatandang kapatid, pakiramdam niya'y naririnig din niya ang pagalit na boses nito. "But I'll face the reports soon dahil kahit magpasa ako on-time, galit pa rin siya." Jim shook his head. Ramdam niya sa boses ni Hebrew ang pagkalungkot, at ito'y nagpapalumbay din sa kanya. Pero wala siyang magagawa. Ang tanging makakaya lang niya'y suportahan ang binata at samahan ito saan man magpunta. "Oo nga pala, seryoso ka pa ba sa gagawin mong nobela rito?" Umangat ang mukha ni Hebrew sa matandang alalay at nagkibit-balikat. "Not sure, Jim. Alam mo naman ang priority ko, 'di ba?" "Pa'no 'yong babae do'n sa pub? Ang alam niya, naroon ka para magsulat." Sandaling tumahimik si Jim ngunit bigla siyang natawa. "Isa pala siya sa mga tagahanga mo. Pero hindi niya alam na ikaw ang idolo niyang si Malik. Wala ka bang balak sabihan siya?" "Wala. Bago niya malaman, nakaalis na tayo kasama si Selina." "Pero hindi mo ba nahahalata, mukhang may gusto siya sa'yo, Hebrew." Nang marinig ito'y bahagyang natawa si Hebrew. "Bakit mo naman nasabi 'yan, Jim?" "Dahil kung paano siya tumingin, parehas sa mga modelong naghahabol sa 'yo sa Maynila. Ang pinagkaiba lang, mahinhin itong si Mauve at simple. Hindi katulad ng iba na ikaw pa ang nililigawan." Tuluyan nang natawa si Hebrew. "Ikaw talaga, Jim. Sa edad mong 'yan, hindi ko akalaing ganyan ka pa mag-isip!" Nagkibit-balikat lang si Jim. "Gano'n talaga. Kailangan nating sabayan ang panahon ngayon para hindi tayo mahuli." That made Hebrew laugh again. Deep within him, mabuti na lang at kasa-kasama niya ang matandang ito. Kung hindi, matagal na siyang nahulog sa depresyon. Though Jim was very frank most of the time, still his presence was keeping Hebrew mentally healthy. Sane enough to withstand the harsh world of the Khan family. About Mauve, well he found her pleasing to the eyes. The woman was simply attractive. She was like an authentic gemstone in the middle of the forest. Ito ang uri ng babae na sapat na upang pagmasdan niya buong araw habang nakaupo siya sa isang tabi. Gusto rin niya ang pagiging maasikaso nito at hindi maarteng kumilos hindi kagaya ng mga nakakasalamuha niyang babae sa Maynila. May pagka-boring man ang lugar, naaaliw naman siya sa presensya ng dalaga. Ngunit hanggang doon lang iyon. Hindi niya maaaring kalimutan ang totoong pakay sa isla ng Canyunez. Habang patuloy na nagtatanghalian at nakatitig sa monitor, tumunog ang cellphone ni Hebrew. He glanced at the screen and saw it was his sister calling. Kaya agad niyang ibinaba ang headphone at dinampot ito. "Yes, hello?" "Napaka-iresponsable mo talaga, Hebrew! Hindi ka na nga nagpaalam, nag-iwan ka pa ng maraming problema sa department mo!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD