Kabanata 6

1164 Words
Malalim ang bawat hugod ni Mauve sa kanyang hininga habang metikulosong nililinis ang mahabang bar counter. Pagkatapos dito'y agad siyang tumungo sa kusina upang tiyaking nasa ayos na ang lahat ng mga kagamitan. "Okay na pala rito," bulong niya at muling bumalik sa bar upang suriin kung may bahid pa ng kalat ang sahig. Nang makasiguradong malinis na ang lahat, saka siya napaupo sa barstool upang magpahinga. "Kakaiba rin talaga ako," aniya sa sarili habang nagpapahid ng pawis sa noo. "Kung kailan walang customer, saka naman ako hindi magkadauga-uga sa paglilinis." Sabagay bukod sa may kasama siyang guwapong binata sa isang bubong, sino ba naman ay hindi magiging inspirado kung sa bawat sulok ng bar ay makikita niyang bago ang lahat ng kasangkapan. Mula sa mga baso, mesa at upuan pati sa pintong kulang na lang ay hindi niya padaanan dahil sa kintab nito. Hanggang ngayon nga'y ang lahat ng mga bagong kagamitan ay amoy department store pa rin. Lahat ng ito'y mula sa ginintuang pitaka ni Hebrew at kung hindi niya pinigilan ang binata, baka pati ang buong mall sa bayan ay binili na niya! Hindi tuloy maiwasan ni Mauve na isiping nais ding bilhin ng binata ang buo niyang kabuhayan, bagay na hinding-hindi niya papayagan kahit magkano ang ialok sa kanya. On the other hand, she couldn't help but wonder why a budding novelist like him could buy some extravagant stuff. Naalala tuloy niya ang huli nilang pag-uusap ni Hebrew kagabi bago tumungo sa kani-kanilang mga silid; I'm just an infamous writer. Napangiti pa nga ang binata nang makita nito ang koleksyon ni Mauve sa malaki nitong divider. Marami pang tanong ang umiikot sa isipan ni Mauve na nangangailangan ng kasagutan. Ngunit lingid sa kanyang kaalaman, mas marami pang nakahaing tanong si Hebrew para sa kanya. Katulad na lang ngayong nasa harapan na niya si Hebrew at makailang beses na pala itong tumatawag sa pangalan niya. "Mauve, mukhang malalim yata ang iniisip mo." Napakurap si Mauve nang tumambad sa kanyang harapan si Hebrew. Dressed in only a grey shirt and sweat shorts, she couldn't help but admire him for a couple of seconds before going back to reality. "H-hindi naman. Naninibago lang ako kasi puro bago ang mga gamit dito. Tapos ang mamahal pa ng bili mo sa kanila," nahihiyang wika ni Mauve na umayos ng pagkakaupo. Kung dati'y lagi itong may hawak na laptop, ngayon nama'y isang maliit na notebook na lang ang nasa kamay nito. Mabuti nga'y lagi na itong nakasuot ng t-shirt. Kung hindi, baka umurong na naman ang kanyang dila dahil sa maganda at malaking distraction. Kung alam niyang ganito kaaga bababa si Hebrew, sana'y mas maayos ang binihis niya at sana'y nakapagsuklay man lang siya ng buhok. Palibhasa'y nasanay siyang nakapusod lang ang mahabang buhok kahit na humaharap sa mga customer. "Oo nga pala. Salamat ha. " Isang maliit na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Hebrew. "Welcome. But if replacing all the old things here in the bar makes you comfortable, then doing such deed isn't a problem at all. Isa pa, responsible ako sa nangyari, 'di ba?" "Oo nga. Pero salamat pa rin. Nagmukha tuloy bago ang lounge ko dahil sa ginawa mo. Kaya nga magsasara muna ako pansamantala, para naman masulit ang bakasyon n'yo ng lolo mo," ani Mauve at bumaba ang mga mata niya sa hawak ni Hebrew. "Para saan ba 'yang notebook mo?" "Ito?" ani Hebrew nang sundan niya ang tinitingnan ni Mauve. "I want to interview you now and I'm taking notes. Kung okay lang sa 'yo, gusto kong mag-umpisa ngayon." "Naiintindihan ko," ani Mauve na marahang tumatango. Batid niyang ang pakay ng binata'y para sa susunod nitong nobela kaya bagaman nais din niyang magtanong, pagbibigyan muna niya ito. Tumikhim si Hebrew bago binuklat ang maliit na notebook. "Okay, gaano ka na katagal dito sa bayan ng San Agustin?" "Twenty-five years." Sa unang tanong pa lang ay napakunot na ng noo si Mauve, ngunit pinili pa rin niya itong sagutin. "Dito ako ipinanganak." "Really?" bakas sa boses ni Hebrew ang paghanga. "Does it mean, kilala mo na ang lahat ng mga tao rito?" "Puwede." "Sino-sino ba ang mga pumapasok dito sa lounge?" "Mga galing sa ibang bayan, mga turista, mga estudyante. Dati kasi maraming mga gusali at bahay dito. Pero simula noong bumagyo, nagsilipat sila at ako na lang ang naiwan." "Mga anong klaseng turista sila at paano kumilos?" Bahagyang natawa si Mauve. "Kailangan ba talaga 'yon?" "Of course." Nagkibit-balikat si Hebrew. "Doon ako babase ng movements ng mga character sa novel." "Gano'n ba?" Panandaliang bumaling ang paningin ni Mauve sa pinto upang alalahanin ang mga taong minsan nang naglabas-masok doon. "Parang kagaya mo lang din sila, Hebrew. Magarbo manamit at matalinong magsalita. Pero 'yong iba, porque galing sa Maynila, mayabang umasta at akala mo kung sino." Nais pang dagdagan ni Mauve ang paglalahad. Ngunit ang mga pangyayaring dapat ikukwento pa'y minabuti na lang niyang sa isipan na lang patakbuhin. "Alam mo, kung hindi lang namatay ang mama ko, hindi siguro ganito kahirap ang nararanasan ko." "Siguro ganoon lang talaga magpatakbo ng lounge, lalo na kung nag-iisa ka lang. But you know what, I admire you. It's been one week since I came here, pero sa ganoong kaikling panahon, alam kong mabuti kang tao at matatag. Kaya nga ikaw ang gusto kong maging bida sa gagawin kong story." "Ako?" ani Mauve na itinuturo pa ang sarili. Hindi siya makapaniwalang hinahangaan siya ng binata. Kaya nga nang marinig niyang gusto siyang gawing bida nito'y nag-init ang mga pisngi niya. "Pero Hebrew, hindi ako puwede diyan. Isa pa hindi naman ako kasing..." Suddenly, silence filled Mauve's system. Natulala pa siya habang tagus-tagusang napatingin kay Hebrew. "Mauve, are you okay? Bakit natulala ka?" ani Hebrew sabay tupi sa notebook. Napailing si Mauve at ngumiti. "Alam ko na, Hebrew. May kilala akong puwedeng maging bida sa nobela mo!" "Talaga? Sino?" tanong ni Hebrew na napataas pa ang dalawang kilay. "Noong mga nakaraang buwan, may tumuloy dito. Maganda siya at mukhang mayaman..." panimula ni Mauve. "Nilapitan ko siya at hiningi ang order pero tumanggi. Sabi niya hindi siya puwedeng uminom dahil nagdadalang-tao raw siya." "She's... pregnant?" bulong ni Hebrew. "Then what happened?" "Nag-away daw sila ng asawa niya kaya naglayas siya. Tapos bigla na lang siyang tumayo pero natumba rin. Kaya pinatuloy ko muna sa taas." Hebrew took a deep breath and exhaled slowly. He was trying to stay calm but the information he was accepting made his chest pound harder. "D-did you get her name? What's her name, Mauve?" "Teka..." Muling nag-isip si Mauve at mayamaya'y napangiting pumalakpak. "Naalala ko na! Selina. 'Yon! Sabi niya Selina ang pangalan niya! Pero hindi ko na alam kung nasaan siya ngayon." Hebrew heaved a deep breath. "Okay? Can you tell me more about her?" Nagpatuloy pa ang pagkukuwento ni Mauve tungkol sa babaeng minsan ay naligaw sa kanyang pub. Hindi niya namalayang hindi na nagtatanong si Hebrew at nakatulala na lang sa mukha niya habang atentibong nakikinig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD