Humihikbi na umiling si Beatrice. “Mauve, hindi! Wala siyang kahit anong kasalanan sa akin. Ako ang maraming pagkukulang sa kanya!” Mauve yanked her hands away from Beatrice. Her own sobs was shaking her body. Dahil dito, napayakap siya sa sarili. “Siguro naman matatanggap mo na siya bilang kapatid, bilang bahagi ng pamilya ninyo dahil nagsakripisyo na siya ng buhay niya para sa inyo! Siguro sapat na ‘yon, Ate Beatrice. Kasi kung kulang pa, pwede mo rin namang kunin kahit buhay ko! Tutal, ikaw na rin ang nagsabi na hindi ako karapat-dapat sa pamilya ninyo, hindi ba?” Lumuhod siya sa tapat ng nagdurusang si Beatrice. Tumingin siya sa mga mata nito kahit nanlalabo na ang mga mata niya sa sariling mga luha. “Ano pang hinihintay mo, Ate Beatrice! Saktan mo ako kung kulang pa ang buhay ni He

