BOOK THREE: BACK TO THE ROOTS Batid ni Mauve na ang lalaking napanuod sa balita ay ang kanyang asawa. Ngunit nang may kumatok sa pinto, madapa-dapa siyang tumakbo papunta roon sa pag-aakalang ito si Hebrew. Buhay at ligtas. “Hebrew!” she gasped the name. Natigilan siya nang ibang tao ang makita. “M-miss Innah?” The elegant woman gave her a once over before entering the apartment. “Magbihis ka, Mauve. Susunod tayo sa ospital.” Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Mauve. Naluluha siya habang tumatakbo papuntang silid. Hinila niya sa aparador ang isang straight na bestida at wala pang isang minutong isinuot ito. Nagmumog lang siya ngunit hindi na naghilamos. Every second was important for her because the life of her beloved husband was at stake. Nang nasa kotse na sila at nakikipag-unahan s

