“Sir Tomas, may nagtimbre daw sa kampo ng mga Khan. Alam nilang lulusob tayo sa araw na ito kaya lubhang napakaraming armado sa palibot ng mansyon.” “Ganoon ba?” Lumingon si Tomas sa alalay niya. Nanliliit ang mga mata niya na ibinuga sa lalaki ang usok galing sa hinihithit niyang sigarilyo. “At sino naman ang ulupong na ‘yan? Isa raw ba sa mga tao ko ang nagsumbong?” Umiling ang alalay. “Hindi pa natutukoy kung sino ang nag-tip kina Nolan, sir. Ngunit ayon sa nakalap naming impormasyon, ang bunsong anak ni Roberto ang nagsabi sa dating alaga ni Sir Pablo.” Huminga ng malalim si Tomas at nakayukong umiiling. “Naaawa ako kay Pablo. Hindi niya alam, nag-alaga siya ng isang ahas. Makikita ng Nolan Rosalez na ‘yan ang bagsik ng paghihiganti. Sa lahat ng ayaw ko ay iyong tina-traydor ako.” M

