Chapter 2- HEED THY WARNING

1601 Words
NAGPUPUYOS sa galit ang damdamin ni Alvis matapos mapanood ang balita. Ipinaalam na lamang niya sa Senate president na hindi siya makakadalo sa reading ngayong araw dahil sa emergency. Si Martha ang tumawag rito. Kinuha niya sa kaniyang driver ang susi ng sasakyan at mabilis na pinasibad iyon. Tutunguhin niya ang opisina ni Jerry upang komprontahin ito. Dahil kilala na siya ng mga guwardiya sa establisyemento ay nagtuloy-tuloy lang siya sa pagpasok. Dumiretso siya sa elevator at pinundot ang button na may nakalagay na number 2. Nang bumukas ang elevator ay mabilis ang lakad na tinalunton niya ang daan patungo sa opisina ni Jerry. Makailang ulit siyang kumatok bago siya tuluyang mapagbuksan ng sekretarya ng lalaki. Mababanaag naman sa dalaga ang pagkabigla nang siya ay makita. “M-Mr. Senator?” “Where’s your boss?” “Ahmm—ano po kasi sir—Teka po!” Hindi na niya hinintay pa na makapagsinungaling ito at nag dire-diretso na sa loob. Habang naglalakad ay nakaririnig siya ng mga pagtawa. Tawa iyon ng kagalakan, at pamilyar sa kaniya ang boses na kaniyang naririnig. “Teka sir! Hindi po kayo puwedeng—” “Ano ba ang nangyayari riyan sa labas—Alvis? What are you doing here?” Matalim ang ipinukol niyang tingin sa kaibigan nang makita kung sino ang kasalukuyang kausap nito. It’s none other than, congressman Peters. Ngayon ay nauunawaan na niya kung bakit kating-kati si Jerry na ibasura nila ang kasong isinampa niya sa lalaki. Nang makita siya ng kongresista ay tumayo ito upang batiin siya. Nakangiti itong humarap sa kaniya na tila ba nang-uuyam. “Senator Perez. What a surprise!” Inilahad pa ng lalaki ang kamay sa kaniya. Ngunit hindi man lamang nag abala si Alvis na tingnan ito. “I should have known. You bastard.” Nahihiya namang napatungo si Jerry at napakamot sa kaniyang noo. Maya-maya ay muling nag salita si Congressman Peters. “I believe you’ve watched the news already? That’s why you’re here, right? Mr. Protégé?” “You must be very happy, Peters. You’re still alive but you’re soul’s rotting in hell. What’s the feeling of selling your own countrymen to the foreigners to be a s*x slave? Is it worth it? Do you have a child? What if I sell your child to those very clients that you were entertaining last week?” Napangiti si Alvis nang mag dilim ang anyo ng kongresista. Nag mukha itong buddha na galit kaya naman hindi na kataka-taka na kabahan si Jerry sa hitsura nito ngayon. Pero iba si Alvis. Wala siyang kinatatakutan, lalo na kung alam niyang nasa tama siya. “Alvis, stop!” pigil naman ni Jerry sa kaniya. “Why should I? How about you Jerry, is it satisfying to betray your own principles for the sake of money?” “You do not have any right to criticize my actions. You know nothing!” bulyaw sa kaniya ni Jerry. “Pathetic,” tugon naman niya sa dating kaibigan. Matapos nito ay tinalikuran na niya ang dalawa. Pero bago pa niya marating ang pinto ay pumihit siyang muli paharap sa mga ito. “You should enjoy things while it lasts, Peters. We don’t know what would happen in the future.” Galit na ibinato ng kongresista sa direksyon ni Alvis ang kopita ng alak pero sa kabutihang-palad ay nakalabas na siya ng silid kaya naman sa pinto na lamang ito tumama. “That annoying brat!” “What should we do, sir? I know Alvis at hindi siya titigil hangga’t hindi siya nagtatagumpay.” Nag-aalalang tanong ni Jerry sa kaharap. “The time has come for him to disappear.” “What do you—No! Hindi kasama sa pinag-usapan natin ang pagpatay sa kaniya. He’s still my friend.” Mariing pagtutol naman ni Jerry. “There’s no other way, Jerry. Do not make an attempt to help him or I will kill you myself.” Hindi makapagsalitang napatungo na lamang si Jerry. Hindi niya gustong mamatay si Alvis pero hindi rin naman niya gustong mamatay sa pagliligtas dito. NAKAKUYOM ang mga kamaong pinaghahampas ni Alvis ang manibela ng kaniyang sasakyan dahil sa labis na galit. Hindi siya makapaniwalang magagawa siyang traydurin ng kaisa-isang tao na pinagkakatiwalaan niya. But he knew that he can’t stop now. Kailangang managot sa batas ni Peters dahil pagsasawalang bahala nito sa mga karapatang pantao ng mga nabiktima nito. Kung hindi siya mapipigilan sa masasama nitong gawi ay siguradong hindi magiging ligtas ang lipunan na kaniyang ginagalawan. Nagmaneho na lamang pabalik sa kaniyang tahanan ang binata. Iiinom na lamang niya ng alak ang sama ng loob na nadarama. Pero habang binabagtas niya ang kahabaan ng kalsada ay napansin niya ang isang itim na sasakyan na kanina pa sumusunod sa kaniya. Ipinagsawalang bahala niya muna ito ngunit agad din siyang naalarma nang makailang ulit na siyang lumiko ay nakasunod pa rin ito sa kaniya. Mabilis niyang kinapa at binuksan ang storage compartment ng kaniyang sasakyan. Bahagya pa siyang napangiti nang makapa mula roon ang isang baril. Legal ang pagkakabili niya sa baril na iyon at mayroon pa itong mga kasamang papeles sa loob ng compartment. Para talaga ito sa kaniyang seguridad. Inihanda niya ang kaniyang sarili sa mga maaaring maganap. Nakahinga siya ng maluwag nang biglaang mawala ang sasakyan sa kaniyang likuran. Huminto si Alvis sa stop light nang makita itong pumula. Naghintay siya ng dalawang minuto bago muling pinaandar ang sasakyan. Pero hindi pa siya nakakalayo nang makuha ng ilaw sa kaniyang gawing kanan ang kaniyang atensyon. Naging mabilis ang mga sumunod na pangyayari. Natagpuan na lamang ni Alvis ang sarili sa loob nang nagpapagulong-gulong na sasakyan. Nang tumigil sa paggalaw ang sasakyan ay sinubukang igalaw ng binata ang kaniyang kamay upang abutin ang kaniyang telepono. May kaunting basag na ang cellphone ni Alvis pero sa kabutihang-palad ay gumagana pa rin ito. Nahihirapan man ay pilit niyang dinial ang emergency number. Pero dahil sa mga tinamong pinsala at dahil na rin sa panghihina ay hindi na masagot pa ni Alvis ang nasa kabilang linya. Unti-unti nang bumibigat ang talukap ng kaniyang mga mata at nag dilim ang kaniyang kapaligiran. MULING nagmulat ng mga mata si Alvis sa ospital kung saan naroroon ang kaniyang sekretarya. Nakaupo ito habang may binabasang magazine. Nanlalabo man ang kaniyang mata ay pilit pa rin niyang iginala sa paligid ang kaniyang paningin. Nakita rin niya si Jerry na natutulog sa isang upuan. Nakanganga pa ito ng mga sandaling iyon. Maya-maya lang ay may kung sinong dumating na paulit-ulit pang kumakatok sa pintuan. Tumayo si Martha upang pagbuksan ng pinto ang nasa labas. Laking gulat ni Alvis nang mamukhaan kung sino ang bagong dating. Si Congressman Peters. Kung ganoon ay tauhan din pala nito si Martha na bago niyang sekretarya. Muli siyang pumikit upang hindi mahalata ng mga ito na gising na siya. Pinakinggan na lamang niya ang pag-uusap ng mga ito. “Good evening, sir.” “Good evening, Martha. Nagising na ba ang walang-hiyang ‘yan?” “Hindi pa po sir. Sabi rin po ng mga doctor ay baka ilang araw pa muna ang lumipas bago siya magkamalay.” “Is that so? That’s good. Mamayang hatinggabi ay paparito ang ilan sa mga tauhan ko para kunin ang hayop na Alvis na ‘yan. Gusto kong bantayan mo siyang mabuti bago sila dumating. Intiendes?” “Yes, sir.” Ang sunod lamang na narinig ni Alvis ay ang pagsasara ng pinto. Nanatili lamang siyang nakapikit. Dahan-dahan siyang nag mulat at sinilip mula sa kaniyang balintataw si Martha. Nakaupo na itong muli habang nagbabasa ng magazine. Sunod naman niyang sinipat si Jerry na sa tingin niya ay natutulog pa rin ng mga sandaling iyon. Ngunit labis ang kaniyang pagkabigla nang makita itong nakatingin sa kaniya. Itinaas nito ang hintuturo upang balaan siya na huwag siyang mag iingay. “Martha?” tawag nito sa taksil niyang sekretarya. “Yes, Mr. Cruz?” “Is it okay if you buy me some coffee in the cafeteria?” Nag dadalawang isip na napatingin kay Alvis ang babae. Naunawaan naman ni Jerry ang ipinag-aalala nito. “Don’t worry, ako na muna ang mag babantay sa kaniya. Hindi pa rin naman siya nagigising hindi ba? Now, go.” Nang makaalis ang babae ay nagmulat na rin ng mata si Alvis. Tumayo naman mula sa pagkakaupo si Jerry at lumapit sa pinto upang i-lock ito. Nang magbalik ito ay agad na nag salita si Alvis. “I can’t believe that even my secretary would betray me. Wala na talagang mapagkakatiwalaan sa panahon ngayon.” “I’m sorry, Alvis. Naiipit lang ako sa sitwasyon. Tinatakot ako ni Peters na masasaktan ang pamilya ko kapag hindi ko sinunod ang gusto niya. Kaya kahit mahirap sa akin ay pinagtaksilan kita.” “Nothing will change, Jerry. You betrayed me and our country.” “Trust me. I know.” Muling napalingon si Jerry at Alvis sa pinto nang pilit na binubuksan ni Martha ang seradura ng pinto. “Mr. Cruz! Mr. Cruz!” Muli pa’y hinarap ni Jerry si Alvis. “Peters wants you dead. Ipapadala niya mamayang hatinggabi ang ilan sa mga tauhan niya para dukutin ka mula rito sa ospital at patayin sa liblib na lugar. You need to get out of this hospital as soon as possible. Hindi kita matutulungan dahil siguradong papatayin ako ng demonyong ‘yon.” Hahakbang na sanang palayo si Jerry upang pagbuksan si Martha nang pigilin siya ni Alvis. “Why are you helping me out of the blue?” “Because… you’re my only friend, and I don’t want you to die.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD