Chapter 1- ALVIS; THE PROTÉGÉ SENATOR
KALIWA’T-KANAN ang pag kaway ni Senator Alvis Perez sa media na hindi magkandaugaga kung paano siyang makukunan ng impormasyon patungkol sa pinakalatest na imbestigasyong isinagawa nito sa isang opisyal ng gobyerno.
“Mr. Perez! May katotohanan ba ang lahat ng akusasyong ibinabato ninyo kay Congressman Peters?” tanong ng isang babaeng may balingkinitang katawan habang pilit na inilalapit sa kaniya ang dala nitong mikropono.
“Yes,” matipid na tugon ni Alvis.
Maya-maya ay may isa pang babae ang lumapit sa kaniya. Nakasuot ito ng eye glasses at kilala ito bilang isang bayarang reporter. “Do you have any concrete evidence against the congressman, sir? Or you were just merely throwing accusations?”
Tumigil sa paglalakad si Alvis at hinarap ang babae pati na rin ang iba pang mga taga-media. “I won’t be here if I am just throwing accusations. Let’s just wait for the investigation procedure to be done. Thank you!”
Matapos nito ay sunod-sunod pang nagkislapan ang mga camerang dala ng mga ito. Ipinagpatuloy na niya ang paglalakad papasok sa prosecutor’s office habang nakasunod naman sa kaniya si Martha, ang kaniyang bagong sekretarya.
Nang tangkain siyang sundan pang muli ng mga reporter ay hinarang na ito ng mga guwardiya ng establisyemento.
Gumamit sila ng elevator upang tunguhin ang ikalawang palapag kung saan naroroon ang opisina ng matalik niyang kaibigan na siyang city prosecutor at kasalukuyang humahawak ng kaso niya laban kay Congressman Peters.
Kumatok ang kaniyang sekretarya sa pinto ng marating nila ang opisina nito. Pinagbuksan sila ng sekretarya ng prosecutor at pinatuloy sa loob. Inabutan niya pa roon ang kaibigan na abalang binabasa ang mga files na ipinadala niya rito noong nakaraang araw.
“You know that you should go home and rest once in a while, Jerry, right?” tanong ni Alvis matapos niyang maupo sa couch na nasa harapan ng table ng kaibigan.
“And how can I rest if you keep sending me all these files? You dipshit!”
Natawa naman si Alvis sa tinuran ng lalaki. Inikot niya sa paligid ang mga mata. Napatayo siya nang may mapansing bago sa paligid. Isang painting ang kasalukuyang nakasabit sa dingding.
Nakapinta rito ang isang ilog na napaliligiran ng sinaunang mga tahanan. Kulay asul ang kalangitan sa painting na ito. Maganda ang pagkakagawa.
Magaganda rin ang kombinasyon ng mga kulay na ginamit. Isa itong obra maestra na nasisiguro niyang mahal kung bibilhin sa mismong may likha.
“Where did you get this? Mukhang mahal ah?”
Nang tumingala si Jerry upang tingnan kung ano ang tinutukoy ni Alvis ay agad siyang nagbaba ng tingin. “T-that’s just a gift.”
“Gift? This is an expensive gift. Kanino galing?”
“From a friend.”
Tumango-tango naman si Alvis. “I see. Anyway, how’s my proofs? Do you think I can win the case?”
“These aren’t enough to put him behind bars, Alvis. Besides, how did you even obtain these evidences?”
“Well…”
“You trespassed again, didn’t you?”
Nagkibit-balikat lang si Alvis bilang tugon. Napabuntong-hininga naman si Jerry at hinuli ang mga mata ng kaibigan. “Look at me, idiot.”
Napapakamot sa pisnging sinalubong ni Alvis ang tingin ng lalaki.
“Let’s just drop this case. Just for once.”
“What? Are you nuts? Alam mo ba kung gaano kahirap ang pinagdaanan ko para lang makuha ang mga files na naglalaman ng mga illegal transactions ni Peters?” Hindi makapaniwalang reklamo ni Alvis.
“I know, Alvis. But how you obtain these files is illegal. You trespassed and that is a criminal offense! What if Congressman Peters filed a lawsuit against you? Masisira ang imahe mo sa madla. You should think carefully before doing something dangerous!”
Tumayo mula sa pagkakaupo si Jerry at nilapitan ang kaibigan. Ipinatong nito sa kaliwang balikat ng lalaki ang kaniyang isang kamay at mataman itong tinitigan.
“Let’s just wrap up this case, Alvis. Okay? It’s for your own good, buddy.”
Disappointed na inalis ni Alvis ang kamay ng kaibigan sa kaniyang balikat.
“I am a senator and I have made a promise to the president. I promised him that I would use all my power and influence to clean this government.” Masama ang loob na tinalikuran ni Alvis si Jerry at nag lakad patungo sa pinto.
“Your job is to make laws that are beneficial to this country’s citizens Alvis and not cleaning this government! You were putting yourself in danger!”
“I can’t make any law if there’s always be an official who will reject my bills for the good of their personal agendas. I am not doing this because of the president. I am doing this for the people,” walang lingong-likod na saad ni Alvis at lumabas na sa opisina ng kaibigan. Nakasunod naman sa kaniya ang sekretaryang si Martha na kasalukuyang tinatawagan ang driver nila.
Hindi na pinansin pa ni Alvis ang mga reporter sa labas at kaagad na pumasok sa loob ng sasakyan nang pumarada ito sa kanilang harapan. Hinilot-hilot ni Alvis ang sentido habang nasa biyahe sila pauwi sa kaniyang tahanan.
“Do you need water, sir?” tanong ni Martha.
“No, thank you.”
Nang dumating sila sa magarang tirahan ng binata ay sinalubong naman sila ng kaniyang kasambahay na si Elsa. “Good evening po sir! Nakahanda na po ang pagkain.”
Nakangiti namang tumugon si Alvis. “Sige po manang, maliligo lang ako sandali pagkatapos ay kakain na rin ako.”
Tumango naman sa kaniya ang babae na nasa mid 40’s na ang edad at bumalik na sa kusina.
Matapos makapaligo ni Alvis ay agad siyang bumaba mula sa kaniyang silid. Inabutan niya pa si Martha sa living area habang kinakalikot ang tablet na siyang naglalaman ng mga schedule niya para sa linggong iyon.
“Martha, you’re still here? I thought umuwi ka na kanina.”
“Yes, sir. May inaayos lang po ako sa schedule ninyo.”
“It’s okay. You can do it tomorrow. Go home and have a rest.”
Hindi naman tumanggi ang dalaga sa utos niya. Ngunit muli itong napapihit paharap sa kaniya nang tawagin niya ito.
“Hindi ka pa kumakain, ‘di ba?”
Nag-aalangan namang umiling si Martha.
“If that’s the case. Stay here for dinner. Naghahain na si manang sa kusina at huwag ka nang tumanggi pa. It’s my responsibility to make sure that all of my employees were all fully paid at hindi nagugutom.”
“T-thank you po sir,” pasasalamat ng dalaga.
Ngumit lang si Alvis bilang tugon at ipinagpatuloy na ang pagkuting-ting niya sa kaniyang cellphone. Hindi nag tagal ay tinawag na rin sila ni Aling Elsa para sa hapunan.
Mababakas ang gulat at pagkalito sa mga mata ni Martha nang maupo siya sa hapag-kainan. Hindi lamang kasi silang dalawa ng senador ang naroroon kundi pati na rin ang kanilang driver, ang hardinero, ang dalawa pang mga maids sa tahanan at si Aling Elsa na kauupo pa lamang sa kaniyang tabi.
Napansin naman ng ginang na nagtataka ang dalaga sa mga nangyayari. “Nagtataka ka ba kung bakit kami hinahayaang makasabay sa pagkain ni Sir Alvis?”
Napatango naman ang dalaga sa katanungan ng ginang. “Likas na kasi sa kaniya ang pagkakaroon ng mabuting loob. Dahil laki rin siya sa hirap ay nagkaroon siya ng matibay na pagpapahalaga sa mga kapwa maralita. Kaya hanggang ngayong mayaman na siya ay dala-dala pa rin niya ang pag-uugaling iyon.”
Namamanghang napatingin naman sa batang senador ang dalaga.
“Oh, ano pang hinihintay ninyo? Kumain na tayo.” Nakangiting saad ni Alvis.
Matapos ang hapunan ay nagpaalam na rin ang sekretarya ni Alvis. Ipinahatid na niya ito sa kaniyang driver dahil masyado na itong ginabi sa pakikipag-kuwentuhan sa mga kasambahay.
Nagtungo ang binata sa terrace dala ang kopita ng alak at isang pakete ng sigarilyo. He chugged down the alcohol and lit up his cigarette. Isang malalim na paghinga ang kaniyang ginawa.
Kung para sa karamihan ay bisyong maituturing ang mga ito, para kay Alvis ay ang dalawang ito lamang ang siyang tanging nakapagpapagaan sa kaniyang kalooban.
Tumingala siya sa kalangitan at pinanood ang nagniningning na mga bituin. Humithit siya mula sa hawak na sigarilyo at ibinuga sa hangin ang usok nito. Kasabay ng mga alaalang pilit niyang kinalilimutan.
“I wish you were here, Ma.” Usal niya sa hangin.
Makailang ulit pa siyang nag salin ng alak sa kopita at tinungga iyon. Nang makaramdam siya ng kaunting pagkahilo ay pumasok na siyang muli sa kaniyang silid at nagpahinga.
KINAUMAGAHAN ay ang malakas na tunog ng alarm clock ang nag pabangon sa binata. Nang sipatin niya ang orasan ay nanlaki ang mga mata niya nang makitang mag aalas-otso na ng umaga.
Agad na pumasok sa kaniyang isipan na kailangan niyang umattend sa senado para sa pagbabasa ng bill na siya mismo ang principal author. Patungkol ito sa pagbibigay ng libreng access sa health care system ng bansa para sa mga taong kapus-palad.
Ipinapanukala niya na maging libre ang pagpapakonsulta, pagpapagamot at ang pamimigay ng libreng gamot para sa lahat ng mga nasa laylayan ng lipunan.
Mabilis siyang bumangon sa higaan at parang ipo-ipo na nag punta sa banyo.
Dahil nga kinakailangan niyang makarating sa senado bago mag alas-diyes ng umaga para sa first session ng reading ay minadali na lamang ng binata ang paliligo.
Wala pang sampung minuto ay lumabas na siyang muli at nagtungo naman sa tukador para kunin ang kaniyang mga isusuot.
Mabuti na lamang at naplantsa na ni Aling Elsa ang mga suit na kinakailangan niya dahil kung hindi ay siguradong hapon na ang dating niya sa senado.
Nang makababa sa living room ay naabutan niya pang nakaupo at umiinom ng kape si Martha. Napatayo ito nang makita siya. “Good morning po, Mr. Senator!”
“Good morning din sa’yo. Sorry, but can we go? I’ll treat you na lang later sa coffee shop kapalit ng kape na ‘yan.”
Hindi pa nakakalimang hakbang ang lalaki nang tumatakbang pumasok mula sa labas ang kanilang driver. Hawak nito ang kaniyang telepono.
“Ano ba ang nangyayari sa’yo, Ramil?”
“Pasensiya na sir, pero sa tingin ko po ay dapat ninyong makita ito!”
Inanunsyo na ng city prosecutor’s office ang pagbasura nito ng kaso laban kay Congressman Peters na inihahain ni Senator Perez kaugnay ‘di umano sa mga illegal na transaksyon ng kongresista…
Dahil sa labis na inis ay nasuntok ni Alvis ang sementadong dingding na nasa kaniyang tabi ng mga sandaling iyon.
“Damn you, Jerry!”