bc

The Monstrous Vengeance

book_age12+
8
FOLLOW
1K
READ
murder
revenge
others
others
goodgirl
brave
no-couple
mystery
secrets
like
intro-logo
Blurb

"Kung buhay ng inutang ,buhay din ang kapalit"

Tristan Delavega

Isang paghihiganti na akala nila'y di na mangyayari, isang krimen na itinago nila ng napakatagal

chap-preview
Free preview
Chapter- 1
"Magsisimula na tayo Hijo" sambit ng isang matandang babae sa kaharap nyang lalaki. Nag Simula ng humiga sa puting kumot na nakalapag sa may sahig ang lalaki at pumikit , isa-isang sinindihan ng Ginang ang anim na puting kandila na nakapalibot sa gilid ng lalaking nakapikit at pagkatapos ay may nilabas sya mula sa kanyang bulsa na pulang manipis na tela at itinali ito sa kanang galanggalangan habang may binubulong na di maunawaang salita ng nakakarami. "Akin na ang bagay na kanyang pagkakakilanlan " sabay tingin ng Ginang sa isang babae agad namang inabot ng Babae ang kulay Pilak na kwintas sa Ginang . Pagkatapos nyang maisuot sa lalaki ang kwintas ay biglang nag sipatayan ang mga apoy na nakasindi sa mga puting kandila. "Andito kana ba...Travis Dela Vega? " tanong ng Ginang _______________________________________ Habang nakatingin sa makulimlim na kalangitan ay agad akong napabalik tanaw sa mga ala-alang kalungkutan ang hatid saken ,sa twing sasapit ang ganitong panahon di ko maiwasan at mapigilan ang aking sarili na makaramdam ng ganitong pakiramdam dahil dito agad akong napa buntong hininga. " lalim naman nyan , August " sabay siko ng mahina saking kaliwang braso nang magsalita. Agad naman akong humarap at napangiti "wala lang to ,Trishia" ito ang isa sa mga bagay na ayaw kong ikwento kay Trishia dahil baka di nya ako maintindihan "Sigurado ka?" Tanong nya na may pag aalala. Tumayo ako at tumingin ulet sa kalangitan ng saglit bago ko sya muling tiningnan "Uwi na tayo ..mukhang babagsak na ang ulan " palit ko ng topic Napatayo nadin sya at isinuot na ang kanyang knapsack bag bago magsalita "Sige uwi na tayo, wala akong payong " at hila saken papalayo sa inuupuan nameng bench sa loob ng campus, naghiwalay lang kami nung sumakay na kami ng pampas asaherong jeep. Habang nakaupo sa loob ng pampasaherong Jeep ay may napansin akong isang ginang na nakasuot ng belong kulay pula ,dahil dito ay agad kong naalala ang aking napaginipan kagabi. 'Bakit naman kaya napanaginipan ko yun ?' Tanong ko saking sarili pagkatapos ay napasimangot ako bago ulet napaisip muli. 'May ibig sabihin ba yun o dahil lang sa mga napanuod kong horror movie kahapon ?'. Pagbaba ko galing sa pampasaherong Jeep ay agad akong naglakad at pumasok sa gate ng bahay namin. Pansin kong may sinusunog si Aling Loreta sa tabi na punit-punit na mga papel. "Good afternoon po" Bati ko sa kanya "Good afternoon din ,hija" ngiti nya saken. "Si Mama po ?" "Nasa loob sya ..pero mukhang galit na galit " sabay simangot nya "Ano kayang nangyari?" Bulong ko muna bago pumasok sa bahay upang hanapin sya sa bawat sulok "Mama ?!" Tawag ko "Andito ako Cleo " sa kwarto ko narinig na nanggagaling ang tinig ni Mama kaya agad akong dumiretso dito, Nakita ko si Mama na nakaupo sa Gilid ng kama habang minamasahe ang gilid ng kanyang ulo. "Mama ayos kalang po?" Tanong ko habang papalapit sa kanya , napahinto sya sa kanyang ginagawa at humarap saken nang nakangiti . "Ayos lang Cleo " tumayo sya at hinaplos ang ulo ko "Cleo , pupunta muna ako sa Uncle mo ah" si Uncle Jeff siguro ang tinutukoy ni Mama ngayon , sa pagkakaalala ko pag nagkakaron si Mama ng problema si Uncle ang agad nyang pinupuntahan, Bumalik ako sa realidad ng maramdaman ko ang dampi ng labi ni Mama saking noo "Sige alis na ako Cleo " pagkatapos nyang sambitin yun ay nagsimula na syang maglakad papaalis sa may kwarto, tiningnan ko lang ang kanyang likod hanggang sa di ko na ito maaninag pa. "Sana magiging ayos din ang lahat " sambit ko at nag simula ng maglakad papalabas pero napahinto ako ng may mapansin akong punit na litrato sa sahig ng kwarto ni Mama, Napa yuko ako upang abutin ang larawan sa may sahig pagkatapos kong maabot ay napatayo akong muli at sinilip ang napunit na larawan. Kita ko ang isang di familiar na lalaking nakangiti. "Sino Kaya ito..at bakit pinunit ni Mama ang picture nya ?" Sambit ko habang napakunot ang noo. _______________________________________ Kinabukasan Habang nag lalakad papasok sa campus ay di mawala wala sa isip ko ang panaginip kong pangalawang beses nang naulit kagabi pero ang pagkakaiba lang ay malinaw na ang mukha ng mga tao saking panaginip ,at ang natatanging familiar lang na mukha doon ay yung lalaking nakahiga mula sa may puting kumot dahil yung lalaking yun ay yung mismong tao na nakita kong mula sa punit na larawan galing sa kwarto ni Mama kahapon. Pero ang malaking katanungan ko ay bakit tinawag sya ng matanda sa pangalan ni Papa?. ' Ano kayang ibig sabihin ng panaginip na yun ?' Sunod kong tanong saking sarili pagkatapos nun ay napa buntong hininga ako. "Napapadalas ata pag sisigh mo August " napatingin ako bigla sa pinanggagalingan ng boses at napangiti naman pagkatapos "Ikaw pala yan Trishia " "Sabihin mo na bat napa sigh ka nanaman " sabay pout nya At kinwento ko sakanya yung napanaginipan ko at yung larawan sa kwarto ni Mama. "Aish!! Biglang nagtayuan ang balahibo ko August ang Creepy naman " simangot nya habang kinukuskos ang ang magkabilang braso nya bago ulet sya nag patuloy "Lam mo baka nasobrahan kana sa kakapanuod mo ng mga Horror films " di padin nawawala ang simangot nya saken "Ganun ba yun?" Kunot ko ng noo Pagdating namen sa aming silid aralan ay agad kaming dumiretso saming arm chair , magkatabi lang naman kaming dalawa ni Trishia kaya di na sya lumayo pa saken, Agad kong napansin ang isang papel na nakalagay sa sa arm chair ko agad kong kinuha ito at tiningnang mabuti , Nakaakda dito ang walong listahan ng mga pangalan na familiar saken. "Ano yan?" Tanong ni Trishia habang nakatitig din sa papel "Hindi ko alam... pero nakalagay dito ang pangalan ni Mama at Uncle " sabay turo ko ng pangalan ni Mama at uncle sa may papel. "Hmmmm. Para saan kaya yan? " "ano kayang klaseng listahan to?...itatanong ko nalang kay Mama ko mamaya pagdating sa bahay " tingin ko kay Trishia "Kay sir Jeff mo nalang August tanungin " sabay hila ng mahina sa kaliwang manggas ng uniform ko "Sige " pangsang ayon ko kay Trishia habang nakangiti. Hinintay namin hanggang mag reccess bago namin nilapitan si Uncle sa teachers table ng silid aralan. "Uncle" sambit ko habang nakatingin sa kanya "Ano yun Cleo at Trishia ?" Tanong ni Uncle habang nakangiti, "Uncle may nakita po akong papel sa arm chair ko po kanina" sabay abot ko ng papel kay Uncle ,kinuha nya at tiningnan ito ngunit nag iba ang kanyang expression ng mabasa nya ang nakaakda pansin ko naman na bigla nyang diniin ang hawak nya sa may papel at ito ang aking ipinagtataka. "Uncle para San po yan?" Tanong ko bigla Inilayo nya ang tingin nya sa may papel at inilipat samin bago nag salita ng nakangiti "Wala lang ito Cleo " inipit nya sa kanyang journal ang papel at binibit ito kasama ang maliit na karton ng chalk at isang libro "Sige alis na ako " at lakad nya palayo samin. "Ang weird naman nang reaction ni Sir ,August..mas na curious tuloy ako tungkol sa papel " sambit ni Trishia. "Di kalang nag iisa " sambit ko din habang tinitingnan si Uncle papalayo sa silid aralan namen. _______________________________________ See yah next chapter ..lab yah Milkitta_Platuna (◍•ᴗ•◍)❤

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.3K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.3K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

His Obsession

read
104.2K
bc

The naive Secretary

read
69.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook