Chapter-4

1289 Words
AUGUST POV It's 10:00am on a Saturday morning ng Isama ako ni Mama para mag Grocery sa SM. Napapansin ko na habang tumatagal mas namumutla si Mama. "Mama okay lang po ba ang pakiramdam mo ?" Ngumiti sya " ayos lang ako Cleo " sabay haplos saking ulo. Pagdating namin sa ground floor kung saan ang Grocery ng mall ay kumuha si Mama ng pushing cart , nasa tabi lang ako ni Mama At makalipas ang ilang saglit ay napatingin ako sa may kanan dahil nakaramdam ako na parang may mga matang nakamasid saken. "Cleo " tawag ni Mama saken "Bakit po Mama?" Nalipat sa kanya ang atensyon ko. "Anak, punta ka muna sa may soap section kunin mo ito" At inabot ni Mama saken yung listahan. "sige po Mama " kuha ko at nagsimula ng maglakad papunta sa soap section Pero ng malapit na ako ay nakita ko ang nahulog na color brown na wallet mula sa ginang na may tulak tulak na pushing cart. Agad kong kinuha yung wallet at nilapitan sya. "Ma'am " tawag ko tumalikod naman sya para tingnan ako. "Ma'am wallet nyo po "ngiti ko habang inaabot to sakanya. Kinuha naman nya at akoy ginantihan ng ngiti " Salamat Langga " malumanay na pananalita nya saken "wala pong anuman " ako na di padin nawawaglit ang ngiti , mag papaalam na sana ako pero napahinto ako ng marinig ko syang magsalitang muli "August Cleo Velez po" agad kong sagot. "Kay gandang pangalan " "Cleo ,nakakuha kana ba?" Agad kong narinig si Mama kaya napalingon ako sa likod at nakita ko syang papalapit saken. "Ia " napahinto si Mama at napatingin sa tabi ko kung saan ay napatitig sa Ginang , mukhang gulat ang reaksyon ni Mama pero pagkalipas naman ng sandali ay nawala ang gulat nya at napalitan ng pagka tensyonado "Ia...is that you ? ...oh! it's good to see you here, " masaya ang ginang habang papalapit kay Mama , ng hahawakan nya ang kamay ni Mama ay agad nya itong nilayo. "Sya na ba ang apo ko ?" Agad akong napatingin sa Ginang "Hindi po , namatay po ang unang anak ko " naramdaman ko na hinawakan ako sa kamay ni Mama , napatingin ako sa kanya ng may pag aalala ng mabatid ang panlalamig ng kanyang palad. Nagtataka ako sa sinasabi ni Mama , wala akong naaalala na sinasabi ni mama na may kapatid ako na namaalam, bakit nagsisinungaling si Mama sa Ginang? "Kinalulungkot Ko ang nangyari " humigpit ang hawak ni mama saken "Cleo..please pakuha na ng inuutos ko doon sa soap section " utos ni mama at binitiwan na nya ang kamay ko, di ko sana sya susundin dahil nararamdaman ko na sa pagkakataon na to na di sya kailangang iwanan. "Please Cleo " "Opo Mama " napakunot ng noo nang magsimula na ako maglakad papunta sa soap section. Bakit kaya ganun kinilos ni mama sa ginang at pinaalis ako agad na parang ayaw niya marinig ang pag-uusapan nila ,tungkol kaya kay papa ang pag-uusapan nila?pero bat ganun hindi maganda ang timpla ni mama sa Ginang na yun ano kaya nangyari sa kanila ? At bat sya nagsisinungaling ' ito ang mga tanong na tumatakbo sa isip ko ngayon. Pagdating ko sa Soap section ay agad kong nakita yung detergent soap na isa sa pinapakuha ni Mama , nang makuha ko yung detergent soap ng may marinig akong bulong. "Mamatay ka na " bulong ng babae dahil doon ay nabitawan ko yun at agad tumalikod para makita kung sino yung bumulong. Diko kilala yung babae pero nakangiti sya saken , "Sino ka?" Tanong ko sa kanya ng nakasimangot "Bakit ko naman sasabihin sayo?" Panunungit nya Napasigh ako at tumalikod para pulutin yung nahulog na detergent soap pagkatapos nun ay naglakad na ako para kumuha ng ibang pinapabili ni Mama ngunit sumusunod lang yung babae pero di ko nalang sya binibigyan ng pansin at kumuha ng sabon. "Kailan kaba mamamatay?" Asar nyang banggit Huminto ako at nilingon ko syang nakasimangot "Wag mo nga akong pagtripan" asar ko ding banggit. Agad nya akong inakbayan na napaka uncomfortable saken , aalisin ko sana pero napahinto ako ng marinig ko ang boses ni Mama "Cleo nakuha mo naba lahat? " tanong ni Mama Humiwalay yung babae sa pagkaakbay saaken at lumapit kay Mama ko "Kamusta po kayo?" Tanong nya kay mama "Ayos naman ako ,kaibigan kaba ng anak ko?" nakangiting tanong ni mama "Matalik po kaming magkaibigan ,sige alis na po ako ,August kita tayo ulet " sabay tingin saaken ng nakangiti at pagkatapos ay umalis na sya. Nakapagtataka para saken kung paano nya nalaman ang pangalan ko kung ngayon ko lang naman sya nakita.. --------------------------------------------------------- Hapon at paglabas ko sa may classroom na kasabay sina Trishia at Esther ay nakita ko si Tito Jeff "Good afternoon po " bati naming tatlo sa kanya "August , ako na magdadala sayo sa bahay" banggit ni Tito Jeff "Sige po Tito " "Una na kami August " at nagpaalam din sila kay Tito bago umalis ,pagkatapos nun ay naglakad na kami ni Tito ng walang imikan . Sa tagal kong nakikita si Tito ay pakiramdam ko ay parang Di kami magkamag anak dahil naman ay di kami gaano nag uusap. Tahimik lang sya hanggang sa makasakay ako sa loob ng kanyang kotse. Napansin ko namang may nakasabit na square na kulay pula at itim na tela na di ko maunawaan kung ano ang mga ito, Nagsimula na sya mag drive "Tito Jeff" pag uumpisa kong pagbasag sa katahimikan "Ano yun Cleo?" Tanong ni Jeff ngunit nakafocus lang ang paningin nya sa harapan "Ano po itong nakasabit ?" Sabay turo ko sa kulay pula at itim na square na tela. Tiningnan nya to saglit bago sya muling tumingin ulet sa harapan , "Souvenir galing sa Cagayan nung inattendan kong seminar " Napa tango ako , di ko inakalang may mga ganito silang tinda. "Cleo" "Po?" "Naalala mo pa yung taong nagsabi sayo na gusto makita nang nagngangalang Putchoy ang Mama mo?" "Opo..bakit po?" "Nagkita naba kayo nung Putchoy ?" "Wala pa po ..tito kilala nyo po ba si Putchoy ?" "Hindi ...pero pakisabi saken pag nagpakita sayo si Putchoy " mabilis nyang sagot "Opo" pagkatapos nun ay nilamon ulet kami ng katahimikan hanggang sa makarating ako samay bahay. Nagpaalam muna ako kay Tito bago ako pumasok sa loob ng gate ng bahay, kita ko ang sasakyan ni Mama sa may garahian. "Andito na pala si Mama ...pero ang aga naman nya " bulong ko bago ako pumasok sa loob ng bahay, Kita ko si Mama na nakaupo sa may Sofa ng living room mula dito samay loob ng pinto, pansin ko ang pagpapahid nya ng luha "Mama ?" Banggit ko habang papalapit sa kanya , bakit kaya siya umiiyak? Lumingon sya saaken ng nakangiti ngunit bakas padin ang kalungkutan nya. Pansin ko naman na may nakalapag na brown envelope sa lamesa. "Wala..lang to anak ,napuwing lang si Mama" pause nya saglit "Binilhan kita ng paborito mong cake ,kunin mo nalang sa may Ref" "Opo Mama " napukaw ang atensyon namin ni Mama mula sa kusina ng makarinig kami ng malakas na pagbagsak, Agad akong napatungo sa may kusina Para tingnan kung anong nangyari , Napasigaw ako at napaupo sa takot mula saking nasaksihan Si Aling Loreta na kasambahay namin ay wala ng buhay na nakahiga sa may sahig , may letrang T sakanyang noo at may gilet sa leeg at kasabay ng dugo na umaagos ay sumasabay din ang mga itim na bulate na naglalabasan, Biglang napaikot ang aking sikmura ng matanaw ko ang insekto na umabot sa di ko maiwasang pagsusuka "ALING LORETA! " rinig ko ang sigaw ni Mama. _____________________________________________________________________________________________________ Sana nagustuhan nyo ...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD