20 minutes bago dumating ang Iilang kawani ng pulisya , tagaulat at iba pa,
pagdating ni Tito Jeff ay pinasama muna ako sa kanya ni Mama dahil may aasikasuhin muna siya.
hinatid ako ni Tito sa kanyang unit ngunit umalis din sya para balikan si Mama,
Naglakad ako papunta sa may living room ni Tito at napansin ko ang brown envelope na nakapatong sa may lamesa , umupo ako sa may couch bago ko inabot yung envelope at binuksan.
Hinugot ko ang dalawang pirasong papel at isang litrato,
"Ito yung listahan na nakita ko sa may Arm chair ko" banggit ko pero napakunot ako ng noo ng mapansin ko na may ekis na marka sa pangalan ni Late Auntie Debbie, inilipat ko sa likod upang makita ko ang kasunod ,
'Wenn der Schuldner lebt, lebt auch der Ersatz'
Agad kong kinuha ang cellphone mula saking bulsa at ibinababa ang mga papel sa may lamesa, upang ma salin ito sa salitang aking nauunawaan.
"
kung buhay ang inutang, buhay din ang kapalit" basa ko sa resulta ng pagsalin
Nakaramdam ako ng pangamba saking naunawan na may kahalong takot , ibinaba ko ang papel upang makita ang huling papel na nakapaloob sa nasabing envelope.
Litrato ni Tita Debbie na half body na nakangiti, ngunit bakas sa litrato ang pulang tinta na straight line na makapal sa bandang leeg at letrang T. Sa noo.
Bigla kong naalala yung balita tungkol kay Tita at yung nakita kong pangyayari kanina sa bahay , binalikan kong muli yung unang papel na tiningnan ko kanina upang makasigurado.
"Bakit ganun?" napansin kong wala ang pangalan ni Aling loreta ngunit magkatulad ang nangyari sa kanila ni Tita Debbie.
________________________________________________________________________________
"August, ayos kalang ba?...diba maid nyo yung natagpuang patay dun sa bahay nyo nung sabado" curious na may halong pag aalala nya
"Takot " matipid kong sagot.
Andito kami sa may corridor ng school
,patungo sa may classroom
"Takot lang? ..dikaba nalungkot diba sya yung yaya mo noon " Kunot nya ng noo
"sa totoo lang , wala akong lungkot na naramdaman ...pero hindi ako masaya sa nangyari sa kanya"
"August..." biglang nagring ang phone ko
"Sige sagutin mo muna yan..August" smile nya
inabot ko yung cellphone mula sa bulsa ng kulay navy blue na skirt ko ,tiningnan ko muna yung , screen ng cellphone kung sino yung caller,
"number lang?" banggit ko bago ko sinagot yung call
"Mamamatay ang dapat mamatay " call ended
familiar saken ang boses ng babae ngunit di ko maalala kung saan ko ito narinig.
Napakunot ako ng noo bago ko muling dinial ang unknown number na yun pero Makalipas ang pangatlong ring ay out of coveraged na yung number.
"Sino yung tumawag at bakit ganyan ang reaksyon mo August?"
nakita nya na nakasimangot ako .
"Prank caller " ngiti ko sa kanya bago ko ibinalik yung cellphone sa may kinalalagyan nito
"Hay Girl, block mo na yan ...may nangtrip din saken same sayo last time ,Aish!! Naiirita nanaman ako pag naalala ko yun" irita nyang kwento saken.
________________________________________________________________________________
Di ako maka concentrate sa Lessons ni Tito Jeff.
dahil i niispam ako via message ng unknown number na tumawag saken kanina.
'Mamamatay ang Dapat Mamatay' ng 30 times
Pero buti nalang ay 3 minutes nalang ay patapos na ang klase.
Nang mag dismiss na sya ay agad ko syang pinuntahan sa kanyang table
"Tito Jeff"
"Oh , August. " ngiti nya saken
"Tito pwede ba kitang makausap ?"tiningnan nya ako ng ilang saglit bago tumayo
"Sige follow me sa guidance office..August" naramdaman nya ata na importante ang sasabihin ko,tiningnan ko si Trishia at sumenyas na susundan ko si Tito Jeff , tumango naman si Trishia.
Pagdating namin sa guidance ay pinaupo nya ako sa may available chair sa tabi ng table at dumiretso na sya sa pwesto nya.
"Well August ,ano pala ang gusto mong pag usapan ?"
"Tito about po dito" kuha ko ng cellphone ko at pinakita ko sa kanya yung spam ng unknown number.
Kumunot ang noo nya nang makita ang messages saken
" tyaka po Tito tumawag po sya kanina saken around 7:30 am tapos sinabi nya po na mamamatay ang dapat mamatay"
"Natatakot po ako kasi baka deaththreat po " banggit ko
"yung boses ..babae o lalaki?" tanong nya saken
"Babae po Tito" napa tango sya.
"ang mas mabuti ay i block mo nalang yang number ,sa pag kakaalam ko August ....uso ngayon ang mga prankcaller "
"okay po....Tito" sinunod ko ang utos nya ka agad agad , pagkatapos nun ay tiningnan ko sya at nagsalitang muli
"Tito may tatanong po sana ako "
"Sige ..go ahead" ngiti nya
"Nag grocery po kasi kami ni Mama nung nakaraan at may nakausap kami na ginang " kita ko naman na nag nodd sya ..alam ko na marahil kwinento nadin to sa kanya ni Mama.
"Kilala nyo po ba ang Papa ko ?"
"Sorry di ko sya kilala ..walang binabanggit si Sam about sa kanya.... Pero pwede mo namang tanungin ang mama mo tungkol dito " ngiti nya
"Tito sa pagkakakilala ko po Kay Mama ...hinding hindi nya po ito sasabihin saken " malungkot kong tugon , kahit noon pa man ay walang binabanggit si Mama tungkol sa Papa ko tyaka po pag tinatanong ko po sya..di nya po ako iniimik"
"Ganun ba, siguradong sasabihin din ni Sam sayo pag ready na siya...sana intindihin mo sya August" may point din naman si Tito Jeff.
"Opo Tito" dahil wala na akong sasabihin ay tumayo na ako
"Sige po Tito ..mauna na po ako " pagpaalam ko bago ako lumabas ng guidance room.
Pagclose ko ng pinto mula sa labas ay nakarinig ako ng bulong na familiar saken ang boses.
"Mamatay kana "kaboses nya yung tumawag saken kaninang umaga
Agad akong napatingin saking kanan kung san yung pinanggagaling yung boses.
Yung babae sa supermarket ng mall, so sya yung nananakot saken,
Nakangisi sya saken at ako nama'y napaatras ng isang hakbang para malayo ng kaunti mula sa kanya ng nakasimangot
"Hello " bati nya saken still nakangiti
"Ay buti tapos kana dyan" banggit ni Trishia habang papalapit samin at tumabi doon sa babae.
"August Ito nga pala si Rain one of my bestie , sana maging close din kayong dalawa "
"Ou naman " banggit ng nagngangalang Rain bago nya inabot saken ang kanan nyang kamay para makipag shake hands , tiningnan ko ang kanyang mukha na nakangiti ..ayaw ko sana makipag shake hands ngunit ayaw mag isip si Trishia ng kakaiba kaya nakipag shake hands ako sa kanya.
________________________________________________________________________________
Wala pa si Mama at Si Tito sa may unit, dumiretso ako sa isang kwarto kung saan kami natutulog ni Mama pansamantala para magbihis ..pagkatapos kong magbihis ay naisipan kong lumabas para maglakad lakad at diniretso ako ng aking paa sa may Play ground na malapit lang sa unit.
naisipan kong maupo sa may swing habang tanaw ang mga batang naglalaro , mga magulang na nagkwekwentuhan at ang iba ay pauwi na at hawak hawak ang kanilang mga anak sa kamay ,agad akong nakaramdam ng inggit
"Hello"
Napatingin ako sa may tabi at makita ko ang familiar na mukha na nakangiti saken mula sa katabing swing
"Kuya " ngiti ko din , sya yung tumulong saken nung isang araw.
"May dinalaw kaba dito ,Langga ?" Tanong nya
" wala po Kuya , sa Tito ko po muna kami nag stay ni Mama pansamantala ..dahil po sa pangyayari " alam kong di lingid sa kaalaman ni Kuya ang nangyari dun sa bahay namin nung sabado.
"I see ...sana di ka masyadong naapektuhan sa nasaksihan mo Langga "batid ko sa kanya ang pag aalala
"Hindi naman po ako masyadong naapektuhan Kuya ...kaya wag po kayong mag alala " napatingin ako sa harapan kung saan naglalaro ang mga natitirang mga bata sa park bago ako muling nagsalita .
"Pero po kuya , nagtataka po ako dahil kakaiba po ang nangyari sa maid namen at sa ibang biktima "
"Meron talaga tayong mga bagay na mahirap maipaliwanag ng kahit sino "
Totoo mahirap maipaliwanag ang mga nangyari sa biktima dahil nasaksihan ng dalawang mata ko ang nangyari sa maid namen ..na wala kaming nakitang pumasok sa bahay na suspect at yung nangyari pa kay Tita Debbie na nakuhanan pa ng cctv ngunit wala ding nakitang suspect.
"Kuya paano po kung " naalala ko yung mga scene na naalala ko sa mga movies na witch craft , napatingin ako muli kay Kuya at sya naman ay nakatingin din saken ..hinihintay ang aking sasabihin.
"Kulam po ang nangyari sa kanila? "
Tinitigan ko sya ,hihintayin ang pagtawa nya tulad ng ibang tao na nakausap ko
,ngunit di tawa ang nakita ko sa kanya kundi ang biglang pagka seryoso ng kanyang mukha, di sya nagsalita at lumipat ang tingin nya sa mga bata sa bandang harapan
"Kuya?" Tanong Ko
"Nasabi mo ba sa Mama mo yung about kay Putchoy?" Change topic nya ,
Agad kong naalala ang takot at pagkagulat sa mukha ng Mama ko nung time na yun.
Napakunot ako ng noo
"Kuya sino po ba talaga si Putchoy ? ....hindi maganda ang naging reaksyon ni Mama ko nung narinig nya po ang ngalan na yun?"
"May kasalanan sya kay Ia ...nagpapakumusta sya kasi may balak syang makipag kita (kay Ia) para humingi ng tawad " di padin sya saken tumitingin
"Kuya pwede po bang malaman kung ano pong kasalanan ni Putchoy kay Mama ?"
"Ayan ang di ko alam ..basta ang alam ko lang malapit sila noon " tiningnan nya na akong muli ngayon.
Kung tama na malapit sila ni Mama ...siguradong may alam sya about sa Papa ko.
" Kuya...pwede ko po bang makilala si Kuya Putchoy ?" Heto na ako sa pagbabasakali ko
"Bakit ?"matipid nyang tanong
"Kasi po gusto ko pong itanong kung kilala nya si Papa ko ...kasi naman walang binabanggit si Mama about kay Papa ko " di ko na napigilan ang mag kwento sa kanya ,hindi ko alam pero may pakiramdam ako na obligado ako mag sabi sa lalaking nasa tabi ko ngayon.
"Tristan"
"Tristan?" Sinong Tristan ang binabanggit ni Kuya
"Tristan Dela Vega ..name ng Papa mo "
-----
Hinihintay ko ang pagbukas ng pinto ng elevator papunta sa 4th floor ,3 lang kaming laman sa loob.
Habang naghihintay ay napatingin ako sa kulay silver bracelet na isinuot saken ni Kuya kanina ,
"Ang ganda " ngiti ko
Naalala ko din na binanggit nya saken ang fullname ni Papa ko.
"Tristan Delavega " bulong ko
Naalala ko ang mga sinabi nya saken bago sya nagpaalam.
imposibleng walang bagay na naiwan si Mama na mula kay Papa,
tyaka kung ayaw mag sabi ni Mama kailangan kong alamin ito mag isa.
Pagdating ko sa unit ni Tito ay wala pading tao
"Asan na kaya Sila?" Dumiretso ako sa may couch ng living room at umupo, kinuha ko yung cellphone ko mula sa color black kong short para tawagan si Mama.
Makalipas ang pangalawang ring ay sumagot na sya.
"Mama ,asan kana po?"
"Cleo , mamaya pa kami makakauwi ni Tito mo ...wag ka ng lalabas ng bahay gabi na "
"Okay po Mama "
"Sige po Mama ..bye po " call ended
Napasigh ako ..ilang araw na sila ginagabi ni Tito Jeff , di ko alam kung saan ba sila pumupunta.
Napatayo ako para dumiretso sa kusina para magluto pero napahinto ako ng marating ko ang labas ng kwarto ni Tito dahil bukas ang pinto , hinawakan ko ang doorknob para isara ngunit sa di ko malaman na dahilan ay parang gusto kong pumasok sa may loob , pumasok ako sa loob at binuksan yung ilaw.
Naglakad ako papunta sa may table nya , kita ko na may dalawang picture frame na nakalagay.
Hinawakan ko yung unang frame ..picture nila Tito kasama si Lola si Mama at ako ngunit masasabi ko na mga 6 years old palang ako dito, ibinaba ko yung frame para tingan yung isa, si Mama at si Tito magka akbay.
"Close talaga silang dalawa"
Binaba ko yung frame sa kinalalagyan nito, napatitig ako sa may kulay brown na maliit na tukador, nilapitan ko ,lumuhod ako para maabot ko yung maliit na knob at hinila , saktong di sya Naka lock.
Tiningnan ko yung loob , mga papers at may kahon sa loob,
Kinuha ko yung kahon at binuksan may mga papel na nakatupi ..napukaw ang atensyon ko sa ka telang kulay itim na ginawang hugis tao at sa pagkakaalala ko sa mga pelikula ko lang nakikita ang bagay na to.
"Bat may ganito si Tito..pagkakaalam ko di sya naniniwala sa mga ganito ?" Hinawakan ko at naramdaman ko na parang may lamang papel at parang bracelet o necklace ang laman.
Binaba ko to at inabot yung nakatalikod na lumang litrato ,tiningnan ko ang harap ..picture ni Mama na maganda ang ngiti at masasabi ko na dalaga pa sya dito ,at may kasama syang lalaking nakayakap sa kanya mula sa likod ,ngunit di ko masabi kung sino yung lalaki dahil sa natatabunan ang kanyang mukha ng itim na tinta.
"Sino kaya to?"
___________________________________________
TBC.
Hi mga beshies :-)
Open po ako sa suggestions , criticism ..
See yah sa next update ..lab yah ?
Milkitta_Platuna (◍•ᴗ•◍)❤