hindi pa nakakalapag ang eroplanong sinasakyan ng magkapatid na zorren at zeb clowford. may sampong body guard at mga security guard ang naghihintay sa kanilang pagdating.nakasuot ang mga ito ng kulay itim na uniforme may mga ilan ilang journalist at media din ang naroon at naghihintay sa kanilang pag dating dahil sa sikat at mayaman ang pamilya clowford.mabilis din sumabog ang balitang naconfined ni zaldy clowford ang presidente na pinakamalaking crude oil sa bansa ang emerald crude oil group of companies.
at naging bali-balita din ang pag dating ng panganay na anak at vice president ng companyang si zerron clowford.
mga malalaking t.v company lamang ang nakakaalam ng balitang darating nga ang batang vice president kaya naman matiyagang naghintay ang mga media-ng ito upang makakuha ng exclusive report.wala pang nakakakita at nakakakilala sa panganay at batang vice president ng emerald crude oil group of companies.sapagkat mula noong umalis ito upang mag-aral sa ibang bansa hindi na muli itong umuwi sa kanilang bayan.
kaya naman bawat isa ay hindi palalagpasin ang pagkakataong makakuha ng coverage dito.
.
.
nag-umpisang magdagsaan ang mga tao sa airport,. mga nakikiisyuso ang ilan sa mga ito, nacurious siguro dahil sa dumarami ang mga media at journalist na naroon. malamang ay nabalitaan na fin ng iba pang t.v network ang tungkol sa kanyang pagdating.
ang mga lalaking naka uniform ng itim at may mga wireless na head phones sa kanilang mga tenga ay nag-umpisang maging alerto.
.
.
maya maya pa ay makikitang papalabas ang dalawang matatangkad na lalaking pawang nakasuot ng exclusive suit.
kapansin pansin ang mga aroganting mukha ng dalawang lalaki, ngunit mababakas parin ang kanya kanyang angking kagwapuhan at karisma ng mga ito. at ang mga lalaking nakasuot ng itim na uniforme ay maingat ang pag hawi ng mga taong madaraan ng dalawang lalaki.
walang iba kung hindi si zorren clowford ang panganay at batang vice president ng emerald crude oil group of companies at si zeb clowford ang batang doctor ng pamilya.
.
.
deretso ang mga hakbang ni zorren.. nakasuot siya ng kulay itim at mamahaling suit,. pinaresan ng kulay puting long sleve at kulay pulang neck tie. nakasuot ng kulay itim din leather shoes.na lalong naglabas ng kanyang malakas na personalidad.
habang si zeb naman ay nakapurong puti.
pareho silang nakasuot ng sunglases. kahit hindi naman nakakapasok ang sikat ng araw sa loob ng airport.
.
.
makikitang halos sunod sunod at sabay sabay ang kislapan ng mga camera ang iba pa nga dito ay nakikipagtulakan pa sa kanilang mga body guard upang makalapit sa kanilang magkapatid at makausap sila.
ngunit hindi hinahayaan ng mga maskuladong body guard at security guard ang mga itong makalapit.
sa labas ng airpot nakaparada ang isang mamahaling sasakyan ang pinakamahal at bagong modelong labas na sasakyan ng MILLER MOTOR CARS group of companies.ang pinakamalaking companya ng mga sasakyan sa bansa.
ang nagmamay- ari nito ay si johnson miller,.
isa sa mayamang angkan.
isa ang miller sa tinitingalang ankan at makapangyarihan tao sa bansa.
nag-iisang anak nito si elezabeth miller, ang supistikada,mala diyosang si elezabeth ay ang sikat na modelo sa bansa. ito rin mismo ang endorser ng kanilang kompanya.
at sympre ang halos hindi tumatandang maybahay ni president miller si liza miller.
.
.
kulay itim ang kulay ng mamahaling audie R8. isang buwan pa lamang ng i lounge ito ng miller motor cars group of companies. at iilan pa lamang ang mayroon nito.dahil sa nakakalulang presyo nito.talagang mayayaman lamang ang may kakayahan mabili ito.
.
.
"wow, ang cool.". napangiti at hindi napigilang isatinig ni zeb.
hindi ito pinansin ni zorren. lumabas nanaman ang pagiging mahilig ni zeb sa magagandang sasakyan.
nang matanaw sila ng dalawang lalaking nakatayo sa tabi ng audie R8 mabilis binuksan ng mga ito ang pintuan ng kotse.nangmakalapit di zorren at zeb
mabilis na pumasok sa loob ng sasakyan si zorren. isinara din naman agad ito ng isang secrurity guard habang ang ibang mga maskuladong lalaki ay patuloy sa pag pigil sa mga media.
sumakay din sa kabilang bahagi si zeb.
" kuya namiss ko to,thanks sa pagpayag na sumama sayong makabalik dito.". hindi mapigilan ni zeb ang mamangha.
malaki na kasi ang pinagbago ng seyudad naging mas maunlad na ito hindi gaya ng dati. ilang taon na nga rin ba mula ng lisanin nila ang bansang kanilang sinilangan upang mag aral sa malalaking universidad sa ibang bansa at pamahalaan ang kanilang kompanya sa ibang bansa.
isang buntong hinga ang kanyang pinakawalan.
isinandal ni zorren ang kanyang likod sa malambot na upuan ng magarang audie R8.
ipinikit ang kanyang mga mata.
parang bigla siyang nakaramdam ng pagud.
sabagay hindi malabong mangyare yun sa haba ba naman ng flight nila.
ngunit si zeb ay walang pinalagpas. lahat ng kanilang dinaraanan ay kanyang pinagmamasdan.
.
.
dumiretso sila sa hospital kung saan nakaconfined ang kanilang amang si zaldy clowford ang exclusive hospital na pag mamay-ari naman ng mga evans. ang EVANS EXCLUSIVE HOSPITAL. isa itong pangmayang hospital. at pawang mga VIP lamang ang makakaafford sa ganoong klaseng hospital. at ang president nitong kasalukuyan ay si edward evans. isa itong banyagang nagmula sa bansang europa. may anak din itong isang surgeon si taylor evans.
maraming nagsasabing binibili ang bawat ngiti ng anak ni president evans. kaya naman walang kahit sinong nangahas manligaw dito.
.
.
pag dating nang hospital tinapik ni zeb ang kanyang balikat.
" bro, andito na tayo.". mahinang bulong nito.
biglang iminulat ni zorren ang kanyang mga mata. inangat ng unti ang kanyang ulo at sumilip sa salaming bintana ng sasakyan.
may nag bukas ng pintuan ng sasakyan sa kanyang kinauupuan ganun din kay zeb. nakasuot din ito ng kulay itim na uniforme.
medyo naiilang parin siya sa mga ito.
hindi naman kasi siya sanay.
buong buhay niya nasanay siyang mag-isa at natutong tumayk sa kanyang sariling paa. at lalong hindi siya sanay ng may nakapaligid sa kanya na kulang nalang ipaghugas siya ng pwet kung itrato.
kakarating pa lamang nila ng bansa ngunit kahit ang pagbubukas ng sasakyan na kung tutuusin ay napakasimpling bagay ay may gagawa pa para sa kanila.
.
.
isang may edad na lalaking nakasuot ng gown na kulay puti ang nakangiting sumalubong sa kanila. sa suot pa lamang nito ay masasabi mong isa itong doctor.
sa tabi nito ay may isang napakagandang babaeng nakasuot din ng gown na kulay puti.seryuso ang mukha nito at walang imosyon.
may apat pang mga lalaking pawang nakasuot ng puti ang nasa tabi ng mga ito. gaya ng may edad na doctor nakangiti ang mga ito.
bukod na lamang sa maganda at batang doctor na babaeng kasama ng mga ito. nakita niyang parang napako sa kinatatayuan si zeb.
kaya naman nilingon niya ito at sinundan ng tingin ang tinitingnan nito.
nakatotok ang walang kurap na mata nito sa magandang doctor.
napangiti siya sa nakita niyang inasal ni zeb.
tinabig niya ito sa braso, dahilan upang bumalik sa katinuan ang kapatid.
.
.
pagbaba nila ng sasakyan, inilahad ng body guard ang kamay nito at yumuko.
sabay silang naglakad palapit sa mga doctor na naghihintay at nakangiti sa kanila.
nakasunod ang mga body guard sa kanilang likuran.
gaya kanina may mga media parin nakasunod sa kanila. bawat magiging kilos yata niya mula sa araw na iyon ay babantayan ng mga ito.
naikibit na lamang ni zorren ang kanyang balikat at salubong ang kilay na nagpatuloy sa paglalakad.
.
.
"vice president clowford,maligayang pag dating., nalaman ko sa iyong amang si zaldy na darating ka ngayung araw kaya naman ako mismo ang sumalubong sa iyo.
.
masayang pagbati ng lalaki kong hindi siya nagkakamali ito si edward evans ang may ari ng hospital na iyon. tama at ito sigurong magandang babaeng ito ang nagiisang anak nito.
.
nilingon niya ang body guard na nasa kanyang taba. at nagsalubong ang kanilang mga mata.
nakuha naman nito ang ibig niyang sabihin.
mabilis nitong pinakilala ang mga taong nasa kanyang harapan.
.
" mr.vice president siya po si doctor johnson miller ang may-ari ng hospital na ito.at ang anak nitong sa taylor miller isa po siyang surgeon sa hospital na ito."bulong sa kanya ng body na nooy nasa tabi niya.
.
ngumiti siya ng walang emosyon.
" president edward evans kinagagalak ko po kayong makilala?". nakaniting bati niya dito.
nakita niyang lumawak ang ngiti nito.
.
" isang karangalan ang makilala ka mr.clowford,ito nga pala ang aking unica hija si taylor evans. isa siyang surgeon sa aming hospital.,. ". pagmamalaking pakilala nito sa magandang babae.
kaya matapos makipagkamay kay doctor evans.
humarap siya sa ipinakilala nitong si taylor miller at inilahad dito ang kanyang kamay upang makipagkamay sa dalagang doctor.
.
" nice to meet you miss evans.formal na pag bati niya dito.
.
" nice to meet you to mr.clowford.".
hindi pa niya binibitawang ang kamay nito ng mabilis na kinuha ni zeb ang malambot na kamay ng babae.
.
" nice to meet you miss taylor, ". halos mapunit ang labi ni zeb sa ngiting ibinigay niya sa babae.
"nice to meet you mr.?" may pagtatanong sa mukha nito.
" zeb clowford, zeb nalang ang itawag mo sakin. isa din akong surgeon.." malapad ang ngiting pakilala ni zeb sa sarili.
.
halatang halatang nabighani si zeb kay taylor. .ngunit sa tingin niya mahihirapan ang kapatid na makuha ang isang ito, mukha kasing mas mailap at matapang pa ito sa tegre.
kahit na sabihing isa si zeb sa pinakamatinik sa kanilang magkakapatid pag dating sa mga babae.
.
balak sanang halikan ni zeb ang likod ng palad ni taylor ngunit magalang at mabilis na binawi ito ng babae.
kaya wala ng nagawa si zeb.
..
.
ipinakilala pa ni edward evans ang iba pang mga doctor na katabi nito bago sila niyayang pumasok na sa loob ng hospital patungo sa VIP room na kinaroroonan ng kanilang amang si zaldy clowford.