episode 5

1717 Words
" okay tutal nandito na tayong lahat uumpisahan ko na.". malamig at matigas ang boses ni zorren. tahimik ang magkakapatid na clowford alam nilang seryusong bagay ang paguusapan nila base sa mga pananalita at kilos ng nakakatanda nilang kapatid. kaya walang puwang ang biruan at walang mga kwentang bagay ng mga sandaling iyon. "tumawag si mummy ". bumuntong hininga muna si zorren bago nagpatuloy. " nasa hospital si dad.". biglang lumambot at nahaluan ng pag aalala ang kanyang matigas na anyo. nakita niyang nag-alala ang mga kapatid sa narinig na balita halos sabay sabay din ang naging tanong ng mga ito kong kumusta na ang kanilang ama. " sa ngayun maayos na si dad. pero nasa hospital parin siya.". biglang nakahinga ng maluwag ang lahat. " uuwi ako,gusto kong ako ang mag bantay at mag alaga kay dad.". wika ni zeb ang kakagraduate na doctor ng pamilya. nakagraduate sa malaking universidad sa pagkamedicina si zeb at nag masteral at isa na siyang surgeon ngayun. " hindi na kailangan zeb, magagaling ang mga doctor ni dad.". wika niya. " kuya doctor ako kaya hindi ko hahayaang may mangyare kay dad at hindi ako papayag na wala akong gawin sana naman maintindihan mo ang nararamdaman ko.". matigas na wika ni zeb. . tahimik ang lahat, halos parepareho sila ng hitsura ng sandaling iyon nakayuko at nakapatong sa kanilang hita ang braso at magkasalikop ang mga palad sa kanilang harapan. . bilang isang doctor ng pamilya gusto niyang siya ang gagamot at mag-aalaga sa kahit na sino sa kanyang mapilya oras na magkasakit isa man sa mga ito. . . hindi umiimik ang iba pa. itinaas niya ang kanyang kanang kamay. at dumiretso ng upo isinandal ang tila pagud na likod sa malambot na sofang kanyang kinauupuan.ngunit mababakas sa mukha ni zorren ang tigas at awtoridad. . " hindi ko kayo pinatawag dito para magbigay ng kahit anong opinyon niyo, nandito kayo para ihabilin ko sa inyo ang mga iiwan ko dito..". dumadagundong niyang wika. . nangunot ang mga noo ng kanyang mga kapatid. " wag mong sabihin ikaw lang ang uuwi kuya, mas kailangan ako ni dad." pagpupumilit ni zeb sa matigas at medyo malakas na rin boses. . " zeb, hindi na kaya ni dad pamahalaan ang mga kompanya natin sa bansa dahil nadin sa madalas na pag-atake ng kanyang highblood kaya mo bang tumayong kapalit niya.? kaya mo bang pumalit sa kanya bilang CEO ng emerald crude oil group of companies.?". matigas at malamig na tanong ni zorren. . . "bakit mas iniisip mo pa ang kumpanya kaysa kay dad.?". si zeby. na dumeretso na ng pagkakaupo at hindi na napigilang magsalita. . . "kuya mas mahalaga si dad dito.". si zaiden. habang hindi umiimik si zem at zedden. . . "oo alam ko. pero sa tingin niyo ba magiging maayos si dad kung makikita niyang babagsak ang negosyo natin. ?".mapait na tanong niya. . " baka mas lalong ikamatay ni dad pag nangyare yon.". KATAHIMIKAN. . . "anong gusto mong manyare?"tanong ni zedden " gusto kong iatang sa inyo ang pamamalakad ng kompanya natin dito sa ibang bansa, uuwi ako upang pamahalaan ang kumpanya natin.mahirap para sakin ito. at hindi ko kakayaning patakbuhin lahat ng ating negosyo ng mag-isa. panahon na siguro upang pamahalaan niyo ang mga kumpanya natin dito. mas kailangan ako ni dad sa ngayun. hindi na pweding bumalik si dad bilang CEO ng emerald crude oil group of conpanies. kaya bilang panganay sa inyong lahat at bilang ikalawang presidente ng kompanya ako ang papalit kay dad.". mahabang paliwanag ni zorren. . . "kuya sana pag bigyan mo ako,. isa akong doctor at gusto kong makita at masiguro ang kalagayan ni dad.pangako pag nasiguro kong okay na si dad babalik ako dito upang tulungan si zeby.isa alam kong kaya ni zeby ang pamamahala ng kompanya natin dito.. pagpupumilit ni zeb sabay tingin sa kanyang kambal na si zeby. . . si zeb at zeby lamang kasi sa ngayun ang pweding pumalit sa kanya. dahil hindi pa kakayanin ni zedden zaiden at zem ang mabigat na obligasyon dahil nag aaral pa ang mga ito. kailangan pa muna nilang mag fucos sa pag aaral. all though pumapasok na sila sa opisina tuwing walang pasok sa school upang paunti unting matutuhan ang pamamalakad nito.para narin sa paghahanda oras na makatapos sila ng pag aaral. . "tutulungan ko si kuya zeby after school.". sagot ni zedden ang ikaapat sa magkakapatid. ."ako din medyo nagagamay ko na din naman ang trabaho sa opisina." pagsang-ayon din ni zaiden ang ikalima. . napatingin silang lahat kay zem na noon ay nakahalukipkip ang dalawang braso wala itong suot na pang-itaas at nakaboxer lamang ito. ng mapansin yata nitong nakatingin ang lahat sa kanya.ngumiti siya. . "oh... bakit kayo nakatingin ng ganyan sakin.?". napapakamot na tanong ni zem ang ikaanim. . "wala ka bang sasabihin?". madilim ang mukhang tanong ni zedden. . "sige-sige tutulong din ako.". at napipilitang ngumiti sabay kaway ng kanyang kamay. . napabuntong hininga si zeby. mabigat ang obligasyon maiiwan sa kanya pag pumayag siyang sumama si zeb sa pag-uwi ni zorren sa bansa. siya kasi ang ikatlo sa kanila nauna ng ilang minutong isinilang si zeb sa kanya. bukod pa doon sila pa lamang ni zeb ang nakapagtapos na rin ng collage at may kaunti ng kaalaman sa negosyo dahil nadin sa nagiging training nila after ng kanilang school. . tinapunan ni zeby ng tingin si zeb na nakaupo sa kanyang harapan. mababakas sa mukha ng kanyang kambal ang pag-susumamo. kaya wala na rin siyang nagawa,. tutal nagkaisa na din naman ang lahat. . . itinaas ni zeby ang kanyang kamay.indikasyon ng pagsuko. . "okay.. okay may magagawa pa ba ko mukhang pinagkaisahan niyo na ko..". si zeby . "thank you bro." niyakap ni zeb si zeby. . " wag mo kong yakapin at pasalamatan ginagawa ko to for dad hindi dahil sayo.". nakabusangot ang mukha ni zeby. medyo nagtawanan silang magkakapatid nawala ng kunti ang tensyon.ngunit agad din sumiryuso ang lahat. . " hindi ba kami pwedeng umuwi muna upang bisitahin si dad?" si zaiden. . " makabago na ang panahon natin ngayun. ano ang ginagawa ng teknolohiya?". malamig na wika ni zorren.nawala ang ngiti nito sa labi. . nakita niyang nalungkot ang mga kapatid. " wag kayong mag-alala alam kong magiging maayos din ang lahat. pangpalubag loob nya sa mga ito. . " anyway tatawag si mum ngayun.kaya nag nag paset up ako ng malaking screen ngayun dito sa meeting room,upang makausap natin at makita si dad.. ". biglang nagliwagan ang mukha ng magkakapatid. maya maya pa nga ay tumunog na ang loptop na nasa ibabaw ng mesa ni zorren mabilis niya iyong ikinonekta sa flat screen t.v na nasa kanyang likuran bago sinagot ang tawag ng kanilang ina. . " hi kids..".nakangiting bungad ni carmen. mababakas padin ang lungkot sa maganda nitong mukha. kahit may edad na si carmen mukha lamang itong nakakatanda nilang kapatid na babae dahil palaayos at maalaga ang ginang sa kanyang katawan kahit sabihin pang labing dalawa silang magkakapatid na nanggaling dito. kaya naman mahal na mahal nila ang nag iisang babae sa kanilang buhay. . . itinutok ni carmen ang camera sa nakahigang si zaldy sa hospital bed nakaupo na ito at mukhang masigla na ang pakiramdam,. ngunit kita parin ang panghihina sa katawan nito matapos atakihin ng highblood habang nasa opisina.. binibiro pa nito ang mga anak at sinabing " wag kayong mag alala sakin mga bata mas malakas pa ako sa kalabaw.". kaya naman kahit paano ay naging magaan ang kanilang pakiramdam. . . hiniling ng kanilang ama na kong maaari ay bumalik ito ng bansa bilang panganay sa magkakapatid. kahit hindi sabihin ng kanyang ama alam niyang ito ang mangyayare at dapat niyang gawin.kaya nga pinangunahan na niya ito sa bagay na iyon. sinabi nitong bilang panganay na anak siya ang papalit bilang bagong CEO ng emerald crudr oil group of companies. . matapos ang mahaba habang pag uusap sa video call nag- paalam na ang kanilang ama magpapahinga na daw ito. . nandoon din ang iba pa nilang nakababatang kapatid. ngunit paalis na din ang mga ito sa hospital dahil may pasok pa sa school. . . matapos ang pakikipag usap nila sa kanilang mga magulang at iba pang kapatid. nagpaalam na silang lahat sa nasa kabilang linya. . . . pinag usapan nila ang mga bagay na kanilang dapat gawin at pag handaan. dahil si zeb at zeby ang ikalawa sa kanilang magkakapatid at sa mga ito nakaatang ngayun ang pamamahala na iiwan ni zorren sa kanilang negosyo. ngunit dahil gustong sumama ni zeb paunwi ng kanilang bansa. si zeby ang nakatuka sa lahat ng iiwan ni zorren alam niyang hindi magiging madali iyon kay zeby pero alam din niyang kaya ito ng kapatid dahil narin sa matalino ito at madaling matuto.at mayroon na nga rin itong negosyo. . naguumpisa pa lamang si zeby sa negosyong kanyang nakahiligan at nakaayon sa kanyang hilig at pinag aralan ang emerald contractor corporations kahit pa nga mag iisang taon pa lamang itong naitatatag nagiging malawak na ang koneksyon nito. dahil sa magandang kalidad ng kanilang serbisyo. habang si zeb naman ay inuumpisan na ang pag kakaroon ng sarili nitong hospital ang emerald exclusive hospital. kaya naman sa mga sandaling ito naging patong patong ang obligasyon ni zeby. . ngayun lang din naramdaman ni zeby ang lahat ng pagsasakripisyo ni zorren. dahil panganay si zorren at sa kanya lahat nakaatang ang mga negosyong iniwan ng matandang clowford sa ibang bansa kaya naman wala ng panahon sa ibang bagay si zorren maliban na lamang pag gusto niyang mag-libang at mag aliw paminsan minsan. at ngayun nga'y kailangan niyang pamahalaan ang pinakamalaking negosyo nila ang emerald crude oil group of companies.kilala sa buong mundo ang kanilang kompanya at 70% ng shares ay pagmamay-ari ng clowford. dahil siya ang panganay sa mga magkakapatid na clowford kaya naman sa kanya nakaatang ang lahat. . . matapos ang kanilang meeting ay nag handa na si zeb at zorren sa kanilang pag- alis. ngunit bago siya umalis ng bansa kailangan niyang dumaan sa opisina kasama si zeby upang ipakilala sa mga empleyado bilang bagong president ng kanilang kompanya.. . .sa airport na rin sila magkikita ni zeb. walang inaksayang oras si zorren bawat segundo ay mahalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD