Warning Weena's POV NAKADAMA agad ako ng gutom nang nakita ko ang mga nakahaing pagkain sa mesa na halatang-halata ang pagkasosyal pero mas miss ko ang mga pagkaing kinakain namin ni Tita. "What's wrong, Hija? Don't you like the foods?" tanong ni Mommy Kyrile sa 'kin at agad naman akong umiling. Napansin ko rin ang nag-aalalang nakatingin sa 'kin si Kennedy. "Gusto ko po, hindi lang po talaga 'ko sanay na maraming pagkain at ang sosyal pa pong tignan kasi sa 'min po kapag almusal ay simple lang katulad po ng Sinangag na paparesan ng isang ulam katulad po ng Tuyo, Pritong Talong, Itlog na pula o kapag sinuswerte po'y hotdog kapag malaki po ang benta namin," sagot ko na ikinatango naman ni Mommy Kyrile. "Mommy, what's Tuyo, Talong then the Itlog na pula? Is it red egg? Does the hen/d

