Robot Weena's POV PAGKATAPOS naming kumain ng almusal ay niyaya si Mommy Kyrile na pumunta sa kwarto para makapagpahiga dahil pinupulikat ang paa nito at talagang pinilit pa ni Daddy Iero. Nasa sala ako ngayon habang nakatingin sa labas ng bintana. Malakas pa rin ang buhos ng ulan. Napabuntonghininga ako, daig ko pa ang nagbabakasyon sa isang engrandeng mansyon na pagmamay-ari ni Robot. "Weena." Nagulat naman ako nang may tumawag sa 'kin na agad kong ikinalingon at nakita ko si Kennedy na nakatanghod pala sa 'kin at kitang-kita ko ang napakagwapo niyang mukha at naaamoy ko rin ang mabangong pabango niya. Nanumbalik na naman sa alaala ko ang ginawa niyang paghalik sa 'kin na nagmistulang virus sa utak ko. "Ah-Ano 'yon?" usal ko at nahihiyang napakamot naman siya sa kaniyang batok. Kung

