Watch out Weena's POV KINABUKASAN ay lumabas ako mula sa 'king dorm dahil gusto ko naman makalakwatsa sa paligid ng campus. Medyo nakakatakot naman dito at puwede nang matalo ang palabas na may tumatakbong zombie dahil sa sobrang tahimik at walang tao. Agad kong inayos ang suot kong hoodie at baseball cap para na rin hindi ako mapansin ng mga puwede kong makasalubong. Palinga-linga ako sa paligid, ang ganda talaga at nakakamangha ng mga naggagandang disenyo sa paligid. Halatang mga mayayaman lang ang mga nag-aaral dito. 'Paano pa kaya kung may mga tao na? Ano kaya'ng itsura? Siguro sobrang ganda na tipong kakainggitan ako ng mga kababaihan.' Hindi ko napigilan na humagikhik sa naisip ko kaso nga lang ay magpapanggap ako bilang isang astig na may lawit kaya't hindi naman nila 'ko makiki

