Smile Weena's POV TUWANG-TUWA si Mommy Kyrile sa 'kin at talagang ipinadama niya na anak niya 'ko na talagang ikinatunaw ng aking puso. Hinayaan niya pa nga 'kong tawagin siyang, "Mommy." Nakakahiya man lalo na't hindi naman kami personal na malapit ng anak niyang si Kennedy pero nahihiya naman akong magkwento. Magkahawak kamay kaming bumaba habang nasa likod namin ang mga nakaunipormadong mga katiwala niya na nakangiti lang sa 'min. Maingat din ang bawat hakbang namin at natatakot din ako na baka biglang bumagsak siya lalo na't buntis pa man din siya. "Hija, I owned a restaurant, and we could bond there. Tuturuan din kita ng mga Filipino Dishes na talagang iniluluto ko sa pamilya ko at gusto kong ituro sa 'yo ang mga 'yon para maging pamilyar ka. Kapag may free time ka'y

