Kiss Weena's POV NAKATULALA AKO habang nakahiga sa kama sa Guest Room. Hindi ako makapaniwala na ginawa 'yon ni Kennedy. Wala sa sariling napahawak ako sa pisngi ko kung saan niya 'ko hinalikan kanina. Sa pagkakaalam ko'y charger lang ang ipinunta ko hindi ang magpalandi sa robot na 'yon. Sobrang bilis lagi ng mga nangyayari sa tuwing magkasama kaming dalawa. Nakakaba at sobrang lakas ng kabog ng aking didbib dahil sa unang pagkakataon ay may humalik sa 'kin nang gano'n. Hindi ko napigilang kagatin ang aking labi dahil may kakaibang nadama ako nang halikan niya ang aking pisngi at napakagwapo rin pala niya sa paningin ko. Agad namang namula ang aking mukha dahil do'n. Ano ba naman 'yan, Weena. Dalagang Filipina ka, hindi ba? Huwag masyadong marupok lalo na't si Robot ang humalik sa 'yo

