Huli sa Akto Weena's POV "ANO ITO?" tanong ko dahil hindi ko kinaya ang aking nakita sa totoo lang. Nasusuka ako. "Let me explain, Weena." natatakot na turan ni Tita na akala mo'y isang teenager kung makipaglabing-labing. "Of course, Tita. I deserve an acceptable reason!" Kumunot naman ang noo ng lalaking katabi ni Tita. "Pasensiya na kung sisingit ako sa usapan. I'm inlove with him. Huwag mo sana kaming paghiwalayin dahil hindi ko kakayanin. He's my everything," malungkot na saad ni Tita at napayuko. Maryosep! Ang lakas naman maka-PBB Teens ni Tita. Umupo ako sa upuan sa harapan nila sa kusina. Masyadong kadiri sa sofa dahil do'n sila gumawa ng milagro. Pakakatandaan ko 'yon at hindi na 'ko uupo ro'n. Nadungisan na nilang dalawa ang kawawang sofa na hilugan pa namin sa bumbay.

