It's your Smile Weena's POV KINABUKASAN, masaya 'kong bumangon. Tinignan ko muna ang aking cellphone at may nakita akong ilang mga mensahe kaya't binuksan ko para basahin. Napangiti naman ako dahil talagang nakapag-transfer na 'ko sa Celestina Academy at fully paid, puwedeng-puwede na 'kong pumasok sa Lunes. Hindi ko napigilang tumili sa kilig. Isa-isa na kasing natutupad ang aking mga pangarap. Tumayo na 'ko para dumiretso sa banyo para maligo. May tuwalya naman ako sa loob kaya't walang problema. Napatingin ako sa salamin at nakita ko ang aking sarili. Hindi napansin ni Tita na maiksi ang aking buhok naka-pixie cut kasi ako. Ayaw pa naman kasi niyang pinaiiklian ko ang aking buhok dahil kamukha ko raw si Papa at mas lalo lang daw siyang nalulungkot. Hahaba ulit ang buhok ko. Pagkata

