Back to Reality Weena's POV PAUWI na 'ko sa bahay namin ni Tita para magbakasyon muna. Hindi ko tuloy maiwasang alalahanin ang mga nangyari sa 'kin sa Hunkros University. Napakabilis ng mga pangyayari at natapos agad ang aking misyon. Tila nabunutan ako ng tinik sa 'king dibdib. Masaya ako na hindi ko na kailangang magpanggap ngunit nalulungkot ako na may naiwan ako sa Hunkros University. Kailangan kong makausap si Tita at makumusta lalo na't miss na miss ko na siya. Habang binabagtas ko ang ruta patungo sa kalye ng aming barangay, lulan ako ng tricycle at nakikita ko pa ang mga batang kalye na masayang nagtatakbuhan na hindi alintana ang kanilang dungis pati na rin ang kanilang ingay. Napangiti ako, ito ang tahanan ko. Nang nakarating na 'ko sa destinasyon ay nagbayad na 'ko at dali-d

