Naalimpungatan na lang ako sa lakas ng tunog alarm clock na pilit sumisiksik sa mga tenga ko. Papikit-pikit pa ang mga mata ko bago ko tuluyang abutin ang alarm clock sa ibabaw ng night stand table ko para kaagad na itong pahintuin. Napahikab na lang ako no'ng makita kong mag-aalas sais na ngayon ng umaga, actually ay talagang inagahan ko ngayong araw dahil siguradong maaga rin pupunta rito si Jethro. Ilang segundo lang at kaagad na rin akong umalis dito sa kama ko para bigyang pansin ang pusang si Chase sa higaan nito. Marahan na lang akong napailing no'ng makita kong tulog mantika pa ito kaysa sa akin, hindi ko na lang siya inistorbo pa at awtimatiko na lang akong nagpunta sa kinaroroonan ng banyo ko. Ilang saglit lang ay nakarating na rin ako sa loob nitong banyo, kaya naman kaagad ko

