bc

Ikatlong Mata

book_age18+
413
FOLLOW
2.2K
READ
reincarnation/transmigration
brave
bxg
scary
female lead
city
horror
spiritual
like
intro-logo
Blurb

Bata pa lamang si Kiara ay alam na niyang taglay niya ang isang bagay na tinatawag nilang 'ikatlong mata'.

Ito ang nagdudulot sa kanya ng kakayahan upang makakita ng mga bagay na hindi na kayang makita pa ng pangkaraniwang tao lamang.

Ang mga multo o kaluluwa ng mga namayapa na at maging ang mga elemento rito sa lupa...

Ngunit sa kabila ng kanyang taglay na kakayahan ay pinili nitong hindi tumulong sa mga ligaw na kaluluwang nangangailangan ng tulong, gabay at katarungan.

Pagka't ang kakayahan niyang ito ay itinuturing niyang isang sumpa, na naging dahilan ng miserable niyang buhay...

Ang mga pananaw niyang ito ay unti-unting magbabago sa oras na makilala niya si Jethro, ang lalaking hahanapin niya, pagka't nais niyang tuklasin ang koneksiyon nito sa kanya, na tila ba bahagi ito ng kanyang buhay sa ibang panahon at ibang pagkatao.

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
Kiara De Villa's Point of View. Nakabibinging katahimikan ang namamayani ngayon sa apat na sulok ng kwarto ko at ang tanging naririnig ko lamang ay ang bawat pagguhit at kuskus ng lapis na ginagamit ko sa pag sketch ng isang malaking bahay. Sa itsura nito ay maihahalintulad ko ito sa mga bahay sa pilipinas no'ng 1940s at 50s, pero hindi ko pa ito natatapos i-sketch dahil mabilis lang naman na nagpapakita sa panaginip ko ang malaking bahay na iyon. Ilang sandali lang ay narinig kong may nagbukas ng pinto sa kwarto ko at hindi na ako nag-abala pang lingunin kung sino iyon dahil sigurado naman akong si Aunt Mildred lang iyon. Kasabay ng mabilis na pag shade ko sa ini-sketch ko ay ang tunog naman ng sapatos na humahakbang ngayon palapit sa akin, no'ng maramdaman kong nasa likuran ko na siya ay agad na akong lumingon para salubungin siya, ngunit natulala ako no'ng makita kong wala naman dito si Aunt Mildred at lalong wala ng ibang tao sa kwarto ko ngayon kundi ako lang. Nabaling ang atensiyon ko sa ilong ko no'ng maramdaman kong may likidong tumutulo mula rito, kumuha agad ako ng tissue sa desk ko at agad na ipinahid sa ilong ko dahil alam kong sariwang dugo nanaman ang lumalabas ngayon sa ilong ko. No'ng tignan ko ang tissue ay hindi nga ako nagkamali, dugo nga ito. Napabuntong-hinga na lamang ako at napatitig na lamang sa pinto ng kwarto. "Talaga bang hindi na nila ako titigilan?" saad ko sa aking isip. Six years old pa lamang ako no'ng una ko silang makita, hanggang sa paglaki ko ay hindi pa rin nila ako tinitigilan. Kahit saan at kahit kailan ay nagpaparamdam sila sa akin, ipinapakita ang kanilang hinagpis at paghihirap, humihingi sila ng tulong at nagmamakaawa sa akin, ngunit hindi ko sila binibigyang pansin kung kaya't heto, patuloy pa rin silang nangungulit, nananakot, at nagpaparamdam sa akin. Ang sabi ng iba, ang taong gaya ko raw na nakakakita ng mga ligaw na kaluluwa o multo ay mayroong third eye o ikatlong mata. Hindi ko alam kung paano at kung saan ko ito nakuha, hindi ko rin alam kung dapat ba akong matuwa na may ganito akong kakayahan dahil kahit saang anggulo ko tignan, para sa akin isa itong malaking sumpa. Napabalikwas ako sa malalim na pag-iisip no'ng makita kong bumukas ang pinto ng kwarto ko at iniluwa no'n si Aunt Mildred. Ngumiti ito sa akin at nagsabing, "Your grandpa will have his dinner with us tonight honey, let's eat?" Nginitian ko na lamang siya at pagkatapos ay tumayo na ako para maglakad palabas nang kwarto ko. Sabay kami ngayong bumababa ni Aunt Mildred sa hagdan habang nakatitig ako sa kanya, no'ng mapansin niya iyon ay ngumiti ulit siya sa akin at nagsabing, "What's wrong?" Ngumiti lang ako sa kanya at umiling, si Aunt Mildred, siya lang ang nag-iisang kakampi ko sa mansion na ito at siya na rin ang itinuring kong ina mula no'ng mamatay ang mga magulang ko sa isang aksidente. No'ng makababa na kami mula sa second floor ng mansion ay dumiretso na kami sa dining area. Sa palagay ko ay inabot ng mahigit isang minuto bago kami tuluyang nakarating dito sa dining area. Bumungad naman sa amin ang mahabang lamesa na puno ng pagkain, maging si Lolo na ngayon ay kasalukuyan ng kumakain. Lumapit ako sa kanya at inilahad ko ang kanang kamay ko para sana magmano, pero ilang segundo na ang nagdaan ay hindi nito pinansin ang kamay ko at kahit paglingon man lang sa akin ay hindi nito ginawa. "Kiara, let's eat," sabi sa akin ni Aunt Mildred, kaya naman tinanguan ko na lamang siya at lumapit ako sa katabi niyang upuan para doon umupo. Nagsimula na kaming kumain at tanging maliit na grilled beef steak lang ang inilagay ko sa plato ko dahil hindi naman ako komportableng kumain kasabay si Lolo. Tahimik at walang nagsasalita, naka-focus lang ang lahat sa pagkain. Napasulyap ako kay Lolo na hindi man lang magawang sumulyap o tumingin lamang sa akin, ako na nag-iisang apo nito. "Galit pa rin ba siya sa akin hanggang ngayon? Ako pa rin ba ang sinisisi niya sa mga nangyari?" tanging tanong ko sa aking sarili. Napatungo na lang ako habang muling inaalala ang mga nangyari noon 16 years ago. Nakasakay kaming tatlo sa kotse, si Mom at Dad ay nasa front seat habang ako naman ay nasa likod. 7 years old pa lamang ako no'ng mga panahong 'yon, masaya kaming nag-uusap at nagtatawanan dahil pauwi kami ngayon sa mansion para sana'y i-celebrate ang birthday ni Mom. Hanggang sa may mapansin akong kakaiba, may iba kaming kasama sa kotse at nasa tabi ko lang ito no'ng mga oras na iyon. Isang babae na may pulang mata, nangingitim ang buong katawan, dahan-dahan itong lumalapit sa akin habang unti-unting umiikot ang ulo niya. Hindi ko na napigilan pa ang sarili kong sumigaw at yumakap kay Dad mula sa likuran. Takot na takot ako na para bang mahihimatay na ako sa takot, nataranta si Mom at Dad hanggang sa naging sanhi iyon ng isang aksidente. Bumangga ang sinasakyan naming kotse sa isa pang sasakyan, at dahil doon ay namatay ang mga magulang ko habang ako naman ay himalang nabuhay at nakaligtas. Siguro nga ay talagang kasalanan ko kung bakit sila namatay, kasalanan ng third eye na mayroon ako, ang sumpa na ito ang dahilan kung bakit ako nawalan ng magulang at kung bakit hindi na ako nagawa pang mahalin ni Lolo. Kung kaya't ipinangako ko na sa sarili ko na kahit ano pang gawing pagmamakaawa at pananakot na gawin sa akin ng mga multong humihingi ng tulong ko ay hinding hindi ko sila papakinggan at lalong hindi ko sila tutulungan. "Kiara? What's wrong ha? Hindi mo pa ginagalaw 'yang pagkain mo," Natigil ako sa mahabang pag-iisip no'ng magsalita si Aunt Mildred, nilingon ko siya at no'ng balingan ko rin ng tingin si Lolo ay wala na ito sa kinauupuan niya. "Huwag mo ng alalahanin ang Lolo mo." Nilingon ko ulit si Aunt Mildred at mapait na ngumiti bago ako tumango at magsimulang kumain. Mabuti na lamang ay nandito si Aunt Mildred at kahit paano ay naiibsan ang lungkot na nararamdaman ko sa tuwing ipinaparamdam sa akin ni Lolo na wala akong kwentang apo.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.3K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The Succubus Queen

read
27.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.3K
bc

His Obsession

read
104.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook