Kabanata 2

1251 Words
Pagkatapos ng dinner ay mas pinili ko na lamang na umakyat sa kwarto ko para magbabad sa bathtub. Papunta na ako sa banyo no'ng mapansin ko ang ilang mga marka ng yabag sa sahig. May dugo ang mga yabag, kaya naman napasinghap na lang ako no'ng sundan ko ang direksyon nito papunta sa banyo ko. No'ng malapitan ko na ang pinto ng banyo ay binuksan ko agad ito, pumasok ako sa loob at pinuntahan ang transparent curtain na humaharang sa bathtub. Nakaramdam ako ng kaunting lamig sa kamay kong nakahawak ngayon sa kurtina at no'ng hawiin ko na ito ng tuluyan ay bumungad sa akin ang malaking bathtub ng banyo na nag-uumapaw ngayon sa tubig na kulay pula. Halos maduwal ako no'ng maamoy ko ang lansa nito na para bang isang malansang dugo. Ilang sandali lang ay nahaluan na rin ito ng masansang na amoy dahil sa paglutang ng isang ulo na may mahabang buhok, napaatras na lamang ako no'ng makita kong unti-unti itong umaahon mula sa tubig. Nalunok ko ang sariling laway no'ng tuluyan na siyang makaagwat sa tubig at ilantad ang kanyang naaagnas na mukha. Nag-iisa na lang ang mata nito at para bang dumanas siya ng karumaldumal na pagkamatay. Halos manindig ang mga balahibo ko sa katawan no'ng makita ko kung paano siya umahon at tumayo sa bathtub. Iniyapak niya ang isa niyang paa sa basang sahig ng banyo at isinunod ang isa pa, naglakad na rin ito palapit sa akin, ngunit sa halip na matakot ay mas nanaig sa akin ang matinding galit ko sa mga tulad niya. "Huwag kang lumapit sa akin, hindi kita tutulungan kaya't huwag na huwag ka ng babalik dito!" singhal ko sa kanya, tinitigan niya ako at sinubukang takutin ngunit hindi ako nagpatinag, tinitigan ko rin siya sa pinakamasakit na paraan, galit lang ang emosyon na makikita niya sa mga mata ko dahil hinding hindi na ako papayag na masindak ulit ng gaya niya. Naikuyom ko ang mga kamao ko no'ng maramdaman ko nanaman ang likidong tumutulo mula sa ilong ko at kasabay no'n ang paglalaho niya sa harap ko na para bang isang itim na usok. Bumalik na rin sa dating kulay ang tubig sa bathtub pero hindi ko na lamang itinuloy ang balak na pagligo roon dahil plano kong papalitan agad ito kinabukasan. Lumabas ako ng banyo at nagpunta sa desk ko kung saan nakabuyangyang pa ang sketchpad ko kung saan nakaguhit ang malaking bahay na nakikita ko sa aking panaginip. Itiniklop ko ito at dumiretso sa malambot at malaking kama, ibinagsak ko ang sarili ko dito ng padapa at isinubsob ang mukha ko sa malaking unan. Ilang minuto lang ay tumihaya na rin ako, ngunit no'ng magdilat ang mga mata ko ay agad nangunot ang noo ko dahil sa isang puting tela na nasa itaas ko. Ang puting tela ay sinusuportahan ng apat na haligi ng kama, napabalikwas ako at agad bumangon para umalis sa kama. Nagtataka akong tumingin sa paligid ko at halos mapanganga ako no'ng makita kong hindi ito ang kwarto ko. Pawang kulay brown at pula ang makikita sa paligid ng kwarto dahil ang dingding ng kwarto ay gawa sa tabla. Malinis ang paligid at magaganda ang desinyo ng mga kabinet. Maging ang malaking aparador ay para bang may korona sa ibabaw at kakaiba ang mga nakaukit na disenyo rito. Malalaki ang dalawang painting na nakasabit sa dingding at para bang mga antique pa, tinitigan ko ang mga ito pero parang nabura ang mga pinta rito dahil wala akong makitang imahe. Ang sahig ay gawa sa tabla at napakakinis nito, makintab at kulay pula. Nadako naman ang tingin ko sa may bintana, nakabukas ito kaya lumapit ako rito para dumungaw sa labas. No'ng makalapit ako ay sumilay sa akin ang nakasisilaw na liwanag ng araw dahilan upang maipikit ko ang mga mata ko. Pagdilat ng mga mata ko ay nakakasilaw na liwanag mula sa bintana ang bumungad sa akin dahil umaga na. Nangunot ako no'ng makita ko ang kulay cream na kesami ng kwarto ko. Iginala ko pa ang mga mata ko sa paligid para makasiguradong kwarto ko nga ito, napabangon ako at naisip na, "Panaginip lang pala." Umalis na ako sa kama para magpunta sa banyo at gawin ang morning routine ko. Pagkatapos ko ay kinuha ko ang mga lapis at sketchpad ko sa desk at lumabas na ng kwarto ko. Bumaba ako at sinalubong naman ako ng isa naming maid at tumungo ito bago nagsabing, "Miss, nakahanda na po ang almusal niyo." Nag-angat siya ng tingin sa akin kaya naman nginitian ko siya bago ko sabihing, "Salamat, pero pwede bang isunod mo na lang iyon sa akin sa garden?" Tinanguan niya naman ako kaya naman nagtuloy na ako palabas sa likod ng bahay at tahakin ang daan papunta sa may garden. No'ng makarating ako roon ay sumalubong sa akin ang malawak na bermuda grass at maliit na taniman ng mga pulang rosas, sunflowers at iba pang uri ng bulaklak. May kulay puting shed sa gitna ng taniman at sa tapat no'n ay nakatayo naman ang isang fountain. Nagpunta ako sa shed at inilapag ang sketchpad ko sa maliit na mesa bago umupo at simulang buklatin ang pahina ng sketchpad. No'ng handa na akong mag sketch ay pumikit ako para maalala ulit ang mga nakita ko sa panaginip ko kanina lang. Ang lumang kwarto na iyon na para bang parte rin ng malaking bahay na napapaginipan ko. Ilang sandali lang ay napadilat ako no'ng marinig kong dumating ang maid na naghanda ng almusal ko. Inilapag niya sa mesa ang mga bacon, sausage, egg at bread kasama na ang orange juice. Nagpasalamat naman ako sa kanya bago siya tuluyang umalis ay sinabihan ko siyang sabihin sa butler ng mansion na asikasuhin ang pagpapalit ng bathtub sa banyo ng kwarto ko. Pumikit ulit ako para alalahanin ang panaginip ko, napangiti ako no'ng maalala ko na ito at simulang iguhit ang layout ng kwarto. Habang nagdradrawing ay kumakain ako ng breakfast na lalong nagbibigay sa akin ng gana sa ginagawa ko. "Kiara!" Nabaling ang atensyon ko sa babaeng tumawag sa akin at napangiti ako no'ng makita kong si Caresse iyon. Kinawayan ko siya at nilapitan niya naman agad ako, no'ng makalapit ito sa akin ay niyakap niya ako at bumeso. "Let's go shopping?" tanong agad nito sa akin no'ng makaupo na siya sa tabi ko, pero itinuon ko lang ulit ang atensyon ko sa sketchpad at, " Ahmm may tinatapos pa kasi ako eh." Nangunot ang noo ko no'ng bigla niyang hablutin ang sketchpad at tignan ang mga na-sketch ko. "Sinasabi ko na nga ba, itong bahay nanaman? Napapaginipan mo pa rin?" sabi nito habang nakakunot ang noo, kinuha ko naman ang sketchpad ko at marahang tumango. "Alam mo, tama nga si Aunt Mildred, we should hang out para naman hindi ka lang nagkukulong dito no," sabi nito na inilingan ko lang. "Alam mo naman na hindi ako mahilig lumabas diba," sagot ko na ikinanguso niya sabay pulupot ng kamay niya sa braso ko. "Kiara, please." Napairap na lang ako dahil mukhang ipagpipilitan talaga nitong si Caresse ang gusto niya. "Fine," sabi ko na nagpangiti sa kanya, nginitian ko na lang din siya. Business partners ang ni Lolo ang mga magulang ni Caresse and that's how we met. Sabay kaming lumaki, actually siya lang ang nag-iisa kong kaibigan, my bestfriend to be exact. And according to her wala raw akong ibang friends bukod sa kanya dahil siya lang daw kasi ang nakakatagal sa boring kong lifestyle at pag-uugali.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD