NATAWA ANG MAESTRO NANG magpresinta si Faith na tumugtog ng arpa. Tawa na natutuwa sa munting anghel at tawa nang maalalang pasaway ang Munting Anghel tuwing nag-e-ensayo.
May natutunan kayang talaga ito sa ensayo?
Pinanood niya mula aa sisidlang tubig si Faith na tila nawalan ng kulay ang mukha. Mukhang natanto rin nito ang naisip niya.
Noong huling araw bago ito umalis sa langit ay kinausap niya pa ito dahil sa pagtatangka na tumakas sa ensayo.
Dahil mas gusto nitong maglaro ng bolang ulap kasama ang mga anghel na tapos na sa ensayo kaysa mag-ensayo ng instrumento.
Ang pag-e-ensayo ng mga instrumento na iyon ay para mapagtibay ang displina ng mga anghel na nagsisimula pa lang, pagtugtog ng musika para na rin sa kagalakan at kapayapaan.
"Ano po ang sanhi ng inyong pagtawag sa akin, Mestro." Dumating na si Payra.
Naaalala niyang isa ito sa mga dalagitang anghel na malapit kay Faith at kasabayan nito sa ensayo.
Nanlaki ang mata nito nang makita ang nasa sisidlan, ngunit kaagad rin na nag-iwas ng paningin. Hindi maaaring tignan ang imaheng naroon nang walang pahintulot niya.
"Magaling ba siyang tumugtog ng arpa?" Nanatili naman ang paningin niya sa imahe ni Faith na umaakyat na sa entablado.
KINAGAT NI MALIK ANG PANG-IBABANG labi nang makita ang pag-akyat ni Faith sa entablado. Hindi niya alam kung hahanga ba siya o kakabahan na tila ba biglang hindi sigurado ang mukha ni Faith bago tumayo sa silya kanina.
Gayunpaman ay pumalakpak pa rin siya nang makaakyat ito bilang suporta.
"An harp suits Ate Faith, right Kuya Malik?"
Pero sa punto na iyon ay tumango siya. Oo, bagay na bagay.
Mukhang anghel.
Pinanood nila ang paglapit ni Josie kay Faith. Tila kinausap pa muna ito. Mukhang nabigla rin na ngayon ay tutugtog ito ng instrumento na iyon.
"It's hard to play an harp, Kuya 'no?" si Carissa na lang yata ang bumubuhay sa table nila dahil kapwa lahat sila ay tahimik at tila may kaniya kaniyang iniisip sa utak, kaniya-kaniyang kumento para sa ginawa ni Faith.
Tumango si Sebastian kahit na ang paningin ay na kay Faith pa rin.
Malik felt weird while seeing the emotions in his face.
Like he's worried.
Napabuntong hininga na lang tuloy siya at nag-focus na lang kay Faith na inaayos na ang pagkakaupo.
Ang mga mata nito ay nasa harp, tila hindi alam kung paano magsisimula.
"I am learning to play that!" si Carissa na wala pa mang ginagawa si Faith ay tila hangang hanga na kaagad. "I wanted to learn more tuloy! Ang galing! Same na same kami ni Ate Faith!"
Gusto niyang matawa nang makita ang pag-ismid ni Gladys.
Wait, is this serious?
She is jealous because Faith is close to Carissa which is Sebastian's sister?
"We don't even know if she's magaling, Carissa." Naroon ang pekeng ngiti ni Gladys.
Tinignan lang siya ni Carissa at ming pumalakpak nang i-announce na ng host na tutugtog na si Faith. Gumagaya na rin siya kay Carissa.
Unti-unting naglaho ang mga palakpak nang kunin ni Faith ang nakatayong harp at isandal sa balikat nito bago ipinuwesto ang daliri sa pagsisimula sa pagtugtog.
Makapigil hininga para sa kaniya.
What song would she play?
Ngumiti si Faith sa mga manonood bago nagumpisang kalabitin ang harp.
Pakiramdam niya tuloy ay matutunaw siya.
Bagay na bagay rito ang itim na bestida at ang hawak na instrumento.
Ilang ulit niya na itong nasabi, pero tila anghel na bumaba sa langit si Faith sa paningin niya ngayon.
And she starts....
It's calm to hear...
Hindi siya mahilig makinig o manood sa ganitong tipo ng pagtugtog, pero iba ito. Iba kapag si Faith iyon.
Tila hinihele siya at gumagaan ang nararamdaman ng kaniyang puso.
Hindi man pamilyar kung ano ang tinutugtog nito, pakiramdam niya ay alam niya iyon at parte iyon ng pagkabata niya...
Ng pagiging ligtas niya sa ano mang uri ng panganib.
The melody she creates is soulful and magical.
Even her fingers looks soft and delicate as she strums the strings...
Tahimik ang paligid, hindi lang siya ang nadadala. Lahat ay tahimik na nakikinig. Tila nahihipnotismo sa ganda ng musika at sa ganda ng babaeng tumutugtog niyon.
Walang kahit na sinong nagtangka na bumasag ng katahimikan.
Dahil lahat sila ay gusto ang naririnig.
At bawat notang nililikha ni Faith ay tila nakakonekta sa emosiyon nito.
Pakiramdam niya ay mahimbing siyang makakatulog nang wala sa oras.
He closed his eyes and think of him like running in the fields...
Fields of scented flowers...
And as the melody goes more impactful it seems like he wanted to run more in his mind...
But sadly, the music end there.
She's done playing.
And it was successful!
Ilang segundong nanatiling tahimik ang buong event, hanggang sa unti-unting paglitaw ng mga palakpak nang tumayo si Faith mula sa kinauupuan at mag-bow sa harapan.
Doon na siya muling nakisabay sa palakpakan.
"Wow..." Nasabi niya na lamang.
Maging si Gio ay tatango tango na rin matapos tumugtog ni Faith. Napailing na lang rin siya nang makitang pilit itinatago ni Javin ang pagkamangha.
Natapos lang ang palakpakan nang muli nang makabalik si Faith sa table nila.
"Ang galing-galing mo, Ate Faith! Sabi ko na you are good, e!" Nag-thumbs up si Carissa rito.
He bit his lips when Faith also do the same thumbs up as Carissa.
Ngayon ay nakaupo na sila at nagkaroon na ng ubang laman ang entablado, pero parang bang hindi pa rin sila nakakamove on sa ginawang pagtugtog ni Faith kanina.
"You're great... how did you do that?" Hindi niya na napigilang hindu itanong. "I mean how old are you when you learned that?"
Pinalabas kanina ni Javin na mahirap lang si Faith dahil ito pa lang ang unang beses na nakakain ito ng cupcake kaya naman pati siya ay nalito na.
Kung ganoon, kung totoo ngang mahirap si Faith, paano ito natuto mag-harp? What is her foundation?
How can she afford to learn that, right?
Hindi naman siguro masamang itanong iyon.
Naroon lamang ang pagkailang nang ngitian sila ni Faith.
"Natutunan ko iyon noong bata pa lang ako," sagot naman nito.
"Like me?" si Carissa. "But I'm still not good like you."
Hinawakan lang ni Faith ang bumbunan nito.
"I admit it," si Gio. "Ang galing nga ng ginawa mo, Faith. Mukha kang expensive musician kanina."
"Right?" he agreed.
He can only say one thing. Faith is really mysteriously beautiful. Tila ngayon niya lang naranasan maging totoo at tapat sa sarili niyang nararamdaman.
NAG-IWAS NG PANINGIN SI GLADYS. There's no way that she would join them to praise her. Yes, Faith is really good. Maging siya ay natahimik sa ginawa nito, pero hindi ibig sabihin ay deserve na nito ang papuri niya.
Tumalim ang tingin niya kay Breena nang magtama ang mata nila at nang makita niya ang paghanga sa mukha nito.
"What?" she asked.
Umiling lang si Breena at nagpanggap na kumakain ng pasta.
"Saan ka ba nag-aaral?" dinig niya pang tanong ni Malik kay Faith.
Pinagwalang bahala niya ito nang magsimula nang tumugtog ang orchestra.
Tinignan niya si Sebastian na ang walang ganang paningin ay parehas na na kay Faith at kay Malik.
Mas tumindi lang ang inis na nararamdaman niya.
"Dance with me," she said.
Marahan na lumipat ang walang ganang tingin sa kaniya ni Sebastian.
She also has no emotions on her face, kahit na naiinis pa siya. Hindi niya alam kung bakit hindi pa rin sila maging swak ni Sebastian kung ganong halos parehas lang naman sila ng ugali.
Tipid siyang natawa, naiinis.
"Do I still need to repeat it?" dugtong niya pa.
Sigurado siyang sila lang namang dalawa ang nagkakarinigan sa sinasabi niya dahil malakas ang tunong ng orchestra.
Ilang segundo lang ay tumayo si Malik.
Akala niya ay aalis na ito o kaya naman ay magbabanyo, pero naglahad lang ito ng kamay kay Faith, inaaya na makipagsayaw.
Napangisi siya.
Unbelievable.
Naunahan pa siya ng babaeng iyon. Hindi nito ni-demand. Kinusa na alukin.
Ayaw na ayaw niya ng ganitong pakiramdam, pero paano niyang maiiwasan ang inggit kung walang ginagawa ang katabi niya-
Hindi pa man siya tapos sa sinasabi sa utak nang hilain ni Sebastian ang kamay niya.
"Let's go."
Sa gulat ay hindi niya nagawang umangal, nagpadala na lang siya sa paghila nito sa kaniya sa gitna kung saan naroon na ang ilang gustong sumayaw at may kapareha..
Kasunod niya naman ay naroon si Gio na inaya si Breena at si Javin na kusang sinayaw si Carissa kahit pa tatalon talon lang ito sa espasyo.
Inilagay ni Sebastian ang kamay niya sa batok nito. Naramdaman niya rin naman ang pagpulupot ng kamay nito sa magkabila niyang beywang.
Ni hindi niya kayang tagalan ng paningin si Sebastian dahil kusang lumalabas ang lahat ng sama ng loob na meron siya para rito.
"Sinayaw mo ako dahil sinayaw ni Malik si Faith, right?" she asked.
Mas tumalim ang pagkakatingin sa kaniya ni Sebastian. "Isn't this what you wanted?"
Nag-iwas siya ng paningin nang magtubig ang mata niya, nagawa niyang pigilan ang pagpatak ng butil ng kaniyang luha.
Hinintay niyang magtagal siya bilang kapareha ni Sebastian, bago siya muling tumingin dito.
"I'll use the comfort room."
Hindi niya na hinintay ang sagot nito at dumiretso ba siya sa loob ng bahay ng mga Villa Leonor para hanapin ang powder room.
"Ma'am? Ayos lang po ba kayo?" She knows her of course. The head of the housemaids.
Pinalis niya kaagad ang luha na pumatak sa pisngi niya. It's annoying that someone just saw her tears.
"I'll use the powder room." Nilagpasan niya ito at dumiretso sa pakay.
BUMUGA NG HANGIN SI SEBASTIAN matapos maupo sa table nila nang iwan siya si Gladys sa dancefloor.
Matagal na sila nito, pero hindi niya pa rin mabasa ang bawat kilos nito.
"Uy, asan si Gladys?" si Gio.
Sabay na bumalik sa table nila si Gio at Breena, sumunod naman si Malik at Faith kasabay si Carissa at Javin.
Naunang kumalas si Carissa sa papunta pa lang na sila Malik nang puntahan siya nito.
"Hey, baby..." bati niya.
"Kuya, puwede ba dance naman kayo ni Ate Faith?"
Awtomatikong nagsalubong ang kaniyang kilay.
Sakto namang dumating na si Malik at Faith na dadaan pa lang sana sa gilid niya para makaupo sa silya kanina.
Naging mabilis si Carissa sa paghatak sa kamay ni Faith papunta sa kaniya na nakaupo pa rin at walang sagot sa request ng kapatid.
"No," he answered.
"P-po?" Lumungkot kaagad ang mukha ni Carissa.
Samantalang naguguluhan naman siyang tinignan ni Faith, tila hindi alam kung ano ang nangyayari.
"Carissa," banta niya pa.
"But isn't it my birthday?" talagang nagpupumilit ang kapatid niya.
Napabuntong hininga na lang siya nang dismayado siyang tignan ng mga nasa kalapit nilang table na tila hinuhusgahan na siya, samantalang hindi naman maipinta ang mukha ng mga kaibigan niya sa hiling ni Carissa.
"Fine."
For his sister.
Sandali lang ito at wala pa naman si Gladys.
Kaagad na nagliwanag ang mukha ni Carissa na nag-cheer pa.
Tumayo naman siya at nilahad ang kamay kay Faith.
Dahil sa ginawa niya ay napasadahan niya ito ng paningin mula paa hanggang sa maamo nitong mukha.
Josie really did let her wear this daring dress.
"Dance with me."
HININTAY NI MAESTRO ANG pagsagot ni Payra sa itinanong niya. Mapapailing na sana siya para sa desisyon ng munting anghel nang sa wakas ay magsalita na si Payra.
"Ang totoo po niyan ay talagang magaling ng tumugtog ng arpa si Faith. Maaari po ay iyon rin ang sanhi kung bakit mas ginugusto na nitong sumubok ng ibang aktibidad tuwing mag-e-ensayo."
Tipid na napangiti ang Maestro.
'Munting Anghel... Hindi ko sinasadya na husgahan ka...' Nasabi na lamang niya sa isip niya.
Nagbalik siya ng paningin kay Faith na malayang tinutugtog ang arpa, punong-puno ng emosiyon at busilak na pagmamahal.