[33] An Angel in a Black Dress

1725 Words
MANGHANG-MANGHA SI FAITH NANG makita ang kabuuan niya matapos siyang ayusan ng make-up artist at Hairstylist ni Josie. Suot niya ang itim na bestida na hiniram niya rito. Manipis ang strap niyon, mahaba na hanggang sakong niya at may hati sa gilid ng damit kaya kita ang hita niya tuwing maglalakad. Pinahiram rin siya ng itim na sapatos na heels kung tawagin ni Carissa. “Ang ganda-ganda mo talaga, Ate Faith!” Tiningala siya ni Carissa. Siya ang huling inayusan kaya naman nakaayos na rin ang Mommy ni Carissa at pati ito, pero hindi niya pa nakikita si Sebastian. Nasaan na kaya ito? “Napaka ganda mo rin, Carissa.” Pinagmasdan niya ang suot nitong gown, kulay lila. Maganda rin ang pagkakaayos ng buhok nito. “Let’s go na downstairs?” si Josie na tinawag si Carissa bago tumingin sa kaniya. “Faith?” Sabay-sabay silang bumaba. Nasa malaking garden lamang ng bahay ng mga ito ang party. Malawak ang espasyo roon. Maganda pa ang pagkakadisenyo ng event. Isa-isa nang dumarating ang mga bisita ni Carissa. Mga hindi niya kilala, halo-halo ang mga edad. Nakakapagtaka nga na mas marami pang matatandang bisita si Carissa kaysa sa mga bata na mabibilang lang. Siguro ay dahil kagaya nang sinabi nito sa kaniya, wala naman raw kaibigan si Carissa maliban sa ilang batang kamag-anak nito at ilang anak ng business partners ng Mommy at Daddy ni Carissa. Ayon rito, sa bahay lang ginaganap ang eskuwela nito kaya naman wala itong kaklase na maaaring imbitahan. “Mom, where’s Kuya?” si Carissa na bumulong sa Mommy niya. “Baka may pinuntahan pa, anak,” sagot naman ni Josie. “Where naman?” “Pinasundo ko ang Ate Gladys mo, Carissa.” Seryosong seryoso ang Daddy ngayon ni Carissa. Sandali lang rin siyang naipakilala ng Mommy ni Carissa sa daddy nito. Hindi ito palangiti, pero mabuti naman ang itrinato sa kaniya. Natigil sa pagtatanong si Carissa. Napunta kasi ang atensiyon nito sa pagkausap sa mga dumarating na bisita bumabati rito. Halos pareparehas lang ang pagkumusta nang mga ito; na matagal raw hindi nakita si Carissa, na lumaki at tumangkad raw ito. Napapansin niya rin na ilan sa mga bisita, na halatang angat sa buhay ay hindi ngumingiti man lang o hindi dinadapuan nang paningin si Josie. Nalulungkot siya sa tuwing makikita niyang ngumingiti si Josie sa mga bisita ni Carissa na lumalapit rito at ni hindi pinapansin ang pakikipagkamay nito o ang pagbeso. Nakakapagtaka iyon para sa kaniya. Pinanood niya ang pag-alis ng Daddy ni Carissa na may pinuntahan sa kabilang table. “Ang suwerte nga naman ng mga gold-digger. They will able to experience luxuries like this.” Nagmula iyon sa isang babaeng may katandaan na, halatang mayaman at nasa edad singkuwenta na. Nakita niya kung paanong nalanta ang ngiti ni Josie nang marinig iyon. Nakakunot naman ang noo ni Carissa, tila gustong intindihin kung ano ang ibig sabihin nang sinabi nang babae, pero talaga lang na hindi ito maintindihan. Hindi niya rin gaano alam kung ano ang ibig sabihin nang babaeng iyon, pero palagay niya ay nakakainsulto iyon. Hindi rin nagtagal ay nagsimula na ang party. Matapos samahan si Carissa at Josie na salubungin ang mga bisita ay umupo na sila sa table na nakalaan para sa kanila. Si Carissa at siya lamang ang nasa maliit at bilog na table sa gilid samantalang naroon naman sa banda gitna ang Mommy at Daddy nito. Ilang sandali lang ay nabaling na ang atensiyon nila sa pagdating ng ilang pamilyar na mukha. Hindi ba’t mga kaibigan iyon ni Sebastian? Tatlong binata ang mga iyon na kapwa naka tuxedo. Dalawa lang sa tatlong iyon ang alam niya ang pangalan, si Gio at si Malik na nagpakilala pa sa kaniya at sumundo sa kanila nang dakipin sila ni Mocco na kaaway ni Sebastian. Hindi niya gaano matandaan ang pangalan ng isang lalaki na hindi man lang ngumingiti, pero naaalala niyang ayaw nito sa kaniya dahil sa paraan nang pagkakatingin nito sa kaniya nang una silang magkita sa condo ni Gio. Naaalala niya ring ito ang iniligtas ni Sebastian kay Mocco bago pa man sila dakipin ni Mina kinabukasan. “Happy Birthday, Carissa.” Bati nila. Halos sabay-sabay pa na dumapo ang paningin nang mga ito. Bakas sa mga ng mga ito ang gulat na makita siya rito. “You are here?” si Gio iyon na tila takot pa. “Ate Faith is my guest po, Kuya Gio,” dipensa kaagad ni Carissa sa kaniya. “O-oh… I see…” “You are too negative, Gio. Ano ka ba?” Lumapit naman sa kaniya si Malik at nilahad ang kamay nito sa kaniya. “That black dress suits you. You look like an angel in black, so gorgeous.” “Pfft!” pinigilan ni Gio ang pagtawa. “Babaero.” Umirap lang ang masungit na lalaki bago bumaling kay Carissa. “Where’s your Kuya?” “Sinusundo raw po si Ate Gladys,” sagot naman nito. Bago pa man mangalay si Malik sa pagkakalahad ng kamay nito ay inabot niya na iyon para makipagkamay. “Wala pa pala?” si Gio. “Dito na lang kaya tayo sa table ni Carissa para mabilis tayong makita? Okay lang ba, Carissa?” “Sure po.” Sumang-ayon naman si Malik at ang masungit na lalaki. Kaagad na hinila ni Malik ang upuan na katabi niya. Napailing na lang si Gio na kay Carissa tumabi at nanatili lang tahimik ang masungit na lalaki. “Pupunta kaya si Breena, Javin?” Nagsimula namang mag-usap ang dalawang iyon at si Carissa ay abala sa pagkain. “Connected ka ba kila Sebastian?” si Malik iyon na nagtanong sa kaniya. Nagsimula na naman siyang makaramdam nang pagkailang. Hindi niya naman alam ang isasagot. Nahihiya siya na maganda ang pagkakangiti nito sa kaniya, pero hindi niya naman alam ang isasagot rito. “Ate Faith, try this!” Salamat kay Carissa na inagaw ang atensiyon niya. “This is called cupcake.” Kinuha niya ang binigay ni Carissa. Ngayon tuloy ay ramdam niya ang panonood sa kaniya ng mga kaibigan ni Sebastian. “Hindi ka pa nakakakain niyan?” si Gio ang nagtanong sa kaniya. Umiling siya. “Hindi pa…” Nagkatinginan naman ang mga iyon, tila hindi makapaniwala sa kaniya. “Why? Is that how poor you are?” “Javin!” Halos sabay naman na saway ni Gio at Malik rito. Kung ganoon ay Javin pala ang pangalan nang masungit na lalaking ito. Tinignan siya ni Carissa. “Please, be nice to my Ate.” Kinagat niya ang labi at nagbaba nang paningin sa table. Pakiramdam niya ay namamanhid siya. “Actually…” kinuha ni Malik ang isa pang cupcake sa plato ni Carissa. “Hindi ko pa rin nata-try to ‘cause I am no fond of sweets. Sabay tayo?” Nag-angat siya nang paningin sa nakangiting si Malik. Hindi niya alam kung paanong nangyari iyon, pero tila ba bigla na lamang gumaan ang pakiramdam niya. Nakangiti naman siya tumango rito. “Yey! Sabay tayo!” Gumaya na rin si Carissa sa kanila. Hindi siya makapaniwalang masarap pala ang cupcake. Araw-araw siyang namamangha sa mga bagay na nalalaman niya rito sa lupa. Samantalang naiiling at natatawa lang si Gio kay Javin na inismiran sila. “Don’t mind him,” bulong sa kaniya ni Malik. “Kulang lang talaga ‘yan sa pansin.” Tumango na lang siya kahit na naawa siya nang malamang kulang pala sa pansin si Javin kaya ganito umakto sa kaniya. “Kuya!” Kaagad na tumayo si Carissa at sumalubong kay Sebastian na papunta pa lang sa table nila. Kagaya nang sinabi ng Daddy nito ay kasunod nito si Gladys at ang babaeng kasama nito sa mall kanina. “Grabe ang ganda ng Breena ko,” anang naman ni Gio na nakatingin sa babaeng iyon. Binuhat ni Sebastian si Carissa at dinala pabalik sa table nila. Kinabahan siya nang dumapo ang paningin nito sa kanila ni Malik. Pakiramdam niya tuloy ay may ginawa siyang masama dahil sa paraan nang pagkakatingin nito sa kaniya. “Dito ka muna, Carissa,” si Sebastian kay Carissa. “I’ll just find Ate Gladys a seat-“ “No.” Huminto si Gladys sa tapat niya sa lamesa at inilapag ang dalang purse sa ibabaw niyon. “Let’s just sit with them.” Naroon ang tila inis at hindi makapaniwalang si Sebastian nang mag-angat ito nang paningin rito, pero tila wala pa rin itong magawa kundi sundin si Gladys. Sandaling nagpunta ang dalawa sa table ng Mommy at Daddy ni Carissa para ianunsiyo ang pagdating ng mga ito bago muling bumalik sa table nila. Naging katabi ni Gio si Breena, sa tabi naman ni Breena si Gladys kasunod si Sebastian at Javin na katabi na ni Malik na siyang katabi niya ngayon. “Try some cupcakes, Ate Gladys.” Inilahad ni Carissa rito ang cupcakes na katulad ng tinikman nila ni Malik. Ngumiti lang si Gladys kay Carissa at umiling. “I’m on diet, Carissa.” “O...kay.” Tinignan siya ni Carissa. Ngumiti lang siya rito para naman hindi ito malungkot na tinanggihan ito ng girlfriend ng kuya niya. Hindi naman naalis ang tingin sa kaniya ni Gladys. Malamig man ang pagkakatingin nito ay iba pa rin ang naging dating niyon sa kaniya. “Nako, male-late ba talaga?” Halos sabay-sabay na dumapo ang paningin nila sa nag-uusap na event organizers. “What happened?” si Sebastian ang nagtanong sa mga ito. Kaagad namang lumapit ang mga iyon. Mababakasan ang matinding kaba. “Male-late raw po ang magpe-perform, Sir.” “Then, who’ll perform?” tanong nito. Hindi kaagad na nakasagot ang organizers. “Nako…” si Malik iyon. “If only we have a musician in here.” Tinignan niya si Carissa na nakikinig sa usapan. Unti-unting bumukas ang lungkot sa mukha nito. Tinignan niya ang entablado. Napangiti siya nang makita ang malaking alpa na naroon. “Puwede akong tugumugtog ng alpa para kay Carissa.” Masaya niyang sinabi. Halo-halong emosiyon ang nagpakita sa mukha ng mga kasama niya sa lamesa nang magpresinta siya. “You can play an harp?” si Malik iyon na hindi makapaniwala. Nakangiti naman siyang tumango rito. Naalala niya ang mga panahong nag-e-ensayo siya ng alpa sa langit. Umawang ang labi niya nang may maalala. …madalas nga pala siyang tumakas sa ensayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD