INIS NA NAPAIWAS NG TINGIN SI SEBASTIAN nang sundan na rin ni Gladys matapos sumunod ni Carissa na sinundan na rin ni Faith. A lunch, huh? Hindi niya alam kung bakit hindi niya gusto ang pakiramdam nito.
Of course, Gladys picked to eat on a fine dining restaurant.
Nang makarating ay nag-angat pa ng paningin si Carissa sa kaniya at ngumuso. Alam na kasi nitong walang pagkain na babagay sa panlasa nito.
Habang naglalakad ay napabulong pa si Carissa kay Faith.
“Hays… walang fried chicken dito. ‘Di bale, Ate Faith. May chicken mamaya sa party ko.” Na narinig niya rin naman.
Nanatili ang pagkakasunod nila. Si Gladys at Breena ang nauunang maglakad at kasunod naman ay si Carissa at Faith. Nasa likod naman siya para magbantay.
Pagpasok pa lang ay binati na sila kaagad ng employee na nasa pintuan. Lumapit pa ang waiter kay Gladys, sinasabi kong anong bakanteng table at saan gustong maupo.
Malaki namang ang restaurant at iilan lang ang kumakain, masiyadong malaki ang espasiyo ng tables sa bawat isa para magkarinigan.
“Come and sit na, Carissa.” Binalingan kaagad ni Gladys si Carissa. “Do you want to sit beside me?”
Naiilang namang tumango si Carissa rito, mukhang napilitan lang rin na ngumiti at sumunod.
Napagpasiyahan niya namang umupo sa tapat ni Gladys. Bilog ang lamesa kaya naman paikot rin ang upuan. Sa kaliwa ni Gladys ay naroon si Breena, sa kanan naman ay naroon si Carissa.
Naiwan namang nakatayo si Faith at hindi alam ang gagawin.
“Ate Faith! Here ka sa tabi ko.”
Ngumiti naman si Faith at kaagad na umupo sa tabi ni Carissa.
He saw the slight jealousy in Gladys’ eyes.
Kahit na hindi naman ito maldita kay Carissa, hindi naman siguro ito manhid para hindi maramdaman na talagang naiilang si Carissa rito. Kaya naman nang makita nitong komportable si Carissa kay Faith ay bumakas ang inggit sa mukha nito.
Isa-isa nang um-order si Gladys at Breena. Nag-order lang siya ng pasta dahil wala naman talaga siyang balak na kumain at mag enjoy kasama ito.
“Meron silang steak, Carissa.” Samantalang kinakapa naman ni Gladys kung ano ang gustong kainin ni Carissa.
“Or she can have an icecream for dessert na lang?” suhestiyon naman ni Breena, maybe she saw that her friend Gladys is struggling.
“Uhm…” Umastang nag-iisip si Carissa. “Sige po. Same kami ni Ate Faith.”
Tipid siyang napangisi kay Carissa. She knows how to handle Faith, someone who’s clueless. Gusto niya tuloy matuwa para sa inasal ng kaniyang kapatid.
Bumulong bulong pa si Carissa kay Faith, signing her thumbs up. Siguradong kinukumbinsi nito na masarap ang order nila, kahit na alam niya namang alam ni Carissa na sa pang matatandang panlasa lang masarap ang pagkain sa mga ganitong lugar.
He really has a cute sister.
Sandali pang dumapo ang paningin ni Gladys kay Faith na nag-e-enjoy na kausap si Carissa bago nito ibalik ang menu sa waiter.
“That’s all, Ma’am?” ulit pa ng waiter.
“Yes,” she answered.
Habang naghihintay ay tahimik ang table nila. Maliban na lang kay Carissa na madaming kuwento kay Faith. Hindi naman maalis sa mga ito ang paningin ni Gladys habang dumapo iyon sa kaniya, maging si Breena ay napatingin na rin sa kaniya nang irapan siya ni Gladys.
Is she embarrassed that he caught her jealous of Faith and Carissa’s bond?
Dumating din naman kaagad ang order nila at nagsimula na silang kumain.
“What color are you wearing for the party, Carissa?” It’s Gladys.
He could sense that she’s just finding a way to diverts Carissa’s attention to her from Faith.
Dahil naman roon ay nahinto ang pag-uusap ni Carissa at ni Faith.
“I’ll wear purple po, Ate Gladys.”
Tumango si Gladys. “That would suit you.”
Sandali lang na ngumiti si Carissa kay Gladys at muling nakipag-usap kay Faith, tinuturuan kung paano hiwain ang steak.
Sa tagal niya sigurong hindi pag-s-stay sa bahay ay hindi niya man lang nakita ang improvement ni Carissa.
Dahil si Carissa at si Faith lang naman ang maingay sa table, kapwa ang mga mata tuloy nila ay nakatanaw lang sa dalawa.
“Delicious, right?” Nag-thumbs up pa si Carissa.
Ginaya naman ito ni Faith.
Tipid siyang ngumisi sa dalawa bago bumaling kay Gladys na inis lang na nakatingin sa kaniya. Si Breena naman ay nanatili lang na tahimik sa tabi nito.
“Why are you in a mall anyway?” he asked.
Pasiring namang nag-iwas ng paningin si Gladys sa kaniya. “Not your business.”
Mas lumawak tuloy ang pagkakangisi niya. Alam niya kasing muntik na nitong makalimutang bumili ng regalo para kay Carissa. He knows her too much.
“What is your gift to me, Ate Gladys?”
And luckily Carissa asked about that.
“It’s a secret.” Pilit ang ngiti na sinabi ni Gladys.
“Oh… okay!”
“How about her?” Mataray na tinignan ni Gladys si Faith. “What is her gift to you?”
Natahimik naman si Faith. Lumungkot ang tingin nito kay Carissa bagama’t naroon pa rin ang pagkainosente.
Wala siyang magawa kundi ang mapabuntong-hininga.
“U-uh…” Sandaling tinignan ni Carissa si Faith bago muling nagbalik kay Gladys. “Hindi po siya prepared kasi kagabi niya lang nalaman na it’s my birthday today, but I asked her to attend my party to make me happy and I am happy na po roon kahit walang gift.”
Nagbaba pa ng paningin si Faith.
Samantalang hindi naman makapaniwala si Gladys dahil ini-expect nito na sa bagay na ito ay lalamang ito kay Faith. Gayunpaman ay ngumiti pa rin ito kay Carissa.
Nang matapos na silang kumain ay pinatawag na ni Breena ang waiter and she asked for the bill.
“Split the bill.” May ibinulong pa si Gladys sa waiter na kaagad din namang umalis.
Pagdating naman nito ay may dala na itong dalawang bill.
Umawang ang labi niya nang imbis na kay Breena ibigay ang other bill ay kay Faith iyon ibinigay ng waiter.
All along he thought that Gladys split the bill for Breena, pero ito pala ang plano nito?
He is more than disappointed about this.
He gritted his teeth in annoyance.
“Uh… Kuya.” Carissa called.
Maging ang bata naiintindihan ang nangyayari. Mas lalo lang siyang nainis.
“What is this?” he asked to Gladys.
Yumuko na rin si Breena.
“Why?” Nakangisi pa si Gladys. How childish. “I don’t remember that I include her?”
He licked his lips.
Matalim niyang tinignan ang waiter na naguguluhan na rin.
“Pagsamahin mo ang bill. I’ll pay.”
MAAYOS NA NAKAUWI SI FAITH kasama si Sebastian at Carissa kahit pa muntik nang magtalo si Gladys at Sebastian. Ayos lang naman sa kaniya iyon, pero kasi, wala naman siyang pera na ginagamit ng mga tao para mabayaran ang kinain niya.
Pakiramdam niya ay nahihiya siya sa nangyari kahit pa si Sebastian na ang umako ng lahat ng bayarin.
Magkahawak kamay sila ni Carissa nang pumasok sa kuwarto niya.
“I think Ate Gladys hates you…” Nakanguso ito nang umupo sa kama niya.
Malungkot siyang nagbaba siya ng paningin. “Pasensiya na Carissa, wala nga akong regalo sa’yo.”
“It doesn’t matter, Ate Faith.”
Hindi niya alam kung bakit nalulungkot siya na wala siyang regalo na maibibigay kay Carissa kahit na sinabi naman nito na ayos lang.
Nabuhayan siya nang may maisip.
“Bago ka matulog, ibibigay ko sa iyo ang regalo ko, Carissa.”
Noong una ay naguluhan pa si Carissa ngunit kaagad ring bumukas ang ngiti sa labi.
“You really have a gift for me? But how?” Naroon ang pagkasabik sa mga mata nito.
“Basta.” Ngumiti siya. “Happy Birthday, Carissa!”
Hindi naman siguro magagalit si Maestro sa kaniya, hindi ba? Gusto niya lang naman na mapasaya si Carissa.
MABIBIGAT ANG HAKBANG NI GLADYS nang pumasok sa loob ng kotse. Kasunod niya si Breena na ihahatid niya rin sa bahay nang mga ito para mag-ayos na rin at makadalo sa party ni Carissa.
She’s mad of how Sebastian saved that girl.
Yes, she’s evil for doing that. Nasobrahan lang talaga ang inis niya nang makita kung paano ito tratuhin ni Carissa.
“Why did you do that ba kasi?” It’s Breena. Mukhang ilang minuto pa nito iniisip kung itutuloy ba nito ang itatanong sa kaniya.
“Because I hate her presence,” she answered.
At paano bang naging bisita iyon ng Stepmother ni Sebastian? Iyon na lang ba ang kayang gawin ni Josie? Ang maging sakit ng ulo maging sa kaniya?
“You are not like that, Gladys.”
Inis niyang tinignan si Breena. “What? Do you pity her?”
Hindi kaagad nakasagot si Breena.
“I am disappointed,” she confessed.
Dahil roon ay natigilan siya. Mas nakakainis pa na hindi niya madipensahan ang sarili niya dahil tama si Breena, she don’t act like that.
“I feel like… mas lumayo ang loob sa’yo ng sister niya dahil sa ginawa mo.”
Kinuyom niya ang kamao niya habang diretso pa rin ang pagkakatingin sa unahang parte ng kotse.
“That’s not a good move, Gladys.”
Yes, she did embarrass Faith because she’s really jealous.
And she wants to get even.
Dahil sa kapatid pa lang nito pakiramdam niya ay talong-talo na siya. Sa tagal na nilang nagkakasama ni Carissa ay hindi niya man lang nakuha ang loob nito ng ganoon.
She envies her.
“Be genuine, Gladys. That’s a kid. See you later…” Huminto ang kotse at bumaba na roon si Breena. Hindi niya napansin na nasa subdivision na pala sila nito. She also felt her slight glance before Breena closed the door and before her driver started the engine again.
Nag-iwas siya ng paningin papunta sa bintana sa gilid niya.
Kanina niya pa itong nararamdaman, ngunit ayaw niyang ipahalata.
She’s really hurt.
Like she wanted to cry and she did.
Now hot tears from her eyes formed and dropped swiftly.
Kaagad niyang pinunasan iyon at pinigilan ang hikbi.