KUNG MAY HINDI MAN MAKAKALIMUTAN si Sebastian, iyon ay ang araw na nakilala niya si Ella at kung paano sila niya ito nakuha. Everything was just sweet and real. That day…
It was already seven years since he first saw her.
Parehas naman sila ng eskuwelahan, siguro dahil lang siya naman ‘yung tipo na walang pakialam sa paligid not until that day…
Lumabas siya sakay ng sundong kotse. Hindi pa siya lisensiyado, kaya naman kahit na gustong gusto niya na magkaroon ng sariling sasakyan ay hindi ibigay sa kaniya.
Maagang maaga pa nang ihatid siya ng driver niya, kaya naman t-in-ext niya na lang si Gio na hihintayin niya ito sa labas ng gate.
Habang naghihintay, nakita niya ang kaparehas niya ng uniporme na bumaba sa jeep.
Poor. Iyon kaagad ang unang pumasok sa utak niya. He didn’t know that his school accepts scholars now. It’s an elite and international school kasi.
But actually hindi naman mukhang mahirap ang babaeng iyon.
“Ella!” sinalubong ito ng isa pang estudyanteng babae. “Kanina pa kita hinihintay! Wala pa ako nung assignment natin sa Math, e! Turuan mo ko,” pagmamakaawa pa nito. “Baka umabot pa ako, please?”
“No problem, Dri. Tara na.”
He twisted his lips as he followed her through his stares.
“Seb!” si Gio. Para itong bata na hirap na hirap sa dalang bag. “Absent ka kahapon! Hindi mo tuloy alam na panlaban ako sa poster-making event ngayon sa school!”
Kumunot ang noo niya. Ni hindi niya alam na may program pala.
He was sick yesterday, kaya naman um-absent na lang siya.
“Hays,” tila pagod na pagod pang sinabi ni Gio. “Ikaw dapat ‘to e.”
Natatawa niya itong tinapik sa balikat at inakbayan para aakayin papasok sa gate. Natatawa siya na talagang bagsak ang balikat ni Gio.
“You can win this. Cheer up.” Sinubukan niya pang pagaanin ang loob nito.
Nagpatuloy sila sa paglalakad.
They are now on their 8th grade. Nakita niya kasing ang direksiyon na pupuntahan ni Ella, according to the girl who called her earlier, papunta ang mga ito sa building ng 8th graders. Kung ganoon halos parehas lang din pala sila ng building at ni minsan ay hindi niya man lang ito nakita?
“Do you know who she is?” he asked.
Mula naman sa pagkakayuko at pagkakabagsak ng balikat ay nag-angat ng tingin si Gio. “Saan?”
“The one who wears a white headband,” he described.
“Bakit?” Nagtataka pa siya nitong tinignan. “Crush mo?”
Crush? Ganoon ba iyon? Naagaw lang naman nito ang pansin niya, crush na ba iyon?
“I don’t know…”
“Ella Santiago ‘yan,” sabi pa ni Gio. “’Di mo talaga kilala? Nung grade seven tayo, over all top 1 natin ‘yan, ah.”
Napatango siya.
So that girl is smart?
Sabagay halata naman sa mukha nito.
Simula noon ay palagi niya na itong sinusundan. For him, her presence is addicting. He loves how she smiles to everyone, how kind she is and how cheerful.
“Bakit?” at isa pa, napakalambot at lambing ng boses nito.
At nitong araw na ito na siya nagkaroon ng lakas ng loob na magtapat rito.
And it still feels weird.
He is just a stranger. Natatakot siya na baka kung ano ang sabihin nito sa kaniya, ni hindi niya nga alam kung kilala siya nito.
Sandalai niya itong tinignan.
She’s still pretty, wearing a baby blue headband with a butterfly, her clothes are well ironed and she’s holding a pile of books in her hand.
“U-uhm…” Nag-init ang pisngi niya. Ito yata ang unang beses na kinabahan siya sa presensiya ng isang babae. Maging ang kamay niya sa kaniyang bulsa, pinagpapawisan na. Paano pa siya makikipagkamay rito?
“Okay ka lang ba?” Nawi-weirdo-han pa siya nitong tinignan mula ulo hanggang paa, matapos ay muling bumalik sa mukha niya.
Wala siyang magawa kundi ang mapakamot na lang tuloy sa batok niya.
“Villa Leonor ka?” Tinignan nito ang suot niyang I.D.
Nagulat siya nung una, pero napatango na lang rin siya.
“So…?” Ibinalik naman kaagad ni Ella ang una sana niyang sasabihin.
“I-I…” Hindi niya maintindihan kung bakit nahihirapan siyang ibuka ang bibig niya ngayon.
“Ano…?” and Ella was just looking at him innocently, encouraging him to talk.
“I t-think I like you…”
ILANG LUNOK NA YATA ANG NAGAWA ni Faith simula nang makasakay sila sa kotse ni Sebastian. Tama si Lili, talagang napaka yaman ng mga ito, bukod sa motor ay may kotse rin ito at sabi ni Carissa sa kaniya ay milyon-milyon raw ang halaga ng kotse na kinasasakyan nila. Hindi niya man alam kung gaano karami ang milyon ay sumang-ayon na lang siya kay Carissa nang ilarawan pa nito kung gaano raw iyon karami.
Samantalang ang ipinagtataka niya ay hindi galit sa kaniya si Sebastian, pero ang banta rin nito kanina ay mag-uusap sila mamaya. Hindi kaya mabait pa ito ngayon sa kaniya dahil mamaya kapag nakapag-usap na sila ay papalayasin na siya nito?
Naudlot tuloy ang tuwa niya nang si Sebastian ang mamili ng damit na susuotin niya.
“Maganda doon, Ate Faith!” si Carissa na ikuwinukuwento kung anong klaseng lugar ang pupuntahan nila. “May slides pa at madaming bola!”
Hindi rin nagtagal ay huminto na ang kotse. Nasa tapat na sila ng napakalawak na building. Maraming tao ang pumapasok at lumalabas sa loob.
Pinagbuksan sila ng pintuan ni Sebastian, nagtama pa ang mata nila nang buhatin nito si Carissa. Nag-iwas kaagad siya, dahil hindi niya kayang tagalan ang matalim na titig.
“Let’s go,” sabi pa nito.
Sumunod kaagad siya, baka uminit pa kasi ang ulo nito kung magbabagal siya sa pagkilos.
Nakaawang lang ang labi niya nang makapasok sa loob. Napakalawak at napakaliwanag.
“T-teka…” Nahinto siya sa tapat ng gumagalaw na hagdanan. Kulay itim iyon at may hawakan sa magkabila, ang isang hagdan ay paakyat kung saan tumungtong si Sebastian at ang isa naman ay pababa.
Naiwan tuloy siya sa baba.
Natatakot siyang umakyat roon.
“Kuya, si Ate Faith.” Kusang bumaba si Carissa mula sa pagkakabuhat sa rito ni Sebastian at tinuro siya rito.
Nakita niya pa ang pagsinghal ni Sebastian bago ito tumungtong sa hagdan na maghahatid rito papunta sa kaniya.
Hinintay niyang makarating ito sa puwesto niya.
Nadagdagan tuloy ang kaba niya. Baka kasi nadagdagan lang niya ang galit sa kaniya ni Sebastian.
Hindi ito nagsalita at hinawakan lang ang kamay niya. Nang hihilain na sana siya nito papunta sa gumagalaw na hagdanan ay pinigilan niya ito.
Natatakot siya.
“Listen…” anang nito sa kalmadong boses. “I’ll count sabay tayong aapak.”
Kahit na natatakot pa ay tumango na lang siya kay Sebastian.
May tiwala siya rito.
“Isa…” Humigpit ang hawak nito sa kamay niya. “Dalawa… tatlo.”
“Yey!” Masayang masaya si Carissa na sa wakas ay dala na siya ni Sebastian papunta roon.
Hindi naman siya makagalaw nang maayos dahil sa naging puwesto nila. Nakasandal siya sa hawakan niyon at nakatuon naman ang dalawang palad ni Sebastian sa magkabilang gilid niya sa kinasasandalan niya, tila sinisigurado na hindi siya mahuhulog.
Nang makaakyat ay kaagad siyang pumunta kay Carissa,
“Let’s go na, Kuya!” Sinenyasan pa nito si Sebastian na malayo ng konti sa kanila.
Hinila naman ni Carissa ang bestida niya, mukhang may nais sabihin.
Kaya naman para marinig niya ito ay bumaba siya.
“You look good together, Ate Faith,” bulong pa nito.
Hindi niya man masiyado naintindihan ang sinabi nito ay naiilang na lang siyang ngumiti kay Carissa na abot tenga ang ngiti sa kaniya, tatalon-talon pa ito.
Nakipag-usap pa si Sebastian sa staff raw na naroon sa entrance bago sila makapasok sa playground na request ni Carissa.
Manghang-mangha siya sa laki ng playground. Una pa nilang pinuntahan ni Carissa ay ang tatlong magkakadikit na mahabang slides na kulay pula, dilaw at asul.
“Carissa, be careful!” sabi pa ni Sebastian mula sa baba.
Hindi pa man sila nakakapagpadulas ay pinigilan na siya ng isa sa mga naka-uniporme na staff.
“Why po?” si Carissa ang nagtanong.
“Hindi siya puwede sa slides, baby girl, e.” Malambing na sabi ng staff. “Pero, Ma’am. Puwede ka po sa ibang activities na meron rito.”
Dahil roon ay napilitan na lang siyang bumaba kahit na ayaw ni Carissa. Sinabi niya na lang na aabangan niya ito sa dulo ng slides.
“Dito naman tayo, Ate Faith!” Hinila siya ni Carissa papunta sa maliit na maliit na bersiyon ng isang silid.
Umupo si Carissa sa kama at Isinenyas naman ni Carissa na maupo rin siya na kaagad niya namang sinunod.
“Kuya,” tawag nito kay Sebastian. “Take a picture of us, please?”
“Sure baby,” anang nito.
Nilabas ni Sebastian ang dalawang cellphone.
Hindi niya man naiintindihan kung ano iyon ay sinunod niya na lang ang sinabi ni Carissa.
“Let us see!” Kinuha ni Carissa ang cellphone mula sa tahimik na si Sebastian at ipinakita sa kaniya ang naroon.
Muli na naman siyang namangha.
Habang nagtitingin sila ng mga kuhang litrato ni Sebastian nang makalabas sa playground ay kusa silang nahinto nang huminto rin ang nagmamay-ari ng itim na sapatos sa harapan nila.
Nanlaki ang mata niya nang makitang pamilyar ito pati ang babaeng kasama nito.
Hindi ba’t ito ang girlfriend ni Sebastian.
Napaatras siya sa masamang pagkakatingin nito sa kaniya bago iyon lumipat kay Sebastian na nasa likuran nila.
“Hello, Ate Gladys!” Pilit na ngumiti si Carissa dito.
“Hi, Carissa.” Bumaba ito para makipag-beso kay Carissa.
“You are here rin pala po?” tanong pa nito.
Ngumiti si Gladys kay Carissa. Ito yata ang unang beses na nakita niyang ngumiti ito. Sabagay, isang beses niya pa lang naman itong nakikita simula ng bumaba siya sa lupa.
Isang beses pa nga lang ba.
“Yes, I am here for something and I saw you and your Kuya… with this girl?” Tinignan pa siya nito mula ulo hanggang paa.
“Her name is Ate Faith po. She’s my Mom’s guest.”
Umangat ang kilay ni Gladys sa kaniya. “Oh… Your Mom’s guest. Interesting.”
“What are you doing here?” Mukhang madami pa sanang gustong sabihin si Gladys kung hindi lang nagsalita si Sebastian.
“I already said it.” Luminga ito sa paligid at hinawi ang buhok sa harapan. Ang ganda palang talaga ng girlfriend ni Sebastian. Matangkad pa ito at maputing-maputi. Nakaramdam tuloy siya ng paghanga rito. “Because I already saw you and Carissa here, can we just grab our lunch together?” Tinignan siya nito. “My treat.”