[30] White Dress

1926 Words
SABADO, BIRTHDAY NG KAPATID NI Sebastian. Busy si Gladys sa school at busy siya sa kakaisip ng mga problema at kahihiyan na binibigay ni Sebastian sa kaniya. Now she’s in a kid’s toy store inside a mall. Hanggang ngayon ay wala pa rin siyang maisip na iregalo kay Carissa. Ano ba ang laruan na babagay sa isang batang babae. They are already rich, ano pa ba ang puwedeng iregalo rito? May ilang oras pa siya para mag-isip. Umaga pa naman at mamayang gabi pa ang birthday party. Sa mansion ng mga Villa Leonor ang venue. They have an hectare garden for the venue kung masama naman ang panahon ay may sariling covered court ang mga ito. “What if… bigyan mo na lang si Carissa ng cute na tent na ‘to?” Tinuro ni Breena sa kaniya ang kulay pink na tent na naka-set-up sa gilid ng store. Muntik niya nang makalimutan na kasama niya ito. Pinuntahan niya naman iyon at tinignan. Not a tent. Definitely not a tent. She hates how she remembers something. “What do you think?” ulit pa ni Breena. “It’s ugly.” She rolled her eyes and turned her back for that. Instead she grabbed called a staff and pointed the bike. “I’ll buy that,” she said. Tumango naman ang staff na iyon. “Iuuwi niyo na po ba o ide-deliver?” “Paki-deliver,” she said. “Today.” After filling up some details, specifically her address umalis na sila sa store na iyon. She doesn’t want to go home yet, kaya naman inaya niya na lang si Breena na mag-shopping. While looking at a cute lavender dress, someone stopped behind her. Malayo ang damit na tinitignan ni Breena na nakikita niya sa harapan niya at nakatalikod pa sa kaniya kaya naman sigurado siyang hindi ito ang nasa likuran niya at nang lingunin niya kung sino iyon? It was Arianne with three of her friends. “What,” she asked. Hindi niya nagustuhan ang paraan nito nang pagtingin sa kaniya. “I saw you, kaya nilapitan kita.” Kunwari pa nitong ini-examine ang kuko nang nakanguso. Is she here to annoy her? Hindi pa ba ito nakontento sa sampal na ibinigay niya rito nang nakaraan lang? “Of course you only went here because of me. Bet you even can’t afford the cheapest dress in this store to be here for yourself purposely.” Ngumisi siya. Kaagad namang nagbago ang ekspresiyon ni Arianne nang dahil sa sinabi niya. Sandali niyang nilingon ang gawi ni Breena. Nakatingin na ito ngayon sa kanila, ngunit tila walang balak na lumapit. Maybe it’s still about the incident in the canteen. “Teka naman.” Iniharang pa ni Arianne ang palad nito sa kaniya. “Nandito ako para magmagandang loob, Gladys. Ang rude mo naman kaagad!” Kunwari pang nasasaktan si Arianne at sumang-ayon naman rito ang mga kaibigan nito na nakapila pa rin sa likuran nito. They sound too annoying. Inis siyang nag-iwas ng paningin sa mga ito. “Alam mo kasi, akala ko magkasama kayo ni Sebastian here sa mall, pero hindi pala?” Awtomatikong nagsalubong ang kilay niya sa narinig. “What do you mean?” tanong niya. “Uh…” kunwari pa nitong tinabingi ang ulo. “Oh my? So we are right nga? Hindi kayo magkasama? Kasi I saw him sa entrance…” Unti-unting umangat ang sulok ng labi nito kasabay ng paghakbang nito papalapit sa kaniya para bulungan siya. “…with a pretty girl. May kasama pang bata.” Nanlamig siya matapos manuot ng mga sinabi ni Arianne sa tenga niya. Angat kilay pa nitong kinulot ang buhok, naroon ang mapang-asar na ngiti. “Think we have to go na,” sabi pa nito. “Goodbye, Gladys. Pakipaalam na rin ako sa duwag mong kaibigan. Let’s go.” Isa-isa pa siyang tinignan ng mga kasama nito bago siya tuluyang talikuran. Nang makaalis naman ang mga ito ay naramdaman niya kaagad ang paglapit sa kaniya ni Breena. “Is there a problem? Anong sinabi nila?” tanong pa nito. Samantalang hindi siya makagalaw sa inis at galit na nararamdaman. She doesn’t care if he is seeing another girl, but in a public place like this? She couldn’t help, but to feel really mad about it. SEBASTIAN WOKE UP EARLY. Makalimutan niya na ang lahat ‘wag lang ang birthday ni Carissa. At talagang magtatampo ito kapag hindi siya gumising ng maaga para batiin ito. Kaya kahit may hang-over pa ay pinilit niyang bumangon nang maaga. Actually, he is surprised that Carissa didn’t wake him up when the head mistress said that she’s already awake. Sanay kasi siya na tuwing may occasion ay gigisingin siya ni Carissa. Ginugusto niya lang naman na mag-celebrate kapag si Carissa ang nagre-request. Now he’s walking towards the room that Edna pointed. Hindi niya alam na may bisita pala si Josie. “Carissa-“ Nahinto siya sa pagtawag rito nang makita niya ang babae na nasa likuran nito. “Oh, Kuya you are here na? I was about to go to your room with Ate Faith, e. Pero ayaw niya sana kasi scared daw siya sa’yo.” Halos mahina na sa pandinig niya ang boses ni Carissa dahil ang focus niya lang ay nasa babaeng kaharap niya na takot na takot na nakatingin sa kaniya, papunta na sa pag-iyak. Habang siya ay nagulat rin nang makita ito sa pamamahay niya matapos niyang hanapin ito. Nang maramdaman niya ang pagtataka ni Carissa ay kaagad siyang lumuhod rito para halikan ito sa pisngi at batiin. “Happy birthday, Carissa.” “Thank you, Kuya!” Niyakap siya nito, nagpapabuhat. Binuhat niya naman si Carissa. Sandaling dumapo ang paningin niya kay Faith na kaagad napayuko, pinaglalaruan ang daliri sa kaba. “Where do you want to go today before the party?” he asked. “Playground!” tukoy nito sa playground na nakikita sa mall. “Okay, what else?” “And treat us food!” sabi pa nito. Nagsalubong naman ang kilay niya nang may tukuyin pa itong iba. “Can Ate Faith come with us?” Pinagdikit nito ang dalawang palad. “Please? Gusto ko siya kasama.” He bit his lips. He can’t believe that she also got Carissa. Pati loob ng kapatid niya ay nakuha nito. Sandali niyang tinignan si Faith. “She can come, if she wants to.” Pagkasabi niya pa lang niyon ay kaagad nang lumundag sa bisig niya si Carissa para puntahan si Faith. Bngayon ay hila-hila na nito ang kamay nito. “You heard him, right? My Kuya is nice! Sama ka na, Ate Faith!” Lumingon lingon sa paligid si Carissa. “Wait here, okay? I’ll ask my Mom for a nice dress for you. Thank you, Kuya!” Nag-flying-kiss pa ito sa kaniya bago palundag-lundag na lumabas sa kuwarto. Marahas siyang napabuntong-hininga nang sila na lang ni Faith ang maiwan sa kuwarto. Hanggang ngayon ay hindi ito makatingin nang diretso sa kaniya. Nakapamulsa sa pambahay na shorts ay nilapitan niya ito na nakatayo sa tapat ng gilid ng kama. Sa tingin niya ay mukhang kagigising lang nito. Hindi niya inalis ang matalim niyang tingin nito. Tipid siyang ngumisi. He looked everywhere for her, nilunok niya pa ang pride niya para harapin si Constantine at ngayon ay nasa bahay lang pala nila ito. “M-maniwala ka… hindi ko alam na nanay mo si Ate Josie.” Bigo itong tumungo nang subukan siyang tignan. “Hindi ko siya nanay,” matigas niyang ani. Bumukas pa ang gulat nito sa mukha, pero hindi na rin nagsalita bagkus ay lalong yumuko. “Ate Faith!” papunta pa lang ay dinig na ang boses ni Carissa. “We’ll talk later,” banta niya pa. Hinarap niya naman ang pintuan at hinintay ang pagpasok ni Carissa, kasunod na pala nito si Josie na may dalawang limang dress at isa-isang nilapag sa kama. “Carissa asked me for a dress, pero madami ako nadala para madami kang pagpilian, anak.” Napasipol na lang siya sa hangin. Ganito ba talaga ang mga babae? Pumasok na rin sa kuwarto si Edna, balak sigurong makiusyoso. Wala siyang nagawa kundi ang sumandal sa cabinet na naroroon at panooring magpasiya ang mga ito kung ano ang susuotin. “The pink one is cute, Mom!” suhestiyon ni Carissa. Para sa kaniya, masiyadong pambata iyon. “Uh… maybe this is too childish, Carissa.” See? Tama siya. Who’s lady would wear a dress with a big ribbon? “What about this?” Josie picked up the black dress from the bed. “Ay, no. Mukhang mas maganda kung mamayang gabi mo ‘to susuotin sa party. Ito kaya, Anak?” Kinuha nito ang kulay pula na dress at napaka ikli niyon sa paningin niya. “Not those,” pigil niya. Taka naman siyang tinignan nang mga ito. “Ha?” si Josie. As if he really wanted to talk to her. “Bagay ito kay Faith, Sebastian oh!” “No,” he objected. “That’s too sexy.” Hindi kaagad nakapagsalita ang mga ito. Dahil roon ay umalis siya sa kinasasandalan at nakapamulsang lumapit sa mga damit na nakalatag roon. Kinuha niya ang kulay puting bestida. White suits her better. The reason why he bought white dresses for her when he moved them in the apartment. Walang imik niyang binigay iyon kay Faith at payakap naman nitong sinalo ang damit nang bitawan niya kaagad. Hindi niya na hinayaang magtagal siya sa loob dahil iba na ang aura at pagkakangisi ng mga naroon. Tila kinakantiyawan sila sa isip. “Naku, anong elemento meron ka at si Sir pa ang napapili mo ng damit mo?” dinig niya pang sinabi ni Edna. “Ano ka ba, Edna. Walang elemento. Iba lang talaga ang batang ito. Lahat napapaamo.” Tumawa pa si Josie. Nahihinuha niyang naiiling na lang ngayon si Manang Edna. “But Kuya picked the right dress for her!” si Carissa. “It’s so bagay!” Napangisi siya at napabulong sa sarili. “I know right, baby.” Hinintay niyang matapos ang dalawa sa pag-aayos. He’s now sitting on the couch, browsing his phone. There are some messages from Gio, Malik and Javin. Karamihan ay about sa party mamaya at ang ilan naman sa laman ng texts ni Gio ay about sa plates na gagawin. Nakakapagtaka na walang texts sa kaniya si Gladys. Kahit noong nakaraan pa. Maybe it’s because of the incident in the canteen. “I’m excited na!” dinig niya na ang boses ni Carissa. Mukhang papunta na ang dalawa sa sala. “Oh my gosh,” anang pa nito. “You really look an angel, Ate Faith.” “Ahh,” si Edna. “Baka kaya din Faith ang pangalan mo ‘no?” Nakitawa naman si Josie na nasa kusina. “Tara na, Kuya!” Hindi niya na napansin na nasa harapan niya na si Carissa na hawak ang kamay ni Faith. It really suits her, the white flowy dress and a white flats. Nanibago rin siya na naka-pearl hairpins din ito. Almost an angel. A weird angel perhaps. Naningkit ang mata niya sa maamo at inosenteng mukha ni Faith. But what if… “Angels are real, Seb. They are just around us, guiding and guarding us. Have faith and you’ll see.” Now he is hearing Ella’s voice in his mind again. “They must be hidden or just right beside us… Don’t you really believe in them?” Ang he still remembers what he answered. “No.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD