[29] Too Unlucky

1985 Words
JAVIN RECOVERED FROM HIS INJURY after that incident. Ilang araw din siyang pumasok. Nang gumaling naman siya ay hindi rin siya maka-attend sa mga klase niya dahil busy ang schedule niya. Yes, because he accepted STRTV’s offer for an interview and it was scheduled this day. Habang inaayusan siya ng staff sa kuwartong inilaan para sa kaniya, nasa likod niya si Consteza na bini-brief siya sa mga mangyayari mamaya sa show. “That’s all?” tanong niya. “Yes, iyon lang ang sabi ng writers ng show.” Naging komportable siya kahit papaano na maayos naman ang mga itatanong sa kaniya. Isa rin kasi sa rason kaya ayaw niyang tanggapin ang offer na ito ay dahil hindi niya gusto ang reputasiyon ng show. The questions are informal and it was a live studio interview, baka kung ano pa ang maisagot niya sa tanong kapag hindi niya iyon nagustuhan. “Standby lang po for five minutes and we’re airing again after two commercials.” Umupo siya sa single couch na nakalaan para sa kaniya, kaharap niya naman ang couch na para sa interviewer na tinatawag nilang “Win”. He is a gay comedian and very popular these days. Ngumiti kaagad sa kaniya si Win matapos niyang umupo. Kaka-air lang kanina ng introduction nito para sa show kaya naman ngayon lang sila nagkita, hindi rin kasi ito pumunta sa dressing room niya kanina. Sa suot kasi nito ngayon, talagang hindi na ito mag-a-aksaya ng oras para lang batiin siya dahil mukhang kinakailangan nang maraming oras para sa pag-a-ayos nito. He doesn’t care though. He is here for the benefits that this interview will give him. “We’re airing in three… two… one…” the floor director said. “Welcome to the show, Javin Irazga.” Nakangiti nitong sinabi. “Thank you for having me here.” Ngumiti rin siya. “Well everyone is anticipating for you to be here, to know you more. Lalong-lalo na ang mga fans mo! You are the most requested to be in this show, kaso nga lang ay mailap ka raw. And I believe, sa tagal mong naging artista, ito pa lang ang unang beses na magpapa-interview ka sa aming network.” Tumango siya. “Well, maybe it’s because of my busy schedule.” “Talking about your schedule, ano ba ang pinagkakaabalahan mo sa buhay bukod sa pag-a-artista?” “I am a student at Saint Paul’s University.” “And you are a fourth year student na, right?” “Yes,” he replied. “Konting kembot na lang pala at ga-graduate ka na? I mean, wala ka bang ibang pinagkakaabalahan bukod sa studies? What was your inspiration for living every day for every success that you gets?” Nag-iiba na ang pakiramdam niya dahil unti-unti nang nag-iiba ang ihip ng interview, but he chose to keep replying dahil kasama pa naman ito sa in-orient sa kaniya. Umasta siyang nag-iisip. He doesn’t have an inspiration. What he has was grudges to keep going in life and of course he can’t say that. “Inspiration!” ulit pa ni Win, just so the interview won’t create dead air. “Puwedeng ano ‘yan, sa pamilya or maybe do you have a certain someone? Maybe a girl? Hindi naman masama, right? I mean your fans are very understanding and loyal to you naman. Wala ka rin namang love-team sa ngayon. It won’t sound bad naman if you have a certain girl to be your inspiration outside the industry, right?” Talagang pilit siya nitong pinapasagot. All that he can do was to laugh. Tawa na hindi halatang naiilang. “I have someone from the past that was very special to me.” Umingay ang ilang nanonood sa studio at hindi na rin napigilan ni Win na mag-react na talagang naiintriga. “Hmm. I wanted to ask more about that. Kaso let’s leave it na lang as it is. Maganda ‘yung mga tipong misteryoso para marami pa kaming mas abangan sa’yo, dahil sigurado akong dadami pa ang projects mo soon.” Tipid siyang natawa. “Dahil napag-usapan na nga lang rin natin ang someone from your past, nakaka-intriga rin namang itanong ‘no, pero nagka-girlfriend na ba ang isang Javin Irazga?” Hindi kaagad pumasok ang tanong na iyon sa utak niya, but when it does, he started to feel numb. Wala ito sa in-orient sa kaniya or does it means that this question was under some personal questions that the writers requested? Nag-iba ang ngiti niya. More like still his smile, but way sharper. Kahit malayo si Conteza sa kaniya ay nararamdaman niyang nag-aalala na ito sa ire-response niya. This is one of his sensitive spots. Pinipilit naman panatilihin ni Win ang ngiti sa kaniya, nag-aabang sa isasagot niya. “Of course…” he finally answered. Kaagad namang namilog ang labi ni Win. “Madami ba?” “Only one.” He gritted his teeth. “Oh my, what a lucky girl!” Napangisi siya. So they think she is lucky? No, that girl considers herself unlucky for having him before. “Don’t ever beg for me again! You are nothing, but a failure. If you wanted me to be successful then let me go, please.” And he is hearing that voice again, that words that broke his heart. UMAWANG NA LANG ANG LABI ni Sebastian matapos niyang halughugin ang buong apartment at wala na naman doon si Faith. Sa pagkakatanda niya ay sinabihan niya itong huwag na lalabas. What was she thinking?! “Nakaalis na ang mga bata?” It was the landlady. “Aba’y umakyat ako para i-lock na itong apartment. Awtomatikong nagsalubong ang kilay niya. Nang makita naman ng landlady na naguguluhan siya ay Napakamot na lang ito sa leeg nito. “Aba, ‘eto kasi.” PInakita nito ang duplicate key ng apartment. “Ibinalik na ‘to sa’kin ni Faith dahil ang sabi niya umalis na ang mga bata at bawal na raw siya diyan. Magtatanong lang naman ako, hijo, pero hindi mo ba iyon kaano-ano o kaya naman ay kaibigan kaya mo pinaalis? Napakalungkot ni Faith ng umalis, e. May mga dala pang papeles. Tingin ko ay hindi na iyon Babalik.” He licked his lips in frustration. “If she came back, let her in. I will pay for her stay here.” Pagkasakay niya sa motor ay kaagad niyang pinaharurot iyon. Damn. Why does he feel so obligated about that girl? Hindi niya naman kilala ito, hindi kaano-ano. He balled his fist when he rang Constantine’s doorbell. Uwian naman nila at nasa loob naman ito panigurado. It’s just that he feels nervous for something. Hindi rin naman nagtagal at pinagbuksan siya nito ng pintuan. Gamit ang malamig na pares ng mga ay tinignan pa siya nito mula ulo hanggang paa. Sinilip niya kaagad ang loob ng condo nito. “What are you doing here?” diretsa nito sa kaniya. Nakapamulsa siyang tumikhim. Baka kasi kapag sinabi niyang nawawala na naman ang babaeng iyon, pag-isipan na naman siya nang masama nito. “Is she inside?” he asked. Nagsalubong kaagad ang kilay nito. “Who’s she?” He rolled his eyes. “Faith. Is she inside?” “Why are you looking for her-“ “Guess she isn’t here, aalis na ako.” He was about to turn his back. Ayaw niyang magtatanong pa ito, dahil sa tono pa lang nito pakiramdam niya na’y pinagmumukha na siya kaagad nitong masama. “If she’s missing then you don’t have to look for her now.” Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. Hindi niya maintindihan. Bakit hindi? At bakit din naman oo? Bakit nga ba hinahanap niya pa ito. “As far as I remember you told her to stay away from you after something.” Mukhang narinig pa siya nito nang hapon na iyon. “So why are you looking for her when you wanted her out of your sight?” dugtong pa nito. He doesn’t understand why he’s now trying to feel annoyed. Dahil ba sa sinsisisi siya nito o dahil hindi niya maamin sa sarili niya na kasalanan niya pala kaya nawala ito. How could he forget, siya nga pala ang nag-utos rito na mawala na sa buhay niya. After that, he went home. Madilim na nang makauwi siya dahil nanggaling pa siya sa bar ni Malik. Ilang araw rin pala nang huli niyang inom doon. Nang manawa ay nagpasiya na siyang umuwi. It’s just weird to feel this kind of atmosphere. He was about to gone upstairs when he saw a figure of a young lady walking down. Madilim sa paligid. There are only dim lights to light the space, but he can say that this figure isn’t familiar. Who is this? Nag-hire ba nang bagong katulong si Josie? Hindi niya naman sana ito pipigilan kung hindi niya lang nakitang tila sinasadya nitong itago ang mukha. She’s even avoiding eye contact with him. Dahil roon ay hinawakan niya na ito sa braso para tanungin. “Wait…” Dinungaw niya pa ang mukha nito. Lalo lamang yumuko ang babae. “Hindi pa kita nakikita sa bahay namin. Are you a new maid here?” he asked. Tumango ito kaagad matapos siguro mabigla sa ginawa niya. He felt dizzy. Ngayon lang yata siya tinamaan ng alak na ininom niya. Kaya naman wala na siyang oras para rito. Binitgawan niya ang braso nito at nagpasiya nang pumasok sa kuwarto niya para magpahinga na at matulog, pero nang mga oras na iyon, ayaw niyan mang aminin ay iniisip niya kung nasqaan na si Faith. Lalo pa’t mukha itong walang alam sa mundo. NAALIMPUNGATAN SI FAITH MULA sa mahimbing na pagkakatulong nang maramdaman niya ang lumulundag sa kama. Hindi niya rin naman kasi namalayang nakatulog siya kahit pa paulit ulit niyang iniisip na nakatira si Sebastian sa mala-palasiyong bahay na ito. “Ate Faith, gising ka na please! It’s my birthday na, e!” Balak niya pa sanang mag-isip na umalis na sa bahay na ito, pero ngayon pa lang ay ipinapaalala na ni Carissa na ngayon na ang kaarawan nito at nangako siyang mananatili siya rito para makasama siya nito para sa selebrasiyon ng kaarawan. “C-carissa…” sabi niya pa. “Batiin mo ako, Ate Faith.” Tumayo siya mula sa pagkakaupo. “Paano ba bumabati sa birthday?” Ngumuso ito. “Pati na ‘yon, hindi mo alam? E ‘di, happy birthday!” “Happy birthday, Carissa,” bati niya. Ngayon niya lang napansin na maganda ang pagkakatirintas nito sa buhok at maganda ang kulay asul na bestida. “Thank you.” Umakap pa ito sa kaniya bago siya hinila sa kamay. “Get up. Samahan mo akong magpabati kay Kuya. Sabi ni Mommy, umuwi na raw si Kuya kagabi. And you know what? He also promised me to be here on my birthday. Kaya tara na!” “A-ah… ano.” Pinigilan niya ang paghila sa kaniya ni Carissa. “Bakit?” Inosente siya nitong tiningala nang makatayo siya. “H-hindi kami magkakilala ng Kuya mo, Carissa.” “Kaya nga isasama kita. Para ma-meet mo na rin ang Kuya ko.” Nag-isip siya nang maaring idahilan. “Hindi ba’t ang sabi mo, masungit ang Kuya mo. Natatakot ako, Carissa.” At talaga namang natatakot siya. Hindi niya na maisip kung gaano kasama ang ibubungad nito. Nasa kalagitnaan siya nang pagkumbinsi kay Carissa nang marinig ang pamilyar na boses. “Where’s Carissa?” At alam na alam niya kung kaninang boses iyon! “Nasa kuwarto po ng bisita no Ma’am Josie, Sir. Doon lang po sa kuwartong iyan.” Ang boses na iyon naman ay galing sa mayordoma. “She has a guest?” tanong pa nito. “Opo, e.” Hindi niya na narinig ang boses ni Sebastian, pero nang marinig niya ang hakbang nito ay kaagad siyang nataranta. Papunta na si Sebastian sa kuwarto niya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD