NAROON ANG PANGAMBA SA mukha ng anghel na taga-pamalita nang bumaba sa gusali ni Anghel Gabriel.
"Kumikilos na ang itim na enerhiya, Maestro."
Pinanood nila mula sa marmol na sisidlan ng tubig si Faith. Kasama nito ang batang nakilala sa lupa, umiiyak, natatakot at inaalo nito.
"Hayaan mo ang itim na enerhiya," buo ang loob niyang sinabi.
"Nakakasigurado po ba kayo, Maestro? Nababahala ako sa maaaring mangyari sa Munting Anghel kung magpapatuloy ang koneksiyon nila."
Sandali siyang natahimik.
"Mas mababahala ako kung mawawala sa paningin natin ang itim enerhiya at sa mortal na tao magmasid. Kakayanin ito ni Faith. Magtiwala tayo sa kaniya."
HINATID SILA NI SEBASTIAN sa barong-barong nila Lili. Pinanood niya pa ang pagmamasid nito sa munting tahanan ng dalawang magkapatid habang si Lili ay unti-unti nang tumatahan sa kandungan ni Faith.
"Maraming salamat, Kuyang Pogi," ika pa ni Lili kay Sebastian. "Kung wala ka roon, baka nakulong na ako o kinuha nila. Hindi ko puwedeng iwan ang kapatid ko."
Dumapo ang paningin ni Sebastian sa kapatid ni Lili. Hindi niya mabasa ang iniisip nito ngayon. Nakakunot na naman kasi ang noo nito.
"Hindi ko rin alam kung paano ka mababayaran, Kuya."
Umiling si Sebastian. "Don't think about it anymore. Just be careful next time."
"Salamat, Sebastian. Sinasabi ko na nga bang mabuti ka-"
Hindi pa man siya tapos magsalita ay pinutol na siya nito. "It's not safe for them to stay here."
Nagkatinginan sila ni Lili, parehas na naguguluhan.
"Wala naman kaming ibang kamag-anak, Kuyang Pogi."
Natahimik si Sebastian, tila nag-iisip.
Kinuha niya ang oras na iyon para tanungin si Lili tungkol sa nangyari. Habang naguusap ay lumapit si Sebastian sa kanila.
"I'll find them a poster-parent."
"P-poster parent?" sabay nilang itinanong ni Lili.
"Kailangan niyo ng magulang, dahil parehas pa kayong bata ng kapatid mo. I know you are scared, but I promise to pick the right parent for the both of you. Think of this for the own good of your little sister and trust me."
Hindi niya man gaano naiintindihan ang sinasabi ni Sebastian, nararamdaman niya kung gaano nito inaalala ang magkapatid.
Alam niyang lahat ng tao, hindi man perpekto ay may kabutihan na tinataglay.
Ngayon ay nasasaksihan niya ito.
Nagtama ang mata nila ni Sebastian. Inismiran lang siya nito at nagbalik ng paningin kay Lili, ngunit nanatili pa rin ang sinseryo niyang pagkakangiti rito.
Sandali nitong sinilip ang hawak na cellphone.
Nakasunod naman ang paningin niya roon.
"Come with me," ani nito sa kanilang tatlo.
BREENA BIT HER LIP AS SHE went out from her car. Nakaalis na si Gladys, nagmamadali kasi ito dahil may dinner pa na pupuntahan. The reason why she went out from her car is because she wants to offer Emerald for a ride.
Na-late ito sa paglabas dahil inutusan pa ng isa sa mga profs nila na mag-check ng papers sa quiz nila kanina. Hindi lang naman si Gladys ang palaging nag-uutos rito, maging ilan sa profs nila na kapag tinatamad, kay Emerald pinapasa ang gawain.
Gulat naman ito nang mag-angat ng paningin sa kaniya. Mukhang wala ito sa sarili, hawak ang dalawang strap ng bag.
"Pupunta ka ba ulit sa convenient store?" she asked.
Nagtagal ang titig sa kaniya ni Emerald.
"If you will, then sabay ka na sa akin-"
"Hindi na."
Of course, nagulat siya nang tanggihan siya nito. Hindi naman kasi siya usually tinatanggihan ni Emerald at sa ganitong attitude pa.
"It will cost you money if magko-commute ka pa-"
"Maglalakad na lang ako, Ms. Breena." Ni hindi man lang ito ngumingiti sa kaniya.
Kanina pa lang ay napansin niya na ang kakaiba nitong awra nang bumalik sa room matapos utusan ni Gladys.
She's worried.
Hindi na nito hinintay ang sagot niya at nauna nang maglakad. Nakatungo pa rin, hawak ang magkabilang strap ng bag.
Wala siyang nagawa kundi pumasok sa loob ng kotse.
"Ayaw ni Emerald, Ma'am?" her driver asked.
Tumango siya. Hindi niya alam kung bakit masakit ang nararamdaman niya ngayon.
"Layo naman ng convenient store kung lalakarin niya," komento pa nito.
Napabuntong-hininga na lang siya. "Can we follow her?"
Hindi kasi siya mapakali.
Sinunod naman siya ng driver at ngayon ay pasimple na nilang sinusundan si Emerald.
Emerald might be poor, but she is really pretty. Maputing maputi ito, tila alagang-alaga. Hindi niya nga lang alam kung anong klaseng pamilya ang meron si Emerald, basta ang alam niya, mahirap ito dahil scholar lang ito sa eskuwelahan nila.
Pinanood niya ang paglakad nito mula sa bintana ng kaniyang kotse, mukhang hindi naman sila napansin hanggang marating na nila ang convenient store na kinakainan ni Emerald.
Hindi niya kasi maaya ito na kumain minsan sa labas, pagkatapos ng klase. Kasi sa totoo lang, takot siyang ma-reject. Hindi niya gusto ang pakiramdam, kagaya na lang ngayon.
"Ihinto mo," she commanded.
Sumunod naman kaagad ang driver niya at hininto nga ang kotse.
Ngayon ay napapanood niya ang pagpasok ni Emerald sa loob. Kagaya ng dati, kumuha na naman ito ng cup noodles at tinapay.
She sighed again.
Nagbago lang ang nararamdaman niya nang makita ang pagtigil ng motor ng pamilyar na estudyante sa tapat ng convenient store.
Naka-uniform ito ng school nila.
"Javin?" she uttered.
Nang alisin nito ang suot na helmet, doon niya nakilala ang lalaki. Isa ito sa mga kaibigan ni Sebastian, Javin Irazga. He is a known celebrity in his generation, may mga projects na dahilan kung bakit ito nakilala, pero sa pagkakaalam niya, hindi pa ito nakakakuha ng big project na ito ang lead.
She felt weird after seeing someone like him to stop by the convenient store.
Napaalis siya sa pagkakasandal nang makitang huminto ito sa tapat ni Emerald na naguumpisa nang kumain sa tables and chairs na nasa labas ng store.
Why would he approach Emerald?
Magkakilala ba ang dalawa?
She doesn’t get it, but there's something inside her that made her feel mad about it. Her heart beats rapidly right now.
NAHINTO SA PAGKAIN SI Emerald nang maramdaman ang paghinto ng bulto sa kaniyang harapan.
Awtomatikong sumama ang tingin niya nang makitang si Javin ito. Bakit naman siya sinundan pa nito? Para magpaliwanag? Para namang importante siya para suyuin.
Ibinaba niya ang hawak na kutsara para sa cup noodles na binili niya sa loob ng convenient store na nasa tapat nila ngayon.
"You're eating that again," sinabi nito iyon na tila ba bawal siyang kumain ng cup noodles.
Hindi niya alam kung bakit gusto niyang matawa ng sarkastiko. Umaakto kasi itong nag-aalala sa kaniya matapos nitong sabihin ang sinabi kanina.
Totoong kailangan niya ng pera, pero hindi niya naman gustong nagpapatapak lang sa kagaya ni Gladys, sa kagaya na rin nito, pareparehas lang naman sila. Kung may pagpipilian lang naman siya, pero wala…
"Anong ginagawa mo rito?" Hindi na siya nagdalawang-isip na magtanong.
"You are not eating healthy,” sabi pa nito.
Nag-iwas siya ng paningin, nanatili ang galit na ekspresiyon. Hindi niya makuha kung bakit ganito ang mga mayayaman, umaastang sila ang batas, pati pagkain niya, pinapakialaman.
"Umalis ka na."
Naramdaman niya kung paano itong natigilan sa sinabi niya.
Unti-unti niya itong hinarap. "Hindi mo ako kilala at hindi rin kita kilala. Kaya 'wag kang umakto na magkaibigan tayo. Hindi ako sanay na nakikitang nagsisisi ang mga kagaya niyo matapos magmaliit ng kapwa."
She saw from her peripheral vision how Javin licked his lips.
"Hindi ko sinasadya-"
"Hindi mo sinasadya kasi nananalaytay na ang ganoong ugali sa dugo ninyong mayayaman." Huminga siya ng malalim. "Pakiusap, umalis ka na."
Napako ito sa kinatatayuan. Hindi makapaniwala marahil kung paano niyang diretsang nasasabi iyon, bagay na hindi niya magawa kay Gladys.
How she wished, but she can't. Kayang-kaya siyang burahin ni Gladys sa Maynila kung gugustuhin nito; walang puso.
Imbis na umalis ay pumasok pa ito sa loob ng convenient store.
Awang ang labi niyang pinanood ang pagkuha nito ng eksaktong pagkain na binili niya.
Walang paalam itong umupo sa upuan na katapat niya sa table niya at hinanda ang mga binili.
Hindi siya makapaniwala sa ginawa nito.
"Anong akto 'yan?" sarkastiko niyang tinanong.
"Para hindi mo maramdamang magkaiba tayo. Para hindi ka mahirapang patawarin ako."
Nagtagal ang paningin niya kay Javin na kaswal nang kumakain ng tinapay na kagaya nang sa kaniya.
Hindi niya maipaliwanag ang t***k ng puso niya. Ang artistang si Javin ba talaga ang kaharap niya?
She never expected for this to happen. This is also the first time that she felt that someone from their school is sincerely sorry because of what they did to her that caused her pain.
SEBASTIAN BROUGHT THE KIDS and Faith to an apartment near the city. Pansamantala niyang papatirahin doon ang magkapatid hanggang sa makahanap siya ng mga aampon sa dalawa.
Hindi naman siya marunong magmalasakit, hindi niya rin alam kung bakit ginagawa niya ito.
"This is just for temporary and for your safety until I find your poster-parent."
He bought clothes for them to wear and food to eat.
Now she is looking at Faith who looks so happy for the kids.
Maybe he acted this way... because of how Faith sees the kids in when they just met, iyon ang pagkakatanda niya sa sinabi ni Lili kahapon.
To see how Faith also cried when they are in the police station pushed him to do something.
Is something like that really happens, na kahit hindi pa lubos na magkakilala, nagkakaroon na ng matinding koneksiyon?
"Maraming salamat, Sebastian!" anang pa nito sa kaniya.
Napabuntong-hininga siya, sandaling tinignan ang magkapatid na natutulog na sa loob ng isang kuwarto.
"You're still a stranger to me and it doesn't mean that I helped you, you can just follow me around like you always do. After I helped your friend, I don't want to see your face ever again."
Umawang ang labi nito sa kaniya. Tila hindi naiintindihan ang sinabi niya, maybe because of the language that he used, but he knows she could feel what he wanted to say.
Nagbaba ito nang paningin, pinaglaruan ang dalawang kamay.
Tumikhim siya. "You have all the food supplies for the week in that refrigerator. Aalis na ako. Here."
Inilabas niya ang lumang model ng cellphone. Walang cellphone ang babae, bagay na mas nagpadagdag ng kakaibang isipin sa kaniya. Ilang taon na ito at wala pang sariling cellphone?
"Pindutin mo ito kung may kailangan kayo, itawag niyo sa akin. I'm sure Lili knows how to use that." Like seriously, tila mas maalam pa ang batang iyon kaysa sa babaeng ito.
She did not respond while holding the phone.
Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya, but it feels like his heart is starting to pump slowly and all that he could do is to sigh.
"I have to go somewhere. Babalik na lang ako kapag may balita na."
He felt guilty for a second when Faith tried to step forward, tila gusto silang pigilan, ngunit hindi rin tinuloy.
Hindi pa man siya nakakalabas ng pintuan ay nag-ring na ang cellphone niya.
The call is from Javin.
"Hello?" anang niya.
Hindi ito tumugon, bagkus ay narinig niya pa ang ingay mula sa kabilang linya, tila nagkakagulo.
"Javin? Where are you?" Nilakasan niya ang boses niya, baka sakaling hindi siya nito narinig.
"s**t!" Mura pa nito. "Hide behind me," tila may kausap pa ito. "Seb, follow my location, hinarang kami. Hindi ko alam kung kailan nila kami mahahanap sa pinagtataguan namin. I just fought with them... madami sila."
"Okay, okay. Huwag kang aalis sa puwesto mo."
As fast as he could he rode on his motorcycle and drove through the address that Javin's location tells.
Javin surely knows basic martial arts, pero kung madami ang mga iyon, talagang hindi nito kakayanin.
Isa pa, ano ba ang pinasok nito? Hindi nasasangkot sa ganitong gulo noon si Javin. Bukod sa wala itong pakialam sa paligid niya, masiyado itong tamad na makipag-away.
Tila guhit na lang ang mga ilaw na nadadaanan niya sa bilis niyang magpatakbo. Kailangan niyang masundan kaagad si Javin.
Ayaw niya nang magkamali ulit.
Kasabay ng kaniyang mabilis na pagpapatakbo ay ang mabilis rin na pagtibok ng kaniyang puso.