[19] Save, Save, Save

1969 Words
NAPAKO ANG PANINGIN ni Faith sa bagay na ibinigay ni Sebastian sa kaniya. Kung hindi siya nagkakamali, cellphone ang tawag dito. Masaya siya sa ginawang pagtulong ni Sebastian sa magkapatid. Binilhan pa nito ang dalawa ng mga pangangailangan sa araw-araw bago raw ito kunin ng mga aampon sa mga ito na foster parent kung tawagin nito. Binilhan rin siya ni Sebastian ng damit, halos mga puting bestida at pares ng tsinelas na akma sa sukat ng paa niya, pero mas gusto niyang isuot ang ibinigay ni Sebastian. Gusto niya sanang pigilan ito sa pag-alis nang makaramdam siya ng kakaiba. Tila may hindi magandang mangyayari. Pero ang sabi nito... kapag naayos na ang problema ni Lili, hindi na nito gustong makita siya. Paano ang misyon kung ayaw na siyang makita ni Sebastian? At ano nga ba talaga ang misyon niya sa lupa? "Dapat pala ay itinanong ko nang maayos kay Maestro." Napabuntong-hininga na lang siya, nakahalumbaba na tiningala ang madilim na kalangitan mula sa balkonahe. Napaka gandang pagmasdan ng mga bituin ngayong gabi. Malinaw na malinaw at payapa. Ilang ulit niyang tinignan ang kaniyang cellphone. Kung ganoon ay gawa rin ito ng siyensa? Nakakamangha, na may mga bagay na tila himala na nagagawa rito sa lupa sa pamamagitan niyon; science. Tulog pa rin ang dalawang magkapatid. Katatapos lang naman kumain ng dalawa kaya naman hindi na masama kung makakatulog ang dalawa hanggang kinabukasan. Basta ang bilin sa kaniya ng may-ari ng panuluyan, i-kandado ang pinto at mga bintana dahil mga bata ang nakatira at isa lamang siyang dalaga. Wala naman siyang dapat na ikatakot, dahil alam niyang gagabayan siya ng Panginoon; manalig lamang at maniwala. "Oh..." Halos maduling siya nang dumapo ang alitaptap sa kaniyang ilong. "Narito ka kaibigang alitaptap!" Umalis ito mula sa ilong niya. Pasimple niyang nilingon ang dalawang bata, natutulog pa rin ang mga ito. "Sumunod ka, munting anghel..." sa maliit na tinig ay sinabi nito. Sigurado siyang ito rin ang gumabay sa kaniya papunta kay Sebastian, siguradong ito rin ang magdadala sa kaniya papunta kung nasaan man ito. PASIMPLE SIYANG NAPANGITI matapos manahimik ni Emerald nang sabayan niya itong kumain sa convenient store. Nagkamali siya, hindi niya sinasadya na sabihin iyon. Javin just hates Gladys for treating Emerald like a slave. Hindi niya rin naman alam kung bakit bigla siyang nagkaroon ng pakialam about doon. He isn't a fan of instant food, pero hindi na masama. Mas nakakaenganyo pa lang kumain nang may kasabay. Unlike at their home since he's a kid. Everyone is busy for their career, punong-puno ang schedule, halos kapag may celebrations at events lang sila nagkakasama, pero nasa mga bisita pa ang atensiyon ng pamilya niya at wala sa kaniya. "I asked you harshly earlier, I didn't mean to," he said. Hindi siya pinansin nito at nagpatuloy lang sa pagkain. Hindi niya alam kung paano papagaanin ang loob nito. He isn't approachable and kind, lalong lalo nang hindi siya komportable makipag-usap at makasama. "It doesn't taste that bad," tukoy niya sa pagkain. Hindi pa rin siya pinansin nito. Walang siyang magawa kundi ang mapabuntong-hininga kagaya kanina. Actually, hindi niya rin alam kung ano ang pinagmulan ng galit niya. Nang makita niyang hinaharas na ng lalaki si Emerald, hindi niya na napigilan na humakbang papalapit at ilayo si Emerald doon. The reason why he asked that because he doesn't want it to happen again. Kilala niya ang lalaki na iyon, mukha mang mabait minsan, pero kasali iyon sa isang gang na pinamumunuan ni Mocco na drop-out sa eskuwelahan nila, ilang beses na ring naging repeater, kaya kahit mas matanda ito ng konti sa kaniya ay naabutan niya pa ito and he chose to drop out for the past two years. Ewan niya ba, sa pagkakaalam niya ay engineering student ito, matalino, pero naging gago. "Ang cheap mo naman, Irazga." Awtomatikong nagsalubong ang kilay niya nang marinig ang boses ng lalaki. Malaki at malalim iyo. Pamilyar. Nang tignan niya naman si Emerald ay bakas na ang gulat at takot sa mga mata nito, napahinto na rin ito sa pagkain. "Kaya naman pala ayaw mong ipa-date ang babaeng 'yan sa bata ko, dahil gusto mong ikaw ang mauna." Napatayo siya, unti-unting nilingon ang likuran niya. Nanatili siyang kalmado, kahit alam niya na kung ano ang posibleng mangyari. Tumayo na rin si Emerald kasunod niya. Hindi na rin siguro maganda ang pakiramdam ukol rito. Isa pa, kagaya nang sinabi niya, kilala si Mocco sa campus nila kahit na drop-out ito, dahil naging sakit sa ulo ito ng eskuwelahan sa dami ng reports na natatanggap tungkol sa mga masasamang insidente sa labas na ito ang may pasimuno. Mula sa likuran niya ay naglalakad papalapit si Mocco, nagsindi pa ito ng sigarilyo habang naglalakad, sa likuran niya naman ay naroon ang lalaki na muntik niya nang sapakin kanina at ilan sa mga bata nito, halos sampu ang bilang ng mga ito. Nag-iwas siya ng paningin. "What do you want?" he asked. Nagtawanan ang mga iyon. Mga halos nakaitim, humahalo sa dilim ng paligid. Malas pa na walang tao sa paligid, sa tapat ng convenient store bukod sa cashier na naroon at sa security guard na mukhang naaalerto man ay hindi sigurado kung lalapit dahil sa dami ng mga ito. Hindi takot sa sekyu ang mga hudlom ito. "Nasaan na nga pala si Sebastian? Hindi yata nagagawi sa sementeryo?" Humihit ito sa sigarilyo at binuga nang harapan sa kaniya ang usok niyon, nang-aasar. Of course, it's Sebastian again. Kailan ba nila titigilan si Sebastian na wala namang ginagawa sa kanila? Hindi niya rin nga maisip ang dahilan kung bakit pinag-iinitan ng mga ito si Sebastian. He can’t remember that Mocco has been part of Sebastian’s life in the past. Hindi siya umilag sa kabila ng ginawa nito. "He isn't here, you went to a wrong place," sagot niya. Natatawa itong nag-iwas ng paningin at mabilis siyang nakuwelyuhan. Mabuti na lang at matangkad siya kaya hindi nito siya maiangat kagaya ng gusto nitong gawin. Dinig niya naman ang paghakbang ni Emerald mula sa likuran niya, tila gustong pumigil, bagama’t hindi nagsalita. "Ang tapang mo, ah. Bukod sa babaeng iyan, mag-isa ka lang, Irazga. Pinapaalala ko lang, hindi ako sumasamba sa artista." Nang-iinsulto siyang tumawa. Of course he knows. Binitawan ni Mocco ang hawak na sigarilyo, pinino ito sa sementadong daan na tinutungtungan. "Kaya nga sa'yo ako nagpunta," ika pa nito. "Kung nasaan ang pain, naroon ang target." Marahas siya nitong binitawan, pero ni hindi siya nawala sa balanse. Seriously, they are planning to use him? Wala siyang pakialam, ayos lang sana kung siya lamang, pero may kasama siya ngayon at inaamin niyang hindi niya ito kaya ng mag-isa. Kilala niya sila Mocco, kahit babae binubugbog ng mga ito. "Hindi ka sana madadamay, kaso hindi na nga nagpapakita ang gago mong kaibigan, inagawan mo pa ng manika ang bata ko." Nanatili ang masama niyang tingin kay Mocco, ngunit nag-alab na ang galit niya sa sunod na sinabi nito. "Kunin mo ang manika." "Huwag niyong tangkaing hawakan," mariin niyang sinabi. Muling nagtawanan ang mga ito. Nakakainsulto, tila ang liit-liit niya sa mata ng mga ito. Bagay na mas ikinainis niya. "E, hindi naman sa'yo ito, 'di ba?" Tinuro pa ni Mocco si Emerald. "Boyfriend mo ba 'to-" "I said enough!" Umalingaw ngaw ang katahimikan nang dahil sa sigaw niya. Tila nahinto ng panandalian ang tensiyon, ngunit hindi rin nagtagal ay bumalik rin ito at mas nag-igting pa. Sumugod na ang mga bata sa likuran ni Mocco sa kaniya at sinubukan siyang itumba, ngunit nakakaya niya, but he get tired, nasapak siya at natumba sa sementadong daan. "Tama na!" Lumapit si Emerald at sinubukang pumagitna. Napapikit siya sa inis. Is she thinking that she could stop those morons just by doing that? Inipon niya lahat ng lakas niya at tumayo, mabilis niyang hinawakan sa kamay si Emerald, hinila, patakbo. "Hoy! Mga inutil!" dinig niya pang sigaw ni Mocco. Halos matumba ito sa gulat at sa pakaladkad na pagkakahila niya rito, ngunit nabawi rin nito ang sariling balanse nang maintindihan ang gusto niyang mangyari; ang makalayo. "'Yung mga gamit natin..." ika pa nito. Mas binilisan niya ang pagtakbo nang marinig ang pagsunod ng mga ito sa kanila. "Don't! Look... back!" Hinawakan niya ang tiyan niya na nasipa kanina, tinitiis ang kirot na nararamdaman, maitakbo at maitago lang si Emerald. MAY DINNER PANG DAPAT puntahan si Sebastian, pero kailangan siya ng kaibigan niya at uunahin niya ito. He knows that the dinner was just for Gladys to mock him while they are eating, together with his Dad. Doon naman sila magagaling; ang magkampihan. Kalmado niyang hininto ang motor niya. Sakto sa pagdating niya ang paghila ni Mocco sa kuwelyo ni Javin at akma pang sasapakin ito habang hawak ng ilan sa mga bata nito ang isa sa mga laging kasama ni Gladys, the scholar. Malas pa na sa eskenita na-corner ang dalawa. "Oh?!" si Mocco. "Sinasabi ko na nga ba, e!" So this is all of this moron's plan? Hindi niya na hinihiling na tigilan siya ni Mocco, dahil alam naman niyang hindi nito gagawin, pero 'wag na 'wag nitong idadamay ang mga kaibigan niya. At ang mga taong malalapit sa kaniya. Tuwing mag-isa siyang hinaharang ng mga ito ay hindi siya lumalaban, pero ngayon... "Sinabi ko na nga bang darating ka-" Hindi pa nito natatapos ang sanang sasabihin ay nasapak niya na ito sa mukha. Napaatras si Mocco sa lakas niyon. Tila nahihilo pa ito at hindi kaagad na nabawi ang balanse. "Gago ka talaga!" sambit pa nito. Kasabay niyon ay ang pagsugod sa kaniya ng mga bata nito. Nang mabitawan ng mga ito si Emerald ay kaagad nitong pinuntahan si Javin na nanghihina na. Lalo siyang nakaramdam ng galit nang makita ang sitwasyon nito. Tila hangin niya namang naiiwasan ang bawat suntok at sipa sa kaniya. He was effortlessly punching and kicking the ass of those boys, hanggang si Mocco na lang ang matira, ngunit laking gulat niya nang wala na ito sa harapan niya. "Sebastian, sa likuran mo!" Emerald shouted. Bago pa man niya malingon ang likuran niya, nahinto na si Mocco sa akmang pagpalo sa kaniya ng tubo sa hindi niya malamang dahilan. Madilim na, ngunit nang tumumba ito, naaninag niya pa ang pagtakbo ng babaeng nakaputi paalis sa eskenita... Tila ito ang dahilan kung bakit tumumba si Mocco. Nilibot niya ang paningin niya at nakitang namimilipit lang ang mga bata nito na itinumba niya, si Mocco naman ay padapang natumba na ngayon ay kaharap niya na. "Wait here," he said. Iniwan niya ang dalawa para hanapin ang nawalang iyon. Whoever that is... she helped them. Siguradong mababasag ang ulo niya kung tumama ang bakal na tubong iyon sa kaniya. Ngunit wala namang kahit na anong sugat o senyales na maaring dahilan ng pagtumba ni Mocco. How did it happened? Palabas na sana siya sa eskenita, to continue searching for that girl when the siren of the cops called his attention. Someone also called the cops. Wala siyang magawa kundi balikan ang senaryo para ituro sa mga pulis kung nasaan ang grupo ni Mocco. AFTER TRANSFORMING INTO a human again after being a firefly, Constantine leaned to the wall to watch what will happen after he brought Faith to the scenario. "Sebastian, sa likuran mo!" Tumahimik ang paligid. Naiwan ang daing ng mga itinumba ni Sebastian, ang susi sa misyon. "So she still has the power..." anang niya sa sarili. Of course, the angels will just lose their wings on earth, but the higher ups won't disable the angels' power, pero walang dapat na makakita at makaalam, para sa sa siguridad. The reason why he's now seeing Faith run away after using her power to make the big guy fall asleep. "Interesting..." he said. Matapos manood ay pinagpag niya ang suot na puting polo at tinignan ang oras sa relong pambisig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD