[20] Strange, but believe

2148 Words
SA BILIS NA KAYA NI FAITH tinakbo niya ang daan palabas ng eskenita. Hindi siya puwedeng makita ni Sebastian. Hindi nito puwedeng malaman na may kakayahan siyang hindi tinataglay ng mga normal na tao lamang. Sumandal siya sa pader, sa kasunod na eskenitang nadaanan niya kanina. Humigpit ang kapit niya sa kaniyang bestida nang maramdamang talagang sinundan siya ni Sebastian. Abot-abot ang kaba niya, kung hindi niya lamang narinig ang hakbang nito pabalik. Hindi na tinuloy ang paghanap sa kaniya. Dahil roon ay muli niyang naalala ang pag-uusap nila nang Maestro bago siya makababa ng lupa. “Mawawala ang mga pakpak mo habang nasa lupa ka, Faith. Ngunit, mananatili ang mga kakayahang taglay mo bilang isang anghel, ngunit hindi mo ito maaaring gamitin para lamang sa pansariling kagustuhan. Maaari mo lamang itong gamitin sa mga mahahalagang pangyayari na kakailanganin ng iyong kapangyarihan, pero sa isang kondisiyon. Hindi ka maaaring makita ng mga taga-lupa na ginagamit ang kapangyarihan mo.” Hanggang ngayon ay dama niya pa kung gaano siya kinabahan sa pag-uusap na iyon. Paano kung hindi siya maging maingat? Paano kung malaman ng mga tao at makita nila? Ngunit hindi niya maaaring ipagdamot ang meron siya sa mga taong mangangailangan sa kaniya kung sakali. “Kung makikita at malalaman ng mga tao, Maestro. Ano ang mangyayari sa akin?” Nag-iwas ng paningin ang Maestro bago tumingin sa kawalan. “Wala itong kaakibat na kaparusahan sa langit, Munting Anghel. Subalit, sa mundo ng mga tao, mapanganib ang kanilang mga pansariling interes. Maaari mo itong ikapahamak. Maaari rin na hindi mo matupad ang misyon mo nang dahil roon.” Kahit nag-aalala pa sa naganap kanina, nagpasiya na siyang bumalik. Iniwan niya ang magkapatid at nag-aalala rin siya sa kung ano ang maaring mangyari sa dalawa lalo pa’t hindi pamilyar ang magkapatid sa lugar na iyon. BREENA SAW IT ALL; how Javin approached Emerald and how those goons appeared and harassed them. Natakot rin siya, pero lamang ang pag-aalala niya para kay Emerald. Alam niyang hindi makakatulong kung bababa siya sa kotse at aawat kaya naman sinunod niya na lang ang payo ng kaniyang driver na magtawag na lang ng pulis. And it helped, kahit medyo huli na dahil naitumba naman na ni Sebastian ang mga iyon at ngayon ay pinapanood na nitong nang isakay ng mga pulis sa patrol cars. Napangiwi pa siya nang makitang ilan sa mga iyon ay pamilyar sa kaniya dahil nag-aaral sa kanilang university mismo. What’s happening to these young-adults now a day? Hindi rin siya makapaniwala na nakayang itumba ni Sebastian ang halos sampung lalaki nang mag-isa, dahil malamang ay hindi na makakalaban si Javin dahil nabugbog na ito sa tapat ng convenient store bago pa man nito maitakbo si Emerald palayo. “What was that anyways?” bulong niya sa sarili. Are they in a romantic movie? Kinuha niya ang cellphone niya habang busy pa rin ang paligid. She dialed Gladys’ number while looking at Sebastian who’s wandering his eyes like he is looking for something. What is it? “Sebastian is here, Yadys. Napaaway si Javin sa gang ni Mocco and he went here to save them. I am telling you now in case late na si Sebastian for dinner and you are impatiently waiting there, in case na rin kung walang balak na mag-update si Sebastian sa’yo.” She licked her lips while watching Emerald who is now helping Javin to stand-up. Habang tumatagal ay mas hindi gumaganda ang pakiramdam niya. “Let him.” Tumahimik ang linya ni Gladys. Narinig niya na lang ang mga hakbang nito, tila baba sa hagdanan. “I won’t tell him to go there na?” tanong niya pa. “Let him,” inulit lang nito ang sinabi kanina. Napabuntong-hininga na lang siya bago ibaba ang tawag. Hindi pa siya napapansin ng tatlo simula nang dumating siya kaya naman lumapit na siya roon, just to check on them. Nakita niya pang nagulat si Emerald nang makita siya. Who wouldn’t? Halos dalawang oras na nang i-drop niya sa tapat ng convenient store si Emerald, automatically dapat ay nakauwi na siya, tapos bigla siyang susulpot sa harapan nito ngayon. “Let’s go,” she said to Emerald. “Ihahatid na kita directly sa house mo.” Hindi kaagad nakapagsalita si Emerald, tila gulat pa rin sa pagsulpot niya. “Bakit nandito ka pa?” Habang patagal yata nang patagal ay mas lumalamig pa ang pakikitungo nito sa kaniya. “Do you think that’s still important? Let’s go-“ “I can take her home.” Hindi niya inaasahang puputulin siya ni Javin sa pagsasalita. She tilted her head, slightly annoyed. “Look…” Sinubukan niyang ikalma ang boses niya. “Dahil na nga sa’yo kaya napahamak si Emerald. Now, you still wants her to stick with you-?” “Miss Breena.” Emerald tried to go in between them. Nag-iwas lang ng paningin sa kaniya si Javin, tila naiinis rin sa kaniya. Then they feel the same. “Let’s go.” Hindi na siya nakatiis at hinila na sa pulso si Emerald. Hindi pa sana ito magpapadala kung hindi niya tinignan nang masama. “Ikaw na ang bahala sa artistang ‘yan. And Sebastian, if you still have some decency, sana in-update mo man lang si Yadys after this, to tell na male-late ka, because everyone is probably waiting for you right now in that dinner where you and Gladys are the center.” Nakita niya pa ang walang-buhay na reaksiyon ni Sebastian at ang naiinis na nasasaktang mukha ni Javin, marahil sa pagkakabugbog bago siya tuluyang tumalikod hila si Emerald na hinuha niya’y nagbabalik tingin pa rin doon kahit hindi niya man lingunin. Why is she feeling strange right now? At bakit nga ba galit na galit siya na makitang magkasama si Javin at Emerald? So that’s how she’ll make her do what she wants with Emerald, by forcing her like Javin did and like what she’s doing right now. NAIILANG NA INIWAS NI MINA braso niya matapos siyang akbayan ni Kit. Manliligaw niya ito, pero talagang hindi siya magiging komportable. Siguro dahil sa lakas ng dating nito o marahil ay kakapayag niya pa lang na manligaw ito at sobrang possessive na agad sa kaniya. “Cheers!” “Ang tanda mo na birthday boy!” kantiyaw ng isa sa mga bisita at kaklase ni Kit sa bar. Like Jia, sa bar rin nag-celebrate ng birthday si Kit, iyon naman kasi ang mga uso sa college students. Even Jia noticed how comfortable her smile and laugh is. Napapailing pa ito sa kaniya na halos katapat niya lang ng upuan. Bakit nga ba siya pumayag ulit na magpaligaw rito? Yes, because he is her secret admirer; the secret admirer that she is anticipating to meet. It’s strange that she doesn’t feel happy. Mas lamang ang pagiging hindi niya komportable sa presensiya nito. May ganoon naman talaga, hindi ba? May mga taong iba sa liham at iba sa personal. “Really?” Nakiramdam siya nang magbulungan ang mga kaklase ni Kit. “In-invite mo si Constantine?” Isa sa mga babaeng kaklase ni Kit ang nagtanong. Umawang ang labi niya sa narinig. Does it mean that he is here? Hindi ba imposible? Sa pagkakaalam niya kasi ay hindi rin nagpupunta sa mga ganito si Constantine. “Yes, I invited him. Bakit? Tila natatawa at naguguluhan pang sinabi ni Kit, medyo lasing na rin siguro. Wala naman siyang magawa kundi ang naiilang na iiwas ang sarili sa tuwing hahapitin siya ni Kit pagdikit sa katawan nito. “He is here raw, e. Nasa entrance na.” Hindi niya alam kung bakit iba ang nararamdaman niya nang marinig niya iyon. Tila may sumibol sa puso niya. Namalayan niya na lang na tinitignan niya na ang kumpol ng mga taong nagpa-party sa gitnang espasyo, hinihintay kung talaga nga bang susulpot si Constantine. And now that she’s seeing him went out from the crowd walking to their table with his bored eyes, wearing white long-sleeves polo, unbuttoned from the first two buttons from the top, black pants, a black belt and a pair of black shoes. Kahit sa pagpa-party yata ay pormal at malinis pa rin itong manamit. He is like a male version of an angel. How those girls do describes him again? Drop dead gorgeous. Nilunok niya ang laway niya, masakit pa nga iyon dahil pakiramdam niya ay nanuyot ang lalamunan niya. “Pogi talaga ni Mr. Guillermo, ‘no?” rinig niya pang sabi ni Jia. Nag-iwas siya ng paningin nang nasa likuran na ito ng upuan niya na ngayon ay nararamdaman niya nang papunta sa harapan ni Kit si Constantine. “Happy birthday,” sa malalim na tono ay sinabi nito. “Nice, pare. Nakapunta ka? Sabi mo busy ka, e,” anang naman ni Kit. “Naurong ba schedule mo?” “Yes…” Muli siyang napalunok nang makita mula sa gilid ng kaniyang mata ang pagdapo ng paningin nito sa kaniya at ang pagdaan ng tingin nito sa pagkakaakbay ni Kit sa kaniya. Kinabahan siya na para bang may kasalanan. “Here ka na Consti!” Pinaikli pa ni Jessa ang pangalan ni Constantine. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang nairita nang dahil lang roon. Noong una ay kampante siya, kung hindi niya nga lamang nakita na sumunod na si Constantine at umupo talaga sa tabi ni Jessa. At talagang kumapit pa ito sa braso ni Constantine! Napalitan rin naman ng pagkailang ang nararamdaman niya nang muling dumapo ang paningin ni Constantine sa pagkakaakbay sa kaniya ni Kit. Nasa kalagitnaan ng usapan ang mga nasa lamesa nila nang magtama ang paningin nila ni Constantine. Kumurap siya, hindi alam ang gagawin. “How’s your foot?” at hindi siya makapaniwalang tinatanong siya ngayon ni Constantine. “Uhm… o-okay naman na.” Tumahimik ang table nila nang dahil sa interaksiyon nilang iyon, kahit pa maingay ang ibang table at malakas ang tugtog sa dance floor, tila ba nabibingi pa rin siya sa katahimikan. “Why?” It’s Kit. “What happened?” Nag-iwas naman ng paningin si Constantine nang dumapo sa kaniya ang paningin ng lahat. Nakita niya pa ang paglagok nito sa baso ng alak. He knows how to drink pala? “N-Na… na-sprain, pero okay na.” Naiilang niyang sinagot. “Are you sure?” Dumapo ang paningin ni Kit sa paanan niya. “Saan dito? Let me see-“ “No,” pigil niya. “Okay na talaga, promise.” “Naks, Kit. Daig pa boyfriend, ah,” kantiyaw naman ng isa sa mga kaibigan nito. Natawa lang si Kit, pero hindi na itinuloy ang pagtingin sa paa niya. Lalo lang tuloy siyang nailang sa kantiyaw ng mga kaibigan nito. “Papunta na rin naman doon. Right, Mina?” Umawang ang labi niya sa sinabi ni Kit. Deretsiyahan. Hindi man lang iniisip ang mararamdaman niya. Kahit na gusto niyang itago at bulagin ang sarili, nainis siya sa iniasta nito. “Ay?” Hindi na rin siguro nakatiis si Jia at sumabat na rin. “Wala pang twenty-four hours nangangarap agad? Hindi puwedeng i-birthday wish ang ganiyan, birthday boy.” Kit just chuckled, tila hindi napansin ang sarkasmo ni Jia. Maybe, he is just really drunk. Hindi niya sinagot ang sinabi nito. Imbis ay tumungga siya ng alak para maiwasan nang tuluyan ang tanong. “Nagbakasiyon raw sa france si Edgar?” Sa wakas ay nag-iba na ang topic sa lamesa, pero dahil rin nasimulan niya na ang pag-inom ay nagtuloy-tuloy na iyon. She was about to get another glass to drink when someone stopped her. Nang mag-angat siya ng paningin. Si Constantine ang nakita niyang pumigil niyon. He’s looking at her sharply. Hindi niya alam kung bakit nainis siya nang matantong nag-uusap ang dalawa bago siya nito pigilan, talagang si Jessa lang ang nagsasalita at mukha mang hindi interesado si Constantine ay nag-uusap pa rin ang dalawa at naiinis pa rin siya. Iyon siguro ang dahilan kung bakit pinilit niya pa ring kunin ang baso kahit na ilang ulit nang inusog ni Constantine iyon papunta sa direksiyon nito. Nagpatuloy ang pag-aagawan nila sa baso hanggang sa kanila na mapunta ang atensiyon ng mga ka-table nila. “What’s your problem?!” inis niyang sinabi rito, hindi niya na napigilan ang nadadagdagan niyang inis. Ano bang pakialam nito kahit na ubusin niya pa ang isang bote ng whisky na nasa harapan nila? He is making her look awkward. “Mina…” Lumapit na si Jia sa tabi niya. “Lasing ka na yata, kalma.” “Hindi pa!” she hissed. “Enough.” Kusa siyang natigilan nang magsalita na si Constantine. Pero hindi pa rin siya nagpaawat. “Look, hindi pa ako lasing and you are ruining the mood!” “I’ll ruin this place if you still won’t listen.” Hindi siya nakagalaw. Why is she feeling like she believes that he could do it?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD