[21] Declared and Captured

2336 Words
INIS NA BUMABA SA HAGDAN si Gladys matapos ng tawag sa kaniya ni Breena. Sebastian is really getting into her nerves. Hanggang kailan siya nito bibigyan ng sakit ng ulo? Papunta na ang parents nito at ngayon ay malalaman niyang napaaway pa ito kila Mocco? Both are idiots and useless, wala na siyang mapili, pero sana naman ay hindi sumakto sa ganitong oras. Kung kailan may mas mahalagang kailangan intindihin, ‘tsaka pa magkakalat. Now, how can she explain that Sebastian would be really late? Hindi maipinta ang mukha niya nang tabihan niya ang parents niya sa bungad ng kanilang mansion para hintayin ang mga Villa Leonor. “They are here,” her father said. Hinawakan pa nito ang braso niya, senyales na kailangan niya nang ngumiti bilang pagsalubong sa mga ito. Kumaway kaagad si Carissa, Sebastian’s half-sister. Hindi siya mahilig sa bata, kaya naman kahit kay Carissa ay pilit lang ang pagiging mabait niya. Of course, that was needed. Ang mahalaga ay good shot siya sa parents at kapatid ni Sebastian, for a better connection and better bond. “Hello there, little girl,” bati kaagad ng Mommy niya kay Carissa. Kasunod naman nito ang mga magulang na inaalalayan ng mga katulong sa pathway papunta sa hagdan ng entrance ng kanilang mansion. They have a faint smile on their faces. Alam niya na kaagad ang dahilan niyon. It’s either hindi ma-contact si Sebastian o kaya naman ay nag-aalala na baka hindi rin magpunta. Also, they might feel embarrassed in advance. What a pity. “Oh…” Her Mom wandered her eyes at their back, hoping to see what she is trying to find. “Where’s hijo?” Nagkatinginan naman ang mag-asawang Villa Leonor; if Josie really considers herself as one. “We’re very sorry. I’m afraid that we might eat without him. Maybe there is an emergency.” Nag-igting ang panga ng Daddy ni Sebastian, pilit na pilit lang ang ngiting ipinapakita. Napangisi siya. Of course there is. Sebastian is nothing, but a trouble. Hindi na dapat sila nagtataka at nasosopresa. “So… should we proceed in the dining area?” Her Dad immediately motioned the way. Wala siyang magawa kundi sumunod na rin doon. Lumipas ang mga minuto, wala pa rin si Sebastian. Mabuti na lang at kahit papaano’y nalilihis ang atensiyon ng parents niya at parents ni Sebastian sa pakikipag-usap sa isa’t isa. “Ganoon na nga. Eventually, our kids will get engaged…” Umawang ang labi niya sa narinig. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya nang marinig iyon, lalo pa’t siya lamang ang nasa hapag para masaksihan iyon. Jerk. Why aren’t you here to suffer with me? CONSTANTINE SIGHED AFTER SEEING Mina fell asleep. Lasing na ngang ito. Siya na lang yata ang naiwang matino pati ang kaibigan nito na si Jia. Even her suitor, the one who’s celebrating his birthday, wala na rin sa wisyo. “Nako. Sino ang maghahatid kay Mina?” Inalalayan ito ni Jia. Inis siyang napaismid. Ngayon niya lang nakita kung gaano kaiksi ang suot nitong dress dahil sa halos pahiga nang pag-upo nito. “Uy… Mina. Lagot ka kay Tito talaga.” Inalog-alog pa ito ni Jia. Hindi na siya nakatiis at tumayo na para buhatin si Mina. Nagulat pa si Jia nang gawin niya iyon. “What’s your name?” ika niya sa katabi ni Mina sa kaliwa. “Vince…” Ito na lang kasi ang nakikita niyang matino pa sa mga ka-table nila. “Vince, tell them that I took them home.” Pagkatapos sabihin iyon ay tinignan niya si Jia at sinenyasan na sumunod sa kaniya. Kaagad naman itong tumalima at inalalayan sila sa paglabas papunta sa parking lot. “Pasensiya na, Constantine, ha? Wala kasi ang boyfriend ko at parehas lang kaming nag-commute ni Mina, need na rin naming makauwi nang maaga kasi may classes pa tomorrow. Wala kasi ang car ni Mina, hindi ko rin alam kung bakit di niya na ginamit kanina ‘tsaka sa school.” “It’s okay,” tipid niyang sinabi. Mina weighs like nothing. Hindi naman ito mataba, hindi rin mapayat para maging magaan, talaga lang na hindi siya nahirapan. Nahinto pa ang mga mata niya sa maaliwalas na mukha nito nang iupo niya sa backseat sa tabi ni Jia na nasa loob na rin ng sasakyan niya. Ang tigas kasi ng ulo. Pinigilan niya na, pinilit pa rin inumin ang shot na inuurong niya. Iyan tuloy at tumumba. Hindi naman pala sanay sa alak. Pumasok siya sa loob ng driver’s seat at in-start din kaagad ang makina ng kotse. “Text Kit,” he said. Sumama kaagad ang mukha ni Jia. Kanina niya pa napapansin na naiirita ito sa inaasta ng manliligaw ng kaibigan. “Bakit pa?” Naroon ang inis sa tono nito. “Hindi naman siya boyfriend ni Mina. Kung makaasta kanina, wala man lang pagpipigil.” He sighed. “It’s his birthday, he still should know.” “Hay nako.” Kahit labag sa loob ay kinuha nito ang cellphone para sundin ang inutos niya. Hindi rin nagtagal ay narating nila ang bahay ni Mina. Nakita niya kaagad ang papalabas na lalaki sa front door ng bahay nito. He is sure that he is her Dad, kahit na ito pa lang ang unang beses na magkita sila. “Pasensiya na, Tito,” Jia said. “Hindi ko po napigilan. Gustong-gusto uminom. Si Constantine nga po pala. Hinatid kami.” Nag-aalala man ay ngumiti pa rin sa kanila ang Daddy nito. Akala niya ay kukunin nito sa kaniya si Mina, not until he told them to come in, wala siyang nagawa kundi ang sumunod sa sinabi nito at buhatin si Mina paakyat sa kuwarto nito hanggang maibaba niya ito sa kama. Maingat niyang ginawa iyon, sinigurado na hindi magigising si Mina. He was about to turn his back to leave when Mina’s Dad who followed them in her room spoke. “Are you somewhat related to my daughter?” Ang paningin nito ay nasa anak, magka-krus ang braso. “What do you mean, Sir?” Tuluyan siyang napahinto, nagtataka. “I mean, do you like her? Does she like you? Or are you her suitor?” Natahimik siya. Hindi niya alam ang isasagot. Ngumiti lamang ang Daddy nito nang hindi niya talagang sagutin iyon. “Don’t worry, normal naman iyon sa edad niyo at hindi ko naman pinaghihigpitan ang anak ko. I just want her to be with the person who can understand her every day. Kasi ang anak kong ito, hindi marunong magpakita ng nararamdaman.” Dumapo sa kaniya ang paningin nito. Bagama’t nakangiti ay kapansin pansin pa rin ang lungkot sa mga mata. “Bata pa lamang si Mina, naranasan niya na ang mawalan… hindi lang isa, dalawa. We lost two lives in this family… at kung madadagdagan man ang pamilya namin, tatanggapin namin ng buo… as long as that person is genuine.” Nagparte ang kaniyang labi habang pinapanood ito na kumutan ang anak. Napatango siya sa kaniyang isip. I see… NAGING DIRETSO LANG ANG PANINGIN ni Breena sa kalsada. They are still on the way to take Emerald home. Naiinis siya sa reaksiyon nito. Mukhang nag-aalala pa rin ito kay Javin kahit na maayos na naman ang lagay nito, she doesn’t need to care anymore. “Do you want to eat first?” she asked. Napabuntong-hininga ito. “I saw you didn’t finish your food earlier.” Hindi siya pinansin nito. Tila lumilipad pa rin ang isip. Ito lang yata ang hindi nakakapansin ng inis niya, pansin naman iyon ng driver niya na tinitignan tignan silang dalawa sa salamin sa unahan ng sasakyan. Wala siyang nagawa kundi ang inis na magkrus ng braso, umismid at tumingin sa labas ng bintana. Naihatid naman nila sa maliit na apartment nito si Emerald nang gabing iyon, pero hanggang sa paggising niya ay naroon pa rin ang inis niya na nadala niya sa pagpasok niya sa campus. “Breena!” mahabang tawag sa kaniya ni Gio. Hindi niya ito pinansin at nagpatuloy na lang siya sa pag-aayos ng locker niya. Sa tabi niya naman ay naroon si Gladys na kararating lang at inaayos din ang sariling locker. Dahil sa iniisip niya, nakalimutan niya na rin tuloy na kumustahin kung um-attend ba sa dinner si Sebastian. “I baked you cupcakes!” He’s more like a girl than her when expressing his admiration to him. Hindi niya pa nga nakakain ang bigay nito noong nakaraan, pero hindi naman siya ganoon kasama para tanggihan ang effort nito. Wala sa sarili niyang kinuha iyon at ipinasok sa loob ng locker, hinihiling na sana maalala niyang kunin iyon bago siya umuwi mamaya. “Thank you,” she said. “You’re welcome, My Queen.” Ngiting-ngiti ito ngayon sa kaniya. Narinig niya naman ang pagsinghal ni Gladys. “Oh? Mainit na naman ang ulo, Yads?” puna naman ni Gio rito. “O baka naman naiinggit ka na naman-“ Nahinto si Gio nang tignan niya ito nang masama. “Hindi ako naiinggit.” Hinarap ito ni Gladys matapos kunin ang kailangan sa locker. “Pero oo, mainit ang ulo ko. You know why? It’s because of your irresponsible best friend!” Napapapikit na lang siya nang magsimula na namang magtalo ang dalawa. Napunta nga lang ang atensiyon niya sa hallway nang makita si Emerald na ngayon niya lang yata nakitang late. She also looks unwell. Is she sick? NAGISING SI FAITH MATAPOS makarinig ng ingay na nagmumula sa kusina. Sa sofa pala siya nakatulog nang umuwi siya. Nagulat na lang siya nang makitang nakaupo na si Nika sa single sofa, hawak ang manika na binili ni Sebastian rito at nakatingin sa kaniya. Nang ibaling niya naman ang paningin niya sa kusina, si Lili ang nakita niya roon. “Peyt, gising ka na pala.” Pinatay nito ang apoy na nagmumula sa pinaglutuan. Ngayon naman ay pinapanood niya ang paghahain nito. “Grabe ang laman ng ref, puro pangmayayaman. Mabuti na lang, marunong ako magluto.” Huli nitong inilagay sa lamesa ang kanina na umuusok pa. “Upo na kayo. Nika!” Natapos silang kumain. Hindi niya alam ang gagawin bukod ang bantayan sila Lili na nanonood ng palabas sa TV na cartoons kung tawagin nila. Tatlong araw na siya sa lupa at wala pa rin siyang nasisimulan. Hindi niya pa rin alam kung ano ang eksaktong misyon niya. “Yaman ni Kuyang pogi, ano?” si Lili habang nanonood. “Feeling ko, ang mahal ng renta rito. Siya pa ang magbabayad ng kuryente at tubig pati pagkain hangga’t wala pa ang aampon sa amin.” Nagsalubong ang kilay niya. “Ganoon ba iyon?” “Oo, Faith! Kapag kayang bilhin lahat, tawag doon, mayaman! Madaming pera. Kapag madaming pera, parang wala ng rason na malungkot, kasi na sa iyo na ang lahat.” Tumango-tango siya. Kung ganoon, bakit hindi mukhang masaya si Sebastian kung nasa kaniya na ang lahat? Umawang ang kaniyang labi sa naisip. Naalala niya noon una niyang makita si Sebastian sa langit… umiiyak ito. Hindi kaya’t parte ng nakaraan ang misyon niya at ang nakaraan ang dapat niyang pagtuunan nang pansin para magsimula? Ngunit paano nga ba malaman ang nakaraan? Kakailanganin niya ng tulong. “Oh?” si Lili nang mapansing tumayo siya. “Saan ka pupunta?” “Babalik ako Lili, huwag kayong lalabas hangga’t hindi ako nakakabalik.” Hindi niya alam kung tama ang nilalakaran niya papunta roon, kailangan niya ng tulong nito. Ito lamang ang makakatulong sa kaniya. Ito lamang ang mapapagkatiwalaan niya. Nasa gitna siya ng pagpili ng daan na tatahakin nang may humila at tumakip sa bibig niya. Nagpumiglas siya sa takot. Talagang masakit na ang pagkakahawak nito sa braso niya at halos hindi na siya makahinga dahil sa pagkakatakip nito sa bibig niya. “Akala mo, hindi kita nakita?” Malaki at malalim ang boses nito, nakakapanindig balahibo. “Hindi ko alam kung anong klaseng engkanto ka at kung paano mo ako nagawang paralisado kagabi, pero may pakinabang ka ngayon. Tignan ko na lang kung hindi pa makonsensiya ang duwag na iyon sa gagawin ko.” Unti-unti siyang nawalan nang malay matapos maamoy ang nakakaantok na pabango. Naramdaman niya na lang na sinasakay na siya nito sa loob ng isang puting kotse. “Hoy! Ihinto niyo!” at isang boses lamang ang naiwan sa alaala niya bago siya tuluyang bawian ng malay. BAGO PUMASOK SA ESKUWELAHAN ay dumaan muna sa coffee shop si Mina. Masakit pa rin kasi ang ulo niya dahil sa hang-over, hindi naman siya puwedeng lumiban sa klase kahit pa sinabi na ng Daddy niya. Ang weird pa na ang ganda-ganda nang ngiti nito sa kaniya nitong umaga. Hindi ba dapat ay galit o dismayado ang Daddy niya dahil ang nag-iisang anak nito ay nakatulog sa kalasingan at late nang umuwi? “Weird…” she shook her head after getting her coffee from the counter. Hanggang ngayon kasi ay hindi niya pa rin alam kung sino ang naghatid sa kaniya kagabi. Wala naman din kasing dala si Jia na kotse, si Jia naman, hindi rin nagsasalita. Nag-text rin kasi sa kaniya kinaumagahan si Kit, humihingi ng sorry na hindi siya nito naihatid, kaya malamang hindi si Kit ang naghatid sa kaniya. Ano nga ba ang nangyari nang gabing iyon bago siya mawalan ng malay? Nanlaki ang mata niya. Nalihis ang iniisip niya dahil sa nakita. There’s big boys who’s carrying a girl without gentleness inside a car. Isn’t it… Kidnapping?! “Hoy! Ihinto niyo!” sigaw niya. She thought that she could stop them from k********g the girl until the car stopped beside hrt after she yelled, not to bring back the girl, but to kidnap her also! “Isama na ‘yan!” Dahil sa pagpupumiglas niya ay natapon ang kape niya sa labas bago pa man siya maisakay ng mga ito sa loob ng puting van. Ganoon rin siya kabilis na nawalan nang malay nang itakip ng mga ito sa ilong at bibig niya ang panyo na may amoy na nakakahilo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD