[22] Sick and Lazy

2041 Words
HINDI MAGANDA ANG PAKIRAMDAM ni Emerald ng pumasok siya. Hindi niya naman alam na lalagnatin siya kinaumagahan, siguro dahil sa pagod sa pagtakbo at hindi rin naman siya nakakain nang maayos kahapon. "Ang yabang talaga ni Andy," dinig niyang usapan ng mga kaklase niya sa room. Hindi na kaya ng katawan niya na hanapin kung nasaan si Gladys at si Breena para magpaalila. "Is she a lesbian?" sabi pa nang isa. Hindi niya alam kung bakit naagaw niyon ang interes niya. "Not sure, pero ang yabang niya as anak lang ng may-ari ng Motels. Hindi ba siya nahihiya na ganoon ang family business nila? Kasi if I were her, naglayas na ako probably o kaya naman siguradong loner din ako kagaya niya at wala na akong mukhang maihaharap sa mga students dito." "Hindi ba kaya nga siya laging mag-isa?" "I know right?" Nagtawanan pa ang dalawang iyon. Napairap siya. Hindi niya maintindihan kung bakit ganito ang mindset ng mga may pera. Basta ganoon klaseng business kahit mas malaki pa ang kita ng mga iyon sa business annually kaysa sa mga iyon ay mamaliitin pa rin. Para kasi sa mga estudyante rito, ang disente lang na mga trabaho ay real-states at ilang klase ng business. She can even remember a student from their school na na-bully dahil lang may factory ang mga ito ng sanitary pads. As if they aren't using one monthly. She yawned. Pati ang tulog niya kulang. "Oh... pumapasok pala ang gangster?" mahinang bulong ng isa sa mga ka-row niya. Nang tignan niya ang pintuan ay naroon si Sebastian, tila may hinahanap, marahil ay si Gladys. "Shh... 'wag ka maingay. If he heard you dead ka talaga, gurl." Gusto niya na lang masapo ang noo dahil sa mga naririnig sa paligid. Nuknukan ng kaartehan at kaduwagan. Sabagay... duwag rin naman siya. Kagaya ngayon. Gusto niya sanang itanong kay Sebastian kung ano na ang lagay ni Javin since hindi niya alam ang contact number nito at talagang nabugbog ito nang sobra kagabi, but now she is losing her chance dahil umalis na si Sebastian sa may pinto matapos sandaling magtama nang mata nila. It's surreal... that Javin saved her. He defended her without thinking that he might get beaten-up and he did... all of that was just for her to be safe. Dahil roon ay nagkaroon siya ng lakas ng loob na tumayo at habulin ito. "Don't worry," its Gladys. Hindi pa siya nakakalabas nang tuluyan ay nakita niya na ang senaryo. It's Gladys before the door with Breena and Sebastian after them with Gio. "It's your fault for not showing up. You already lost your chance, Sebastian. Even if you bend your knees for me, you won't change my mind. You don't deserve to know. You are irresponsible." Gladys turned her back at him and entered the door, binangga pa siya nito. Hindi niya rin alam kung ano ang mararamdaman niya nang hindi siya pinansin ni Breena. Hindi siguro ito ang tamang panahon para magtanong tungkol roon. Maybe he is already safe. HINDI NA MABILANG NI JAVIN kung ilang beses niya nang minura ang sarili. How could he forget? Sayang ang offer! Hindi rin naman siya makakaharap sa camera sa isang araw dahil puno nang pasa ang mukha niya. This is all of Mocco's fault. "Yes?" sinagot niya ang tawag ni Conteza. He's now lying on his bed, sa condo niya siya hinatid ni Sebastian noong gabi. "I told you to call me back before the day ends!" Heto na naman ang maingay na boses nito. "I got into an emergency." "But that doesn't mean na ipagpapaliban mo na ang mga bagay na importante. Look it's now eleven in the afternoon, kung may emergency ka kagabi sana nitong umaga nag-text ka man lang sa akin-" "What?!" Napabalikwas siya at tinignan ang orasan na naka-display sa kaniyang side table. It's really eleven in the morning. Late na siya sa klase niya! "W-wait... I need to get ready-ugh." Nahinto siya sa pagbangon sa kama nang maramdaman ang kirot sa kaniyang sikmura. "Ano ba kasing ginawa mo?" "I got beaten-up," he confessed. "B-beaten? Kailan ka pa naging takaw-gulo? Ano bang pinapasok mo?" He threw the pillow on the wall. "As an elder, I think you should rest for the day, Javin. I'll call you again later to check on you. Bukas, kapag hindi ka pa rin okay, pupuntahan na kita diyan." Conteza hang-up her phone after that. He lost a big opportunity to say that he can achieve something... without them. He can have a big offer without them, because he is good and passionate. Hindi... he shouldn't regret saving Emerald. Kahit na nito niya lang nakalapit si Emerald ay magaan na talaga ang loob niya rito. Like he really knew her... that the feeling he had when he is with him seems familiar, kahit na one day and a half niya pa lang naman ito nakakasalamuha. "I will be the King and you will be my Queen!" He shrugged after hearing his voice when he was little. His life fallen into pieces after they move in the city when he was six. It all started there. SEBASTIAN LICKED HIS LIPS after Gladys turned her back at him. Kahit emergency pa ang nangyari, wala talagang patawad si Gladys. Now, he lost his chance to know where she is. He lost his chance, but he won't let it truly happen. Even if it means was to force her. What's surprising him was the way she acted. Gladys isn't the typical aggressive type of girl, she is always passive, galit man ay hindi gaano nagpapakita sa mukha ang galit Pero kanina ay galit na galit ito. Hindi niya malaman kung bakit ganoon. Maybe, there's something triggered her to act like that. Kung ganoon, ano iyon? "Mr. Villa Leonor," anang masungit nilang prof. "Ngayon ka na nga lang pumasok, nililipad pa yata ang utak mo. Ayaw mo bang grumaduate? Mahalaga ang dini-discuss ko, kapag wala kang naintindihan, hindi na kita bibigyan ng tiyansang magtanong." Pasiring siyang nag-iwas nang paningin. As if he is scared if he graduates or not. Nag-enrol lang naman siya para hindi na siya sitahin ng kaniyang tatay. Isa pa, magandang pampalipas oras na rin ito bago siya mamatay. "Napaka bastos at walang modo talaga." Iyon na lamang ang huli niyang narinig nang iyuko niya ang kaniyang ulo sa lamesa niya para matulog. Wala nang choice ang professor niya kundi magpatuloy sa klase at wag sayangin ang oras sa kaniya. Nang tumunog ang bell, naging madali para sa kaniya ang magising mula sa pagkakaidlip, malas nga lang at hindi pa pala nakakalabas ang prof nila na nagliligpit pa lang ng gamit. "Know your responsibilities as a student, Villa Leonor. Sa totoo lang ay dapat hindi na kita pinapakialaman, pero nakakahiya naman sa tatay mong stockholder ng school, walang saysay ang pagpondo dahil barumbado ang anak. Architecture pa ang kinuha, tamad naman." Inirapan pa siya nito. Wala siyang nagawa kundi ang matawa sa inasta nito. "Burn..." Tumabi sa kaniya si Gio, narinig niya pa ang pagpapaalis nito sa katabi niyang babae. "Grabe talaga magsalita si tandang balon." Napairap siya sa sinabi nito. They call him tandang balon, because he is old and his name is literally Well. "Pero hindi naman ako kokontra sa sinabi niya, totoo naman na tamad at barumbado ka nga." Tumawa pa ito, iniinsulto siya. "Nga pala, sobrang busy ko dahil ang dami kaagad school works kahapon, anong emergency? Ano 'yon? What happened?" Inis siyang napasinghal. Minsan, daig pa talaga ni Gio ang babae kung magsalita. Sunud-sunod, masakit sa tainga. "Hinarang ni Mocco si Javin," maikli niyang sinabi. "Eh?" Gulat ito. "Si Mocco, 'yung drop-out?" "I don't know why, hindi ko masiyado nakausap si Javin, because he is really unwell last night." At hindi rin naman madaldal si Javin kagaya ni Gio na detalyado kung magsumbong. Natahimik si Gio, nakatingin sa pintuan sa unahang parte ng classroom. "Naalala ko na!" Napatayo pa ito, para talagang bata. "May nagkuwento sakin na muntik na raw mapaaway si Javin kay Arnel, hindi ba kilala 'yon na kasama sa frat ni Mocco? Ang sabi kasi, hinihila raw Arnel si Emerald, inaaya ng date, tapos dumating si Javin at nag-ala-superhero." Nagsalubong ang kilay niya sa narinig. As far as he knows, Javin isn't that type of person to help. Emerald? "I see..." Nasabi niya sa sarili. "Ha? I see? Anong I see?" Hindi niya sinagot si Gio, pero sa isip niya, iyon siguro ang dahilan kung bakit hinabol ng mga ito si Javin na kasama si Emerald kagabi. And why are they together anyway? Dalawang araw lang yata siyang nawala at may ganito nang pangyayari. Are they dating? Kung hindi naman... Maybe Javin is interested in Emerald. Napangisi siya. "So that's his type?" wala sa sarili niyang nasabi. "Ha? Type? Anong type?" si Gio pa rin. "Oo nga, anong type?" Sabay silang nag-angat nang paningin nang makita si Malik. Hindi nila napansin ang pagpasok nito sa classroom nila. "Nice, ha. Isang araw yata kitang hindi nakita?" si Gio kay Malik. "You remember the angelic girl that I saw on your condo? Binalikan ko siya kahapon, para pormahan, pero um-ekstra ang gangster mong kaibigan," tukoy pa nito sa kaniya. Sinamaan niya lang ito ng tingin. "Anong um-ekstra? Atsaka tumigil ka nga, Malik. Akala ko ba kay Camila ka? Bakit biglang hindi pa tapos ang araw na 'yon 'yung stranger naman na 'yon ang gusto mo?" puna naman ni Gio. What a playboy. He commented on his mind. Natahimik naman si Malik matapos nang sinabi ni Gio. "Hindi rin natin kilala kung sino 'yon. Isa pa, masiyadong mukhang inosente 'yon para sa'yo, sisirain mo pa ang buhay," pagpapatuloy ni Gio. "Saan mo nga pala dinala 'yung girl, Seb?" Malik asked. Hindi niya tinignan ang dalawa, bagkus napako ang paningin niya sa labas ng kanilang classroom. "To her friend," sagot niya. "To her friend?" si Malik ulit. "How well do you know her?" Hindi siya kaagad na nakasagot. "I helped her and her little friend, wala nang magulang, accused of stealing." Umawang ang labi ng dalawa. "If Javin is here, he would say that the girl was from a syndicate, look at the background," sabi pa ni Gio. Well... ganoon din ang iniisip niya. "But she looks too angelic for that," si Malik na natatawa at ayaw maniwala. "Well, don't judge the book by it's cover," si Gio. "Sabagay, ang weird nga noong nakausap ko siya. She seems innocent and clueless about all of the things that I am saying and explaining." Mas nag-igting ang pagkakasalubong ng kilay niya. Hindi lang pala siya ang nakapansin, even Gio. "Actually... I noticed it also when I purposely visited her at Constantine's condo," si Malik naman iyon. Nagkatinginan silang tatlo. "Friend siya ni Constantine?" si Gio. Naalala niya ang pagharang sa kanila ng guard para kuwestiyunin ang ginawang pagpasok sa gusali ni Faith. "I think so..." Malik said. "Maybe relatives also." After they talked, napagpasiyahan nilang kumain sa Canteen. Hindi pa naman siya immortal para tumanggi sa pagkain. The only thing that he doesn't like about roaming around their campus is the stares of the students, kung hindi admiration, takot at pagdisgusto ang nakikita niya sa mga mukha nang mga ito. Hindi ba puwede na pabayaan na lang siya at huwag pansinin? Mas gugustuhin niya pang ituring siyang tila hangin ng mga ito. "Na-miss ka yata ng students, Seb. Hinahabol ka ng tingin." Natawa na rin si Malik sa sinabi ni Gio. "Or baka ikaw rin, Guzman. Sa dami na nang pinaiyak mo riyan, kalahati riyan may galit sa iyo at kung nakakamatay lang ang tingin, nakabulagta ka na," banat naman ni Gio. He is always a mood setter. Siya naman ang natawa sa sinabi ni Gio. Because he's too lazy to fall in lane, tinawag niya ang isang lalaking estudyante na tingin niya ay first year pa lang. "B-bakit?" anang nito. Isang tingin niya pa lang, masasabi niya nang hindi ito sanay na makisalamuha sa tao. "Tell him our order," anang niya kay Gio. Naiilang namang napangiti si Gio. "Ito talagang si Seb." Wala rin naman itong nagawa kundi sabihin rito ang order. Nalihis lamang ang atensiyon niya nang makitang pumasok sa canteen si Gladys kasunod si Emerald at Breena.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD