“NAKAKABAHALA ITO, MAESTRO,” anang anghel na taga-pamalita sa kaniya matapos makita ang pagtakip sa Munting Anghel.
Hindi pa ito opisiyal na nagsisimula sa misyon at nadakip na ang Munting Anghel. Hindi sila pupuwedeng makialam. Dahil ang lahat ng ito ay parte ng plano Niya.
Kailangan lamang tatagan ng Munting Anghel ang kaniyang loob at pananampalataya. Lahat ng ito ay parte lamang ng pagsubok.
Dahil ang misyon nito ay hindi lamang basta-basta. Tatag, iyon ang kailangan.
“Tutulungan ba natin ang Munting Anghel, Maestro?” muling tanong ng anghel na taga-pamalita.
“Huwag aalisin ang mata sa kaniya, ngunit huwag na huwag mangingialam.”
HINDI MAPAKALI SI CONSTANTINE. Hindi niya alam kung bakit kakaiba ang nararamdaman niya ngayon. Kasalukuyan siyang nasa silid-aralan at sa mga oras na ito ay gusto niyang lumabas, kaya naman nang tumunog ang bell, Natataranta siyang lumabas, hindi rin naman niya alam kung saan pupunta.
Nakapamulsa niyang pinasok ang Canteen. Of course with his usual dead and bored stare.
“Oh…” Napahinto siya sa paglalakad nang makita niya si Sebastian.
Akala niya ay magka-cut class na naman ito kagaya nang paligid nitong ginagawa after um-attend ng isang beses sa isang klase sa buong araw.
Kaklase niya ito, kaya naman hindi mahirap sa kaniya ang obserbahan ito. He has the talent; he is surely artistic and creative, bagay na bagay sa architecture. Sa kabila ng ilang liban nito sa klase ay nakakapasa pa rin naman. Salamat siguro sa tatay nito na isang Villa Leonor. Pumasa man sa malinis o maruming paraan, may mga sarili namang kompaniya ang pamilya na kababagsakan.
Ganito karumi sa kanilang eskuwelahan. Palibhasa, pugad ng mga mayayaman.
Pinanood niya ang pagsenyas nito sa isang freshmen. Ugali na rin nito ang mag-utos sa iba para sa sariling kapakanan. He isn’t kind, kaya naman talagang mahihirapan si Faith rito.
He saw some of their interactions and in just few days, nahihirapan man ang anghel ay kinakaya nito, nakukuha nito ang loob ni Sebastian, bagama’t matigas pa rin ang pakikitungo.
How naïve that angel is…
Sabagay…
Ang mga anghel, ganoon naman talaga. He surely knows it. That feeling… that mindset.
And he never wanted to go back again.
“Excuse me,” a girl behind her said.
Nang lingunin niya iyon, nakita niya ang tatlong babae na kapapasok lang sa Canteen. Masiyado namang malaki ang daanan para patabihin pa siya ng mga ito, pero dahil nga hindi niya na ginagawang big deal ang mga ganito kaliit na bagay ay tumabi na lang siya at pinanood ang paglakad ng mga ito, tila mga reyna na dapat tingalain.
Dalawa lang pala sa tatlo. Those two girls are known in this campus; filthy rich. The other one is from the Comico family and the tallest is from Ming, a Chinese family.
Pinanood niya ang paghawi ng mga estudyante para makaraan ang tatlo.
Naningkit ang mata niya nang makita ang mukha nang nasa likuran ng dalawa. Hindi ba’t kasama ito kagabi?
The one who looks really pale and white.
“Oh my gosh!”
Nalihis ang atensiyon niya nang marinig ang ingay matapos ng katahimikan nang mangibabaw ang isang tunog. Someone just punched someone.
Naagaw ng gulong iyon ang atensiyon ng lahat.
It was Sebastian ang their boy classmate. Naaalala niyang nakita niya rin ito kagabi. Wala kasi ito sa room nila kanina, mukhang kararating lang at dito pa talaga dumiretso kaya malamang ay mangyayari ito.
“You still have the courage to show up here,” Sebastian said.
Nakaupo na ang lalaki sa sahig sa lakas nang pagkakasapak ni Sebastian rito.
Sebastian was about to lift up their classmate with an annoying smirk on his face when Sebastian’s friends stopped him.
Napasipol siya nang dahil rito.
This is so dramatic to watch, but he’s enjoying it.
“Seb, enough,” said by Malik.
Ito ang nabanggit ni Mina na nakalaban niya sa debate last year, the guy who also followed him to his condo. Of course he knows why, para hanapan siya ng dumi na tipikal na meron sa mga estudyanteng nag-aaral sa eskuwelahan nila.
Tipid naman siyang natawa nang yakapin ni Gio si Sebastian para hindi na makalapit sa tumatayo nang lalaki. Parang babae, parang babae rin mangialam. When Gio saw him looking at Mina the other day, wala na itong ibang ginawa kundi ang tignan siya nang malisyoso tuwing nagtatama ang mata nila.
“Tama na, tama na.” Talagang hindi binitawan ni Gio si Sebastian sa kabila nang pagpupumiglas nito.
“Bakit galit na galit ka sa akin? Ang kaibigan mo ang naunang nangialam. Kung makaasta, akala mo kung sino,” sabi pa ng lalaki.
He guess he is pertaining to Javin, the celebrity, at wala ito ngayon rito.
Doon na muling nakawala si Sebastian. Isang hakbang lang ay kaagad niya nang nakuwelyuhan ang kaklase nila, isa sa halos singkuwentang bata ni Mocco sa campus.
“Kung hindi ka nagpunta,” sa kabila nang pagkuwelyo rito ni Sebastian ay hindi man lang ito natakot na muling magsalita. “E ‘di hindi ka sana nadamay. Leksiyon lang naman sana para sa artistang iyon ang gusto ko, malas mo nga lang na may atraso ka pala kay Mocco-“
Hindi pa nito natatapos ang sanang sasabihin nang sapakin itong muli ni Sebastian.
“Sebastian!” Nahinto lang ang gulo nang isigaw iyon ng prinsesa ng mga Ming. What is her name again? Gladys Ming?
Her voice has been more powerful to hear when every whispered stop and the room turned quiet.
Huminto man si Sebastian na may marahas na paghinga, hindi naman nito nilingon man lang si Gladys.
Tila marami pang gustong sabihin si Gladys matapos nang sigaw nito, ngunit pinigilan lamang. Maybe to sustain her image; that she is calm and has an expensive personality.
Halos bumaling ang lahat ng ulo pabalik kay Sebastian galing kay Gladys matapos nitong pumunta sa table at kunin ang bag.
Aalis na sana kung hindi lang nagsalita ang bata ni Mocco na may mayabang na pagkakatayo at pagkakangisi sa labi.
“Hindi mo naman kasi sinabing may bago ka nang dini-date bukod kay Gladys.”
Lalong tumahimik ang lahat nang madawit ang pangalan ni Gladys.
Nakita niya kung paanong dumiin ang pagkakahawak ni Sebastian sa strap ng sakbit na bag.
“Tsk. Hindi ka ba nagbabasa ng message sa cellphone mo?”
“Hoy, Arnel. Ano ka ba?” si Gio.
Samantalang namumula na si Gladys, siguradong dahil sa galit at inis. Who wouldn’t? She is known as Sebastian’s girlfriend, baka nga maging fiancé pa at in-announce lang naman ni Arnel na may ibang kinikita si Sebastian sa halos kalahati ng populasiyon ng mga estudyante sa SPU. Mabilis pa naman kumalat ang balita rito.
He wonders who Arnel pertains to.
Sinong babae?
What if…
Dumapo ang paningin niya kay Sebastian na nagpatuloy sa paglabas ng kantina.
Sandaling namayani ang bulungan ng mga estudyante sa paligid bago itong muling bumalik sa kanina na palang walang nangyari bagama’t iba ang dating niyon sa mga nadamay lalong lalo na ni Gladys na pinilit pa ng babaeng Comico na umupo na.
“Constantine!”
At his back, Jia went running to him.
Hindi niya ito sinagot at hinintay lang na magsalita.
“G-ganito kasi, e.” Tila kinakabahan pa ito. “
“What?” hindi niya na napigilang hindi magtanong dahil iba na rin ang nararamdaman niya sa ipinapakita nito.
“Sabi kasi ni Mina… papasok siya…”
“And?” he asked.
“Pero wala pa rin siya. Kanina lang kasi t-in-ext niya sa akin na dadaan siya sa coffee shop.”
His heartbeat went faster as he used his special ability.
There he saw the vision of two girls tied in an abandoned place.
NAGISING SI FAITH SA INGAY na nagmumula sa paligid. Masangsang ang amoy ng kinaroroonan nila, tila puro basang semento at alikabok. Gising na ang diwa niya, ngunit wala siyang makita dahil sa itim na telang nakatakip sa mata niya at isa pa, nakatali ang mga paa at may niya sa tila haligi na kinasasandalan niya sa pagkakaupo niya sa sementadong sahig.
“Aba, anong oras na wala pa rin ang gagong iyon?” anang boses ng isang lalaki.
“Sigurado ka bang t-in-ext mo?!” Ito ang boses nang dumakip sa kaniya bago siya mawalan nang malay.
Hindi kaya pinag-iinteresan na siya ng mga ito dahil nakita nila ang ginawa niya? Hindi kaya mangyari na sa kaniya ang sinabi ni Maestro?
Pero… may mabuting taglay pa rin ang mga tao, hindi ba?
“Look,” boses iyon nang isang babae.
Umawang ang labi niya nang marinig ang boses ng isang babae, tila katabi niya ito sa malaking haligi dahil doon nanggagaling ang lakas ng boses nito.
“Tingin niyo ba, hindi ko nakita ang mga mukha ninyo? If we got out from this, you’ll be in jail!” galit na galit ito.
“Iyon ay kung makakalabas kayo?”
Ginamit niya ang kaniyang espesiyal na kakayahan para tignan ang paligid. Hindi siya magsisinungaling na nakikita niya ang paligid, ngunit hindi siya puwedeng magpahalata.
“Hindi ko ugali ang manlait ng kapwa, Mister. Pero sigurado akong mapupunta kayo sa kulungan-“
“Tahimik!”
Hindi na natapos magsalita ang babaeng may maikling buhok nang sigawan ito ng lalaki na nagtakip ng panyo sa ilong at labi niya, dahilan kaya siya nawalan ng malay. Doon niya lang napansin na naka-uniporme ito nang kagaya kay Sebastian, pero nakapalda kagaya ng suot ng girlfriend nito na si Gladys. Kung ganoon ay parehas ng eskuwelahan ang mga ito, pero bakit niya nakasama ang babaeng ito ngayon?
Iginala nito ang paningin. Hinahanap kung saan nanggaling ang kaluskos na narinig.
“Help!”
“Manahimik ka!” sinenyasan nito ang isa sa sampong mga lalaking kasama nito.
Kaagad naman tumungo ang lalaking iyon sa puwesto ng babae at nilagyan ng madikit na bagay ang labi nito para hindi makapagsalita, ganoon na rin ang ginawa sa kaniya, ngunit hindi siya nagpumiglas.
Sa kabila ng pagtakip sa labi ng babae, nagawa pa rin nitong gumawa ng ingay para humingi ng tulong.
Sandaling natahimik ang paligid nang mapagod na ang babae, pero napalitan iyon ng ingay na nagmumumula sa nilaglag na bakal. Gamit ang kaniyang espesiyal na abilidad ay hinanap niya kung saan iyon nagmula.
Sebastian! Tinawag niya ito gamit ang isip niya.
Hindi siya makapaniwalang narito si Sebastian!
Ililigtas ba siya nitong muli kagaya nang palagi?
Dala ang bag na pang-eskuwela, nakapamulsa itong pumasok sa abandonadong gusali na kinaroroonan nila. Sinadya nitong ihulog ang hawak na tubo para maagaw ang pansin ng mga lalaking nakabantay sa kanilang dalawa ng babae.
“Muntik ka ng mahuli?” panimula ng lalaking dumakip sa kaniya. Naroon na naman ang ngisi nito at ang mayabang na asta nang harapin si Sebastian na kalmadong naglalakad.
Dumapo ang paningin nito sa kanilang dalawa at mas kumunot pa ang noo nang makita ang babaeng katabi niya na tila nagtataka kung bakit narito.
“You got the wrong girl. I don’t date any of this two,” anang ni Sebastian na tamad na tumingin sa lalaking iyon.
Naging kalmado naman ang babaeng katabi niya simula marinig ang pagdating ni Sebastian, tila nakakita ng pag-asa.
Naglaho ang nangaasar na ekspresiyon ng lalaki matapos marinig iyon. Sandali pa sila nitong tinapunan ng tingin.
“Hindi na mahalaga kung Nagkamali man kami. Ang mahalaga nandito ka na-“
“Hanggang kailan ka mandadamay ng ibang tao para lang sa akin?”
Umakto namang natatawa ang lalaking iyon. “Bakit? Kung hindi ba, aamin ka sa ginawa mo?”
Tila huminto ang kaniyang paghinga nang marinig iyon.
Kung ganoon ay may galit ang lalaking ito kay Sebastian? At may kailangang aminin si Sebastian?
Nakapamulsang nag-iwas nang paningin si Sebastian. “Let them go.”
Agresibong kumapit ang lalaking iyon sa kaniya. Nanginginig ang kamao nito nang kuwelyuhan si Sebastian, marahil ay dala ng galit sa hindi nito pagsagot ng tama.
“Ang tigas ng mukha mong mabuhay nang normal matapos ng ginawa mo,” sabi pa nito kay Sebastian. “At hanggang ngayon, sa ilang taon kong pagharas sa iyo, ni hindi ka man lang nakonsensiyang umamin na ikaw talaga ang dahilan kung bakit nangyari ang trahedyang ibinaon sa limot ng mayaman mong pamilya-“
Hindi nito naituloy ang sanang sasabihin nang wala ng kahirap-hirap na alisin ni Sebastian ang kamay nito sa pagkakakuwelyo rito.
“Umaasta kang walang kasalanan,” ngunit nagpatuloy ito. “Ikaw ang puno’t dulo ng lahat, gago!”
Nanatili namang walang imik si Sebastian.
Sa inis ng lalaking iyon ay pinagsisipa at pinagsusuntok nito ang pader. Napayuko na lamang ang mga lalaki sa banda nito, takot marahil sa inaasta nito o nakikisimpatya.
“Wala kang puso. Gago ka, Sebastian!”
Nararamdaman niya rin ang gulat at pagkalito ng babaeng katabi niya.
“Sinasabi ko…” lumambot ang boses niyo. “Sinasabi ko sa iyo, hindi matatapos ang taon na ito nang hindi nabubunyag ang kasalanan na ginawa at tinakpan mo. Hindi ako titigil, Sebastian. Kahit ilang buhay pa ang madamay, mapaamin ka lang.”
Ano ang kasalanan na ginawa ni Sebastian?
Hindi kaya…
Si Sebastian ang susi sa misyon niya dahil kagaya nang sinabi ng lalaking iyon… si Sebastian ang puno’t dulo?