MINA CAN’T CONTAIN HER FEELINGS. Hindi niya naman kasi naisip na puwede siyang isakay ng mga ito sa van at isama sa planong pagdakip sa babae na tingin niya ay katabi niya lang sa haliging kinatatalian nila, pero hindi kagaya niya na palaban, walang imik ang babaeng ito.
She tried to talk to them, but it end up for them to cover her mouth with a wide tape so that she couldn’t talk. Sa kabila niyon ay nagpumiglas siya, pero hindi iyon naging sapat. Not until Sebastian, like what the guy who captured them said appeared.
Hindi pa matanggap ng utak niya ang mga naririnig niya.
Ano ang kasalanan ni Sebastian sa mga dumakip sa kanila ng babae na napagkamalan ng mga ito na babae ni Sebastian?
Based on what she heard, may nagawa si Sebastian na hindi nito maamin at pinagtakpan ng pamilya nito?
Kilala ang mga Villa Leonor sa mundo ng business kaya naman hindi niya alam kung maniniwala siya na may duming itinatago ang mga ito, like what the guy is claiming. Dahil sa kilala nga ang mga ito, hindi mahirap para sa mga paparazzi ang umungkat ng ganitong balita.
Kung ganoon, sobra-sobra nga siguro ang kayamanan na meron ang pamilya nito na nakaya ng mga ito na itago iyon sa loob ng ilang taon.
Hindi siya mahilig sa mga ganitong tsismis, pero tila bigla soiyang nagkaroon ng interes kahit na hindi naman talaga siya malapit kay Sebastian. He is just really famous in their school as elite, a bully, a gangster and one of the handsome faces in their campus.
“Sinasabi ko… Sinasabi ko sa iyo, hindi matatapos ang taon na ito nang hindi nabubunyag ang kasalanan na ginawa at tinakpan mo. Hindi ako titigil, Sebastian. Kahit ilang buhay pa ang madamay, mapaamin ka lang.”
Wala pa rin siyang makita, pero nangibabaw ang katahimikan matapos na sabihin iyon ng tila leader ng mga dumakip sa kanila.
Akala niya ay pera ang rason ng mga ito noong una, dahil mukha namang mayaman ang babaeng katabi niya, kung hindi man, kaya niyang magbigay ng malaking pera gamit ang savings niya, but to know what the reason is… kahit hindi man ganoon kalalim, wala na siya sa lugar na manghusga.
“Hindi ko papakawalan ang mga ito, hanggang sa umamin ka,” sabi pa ng lider ng mga ito. “Tignan ko na lang kung hindi ka pa kumanta kapag bugbog sarado ka na.”
Nanlaki ang mata niya sa narinig, kasabay ng pagtibok nang malakas ng kaniyang puso. Hindi siya sanay sa ganito. Hindi niya kayang makasaksi ng ganito kahit sa pandinig lang.
Namutawi ang mga hakbang ng mga paa kasabay ng pagkaskas ng tila mahahaba at mabibigat na kahoy sa sementong kinauupuan nila.
Are they nuts? Hindi ba takot ang mga ito na makulong?!
Ganoon ba kalaki ang galit ng lalaking ito para banggain at tangkaing bugbugin ang tagapagmana ng mga Villa Leonor?
If Villa Leonors are really cruel, then, they can make this boys disappeared in an instant using their money.
She doesn’t want to witness this…
She still has it… the trauma that the incident left her…
It’s her fault…
This is also her fault.
Pakiramdam niya ay nagtutubig na ang kaniyang mga mata.
Her hands are also shaking because of the fear in the past… bumabalik nang dahil rito.
Sandali siyang natauhan nang maramdaman ang pagdampi ng kamay ng babae sa kaniya.
“Huwag kang matakot… Ililigtas Niya tayo… Ililigtas tayo ng Panginoon.”
Hindi niya alam kung paanong nangyaring tila naririnig niya ng boses ng babaeng ito…
Aren’t the guys put masking tape on her lips also?
GLADYS WAS ABOUT TO LEAVE their table after eating together with Breena and Emerald when Arriane, the President of Department rudely put down her bag on their table. Ito ang nakabangga niya ng isang araw, the reason why she got stains on her uniform.
Arriane is a pick-me-girl. She acts nice, but she is the meanest.
They were both mean. Ang pinagkaiba lang siguro, hindi siya ngumingiti at ito naman ay palaging nakangiti; like a saint. Of course, to gain attention and praises that she is kind to attract more stupid boys and to be idolized by those stupid girls also.
Like now, she is exactly wearing her fake smile to annoy her.
Naramdaman niya naman ang pagtingin sa kaniya ni Breena, maybe to check if she was annoyed with Arianne and her friends at her back.
Of course she is, but it’s a waste of time to fight with them.
“Ang cute, ha,” and Arrianne really started it. “May ibang babae pala si Sebastian?”
Of course, Arriane will know it. Maybe she also waited for this moment to come. Ang makahanap ng bagay na puwedeng ilaban sa kaniya. What a pathetic loser.
Akala ba nito ay hindi niya alam na gusto rin nito si Sebastian kaya naman palihim siya nitong pinag-iinitan. How unlucky of them, they can’t bully her and she is unbothered until this time came, dahil sino ang hindi maiinis?
That jerk really never fails to make her mad.
After what that guy said that he is dating anew girl, aalis na lang siya na parang walang nangyari?
She can almost recall how Sebastian walked away ang how his friends followed him eventually.
This is all his fault and he will pay for this.
“Arriane, isn’t too rude of you to talk about that in front of Gladys?” hindi na napigilan ni Breena ang magsalita.
Nanatili naman ang matalim niyang titig kay Arriane. Silang tatlo ay naiwang nakatayo habang si Arriane naman ay umupo sa upuang kaharap niya at sa likuran niya naman ay naroon ang mga kaibigan nito na natatawa pa.
“Bakit? Isn’t it funny that Ming’s princess is not enough for Sebastian?”
“Arriane, ano ba-“
“Oh shut up, dumby?” Tumaas ang boses nito. “Huwag ka nang umakto na parang ang tapang-tapang mo. Ano ka nga lang ba dati?” Tumayo ito at dinuro ang noo ni Breena.
Bumagsak naman ang paningin niya sa lamesa.
“Bobo ka dati, Breena. Hanggang ngayon. Kung hindi ka lang nasama kay Gladys, baka loser ka pa rin-“
Naudlot ang sinasabi nito at ang tawanan ng mga kaibigan nito nang kunin niya ang pulso ng kamay na ginamit nito panduro kay Breena.
Patapon niyang binitawan ang kamay nito, kasunod niyon ay umalingawngaw ang sampal na ibinigay niya rito. Ni hindi man lang siya natinag at kumurap nang gawin niya iyon. Samantalang naagaw na naman nila ang atensiyon ng mga estudyanteng kumakain sa Canteen.
Sa lakas niyon ay bumaling pa ang mukha nito sa kaliwa.
“G-gladys…” hinawakan ni Breena ang braso niya para tangkain siyang pigilan.
She couldn’t believe that all of it was just happened in a day. All of this was draining her patience.
“Wow…” Inayos ni Arriane ang nagulong buhok at namamangha siyang tinignan. “You are acting like you are defending a bullied. Hindi ako makapaniwala.”
Hindi siya nagsalita.
“Hindi ba’t ganito rin ang ginagawa mo kay Emerald?”
Nagbulungan ang mga estudyante sa paligid nila.
Sa kabila niyon ay nanatili siyang kalmado.
“I have the money to pay her for her service and you have none.” Matapos ng sinabi niya ay muling natahimik ang Canteen. “My bad, your family is kind’a rich for owning few private hospitals in Luzon, pero hindi ka nga pala binibigyan ng pera, because they are disappointed na hindi ka nakapasa sa Med school. So whenever you and your friends want to party, who are you making to pay?”
Nanatili ang katahimikan.
Everyone is listening like their life depends on what story is she about to tell.
“It’s Breena,” she said. “You made friends to her to be your wallet because her parents love her too much and she all has the luxury to spend any amount that she wishes.”
Nakita niya kung paanong kumuyom ang kamao ni Arrianne sa sinabi niya. She really looked embarrassed right now, pati ang mga kaibigan nito sa likuran nito ay napayuko na. It’s funny how their smiles vanished.
Uno reverse card.
“Sino ang mas nakakahiya sa ating dalawa? Me who has everything, na isang lalaki lang ang hindi nakuntento or you who doesn’t have anything, pretending of having any but her parents chose to abandon because of your own stupidity?”
Mararamdaman niya na sanang nagtagumpay siya kung hindi lamang umalis si Breena sa tabi niya at tumakbo palabas ng silid.
She gritted her teeth.
BREENA ISN’T EXPECTING THAT Gladys would bring-up about her past. She wanted to cry that time while remembering what those girls did to her when she still has no courage to stood up for her own sake, something that she doesn’t want to remember anymore.
She has left no choice, but to run away from them than to shed tears right in front of them.
While sitting on a bench, watching the school garden, she reminisce what happened years ago before Gladys came.
back on senior highschool, the girls from their school especially their classmates always picks on her. Mayaman nga siya, pero hindi naman siya maganda at matalino kaya kung ano ang kahinaan niya, iyon ang pinanlalaban nang mga ito sa kaniya.
Isa pa, masiyado siyang madaling mauto dahil lumaki siyang mabait at inosente sa mga mapanlamang at manggagamit na mga tao. Hindi rin siya gaano napapansin ng mga lalaki sa paligid niya dahil hindi naman siya kagusto gusto. She literally looks like a loser before with her braces and thick eyeglasses.
At dahil nga sa talagang mayaman siya at ini-spoil siya ng Mommy at Daddy niya pagdating sa pera, hindi niya problema ang gumastos ng kahit ano, pero sa kabila niyon nanatili siyang simple; sa paggastos man o sa sarili.
And before she graduate on senior high school Arriane and her friends invited her to go to a bar like the usual and of course she was already expecting that they will use her cards to pay.
Hindi niya naman iyon ininda, kasi masiya na siya sa sinasama at inaya siya nang mga ito.
One time nga ay isinama pa siya ng mga ito sa mall, just for her to treat them. They spent a lot using her card, para bumili ng mga designer items para sa mga sarili ng mga ito.
And they act as if they are really close.
But the next morning, when she tried to approach them para man lang sana makasabay ang mga ito na kumain ng lunch sa school umakto ang mga ito na para bang nahihibang na siya at wala siyang magawa kundi masaktan at malungkot habang tinitignan ang mga bags na gamit ng mga ito nung araw na iyon na galing sa sarili niyang pera at heto na namn sila at inaya siya.
Maybe it was really her fault that she is just so naïve and she craves for the presence of friends.
“Sige na, Breena.” Inakbayan pa siya ni Arriane. “Sama ka na, ha? Sorry if hindi ka namin isinasabay sa lunch last time, wala lang talaga kami sa mood, pero okay naman na ngayon, so pumunta ka na.”
“Oo nga, Breena. That would be fun!”
wala siyang magawa kundi tignan ang mga mukha ng mga ito na nakangiti sa kaniya. They really look genuine when begging for this and it hurts to think na siguradong pagkatapos nito ay hindi ganito ang mukhang ibibigay ng mga ito sa kaniya, pero hindi niya kayang tumanggi.
Okay lang naman siguro na pumayag siya dahil last naman na ito siguro dahil sa college, mukhang hindi sila magiging magkapareho ng course at magiging bihira na lang ang pagkikita nila kung sakali.
“Ano? You’re coming na?” si Arriane.
“O-oo…”
“Great!”
And the night for the party came. This is the same bar where they are always going, tuwing gusto ng mga ito na mag-party kahit na wala pa sa legal age. Isa kasi sa mga kaibigan ni Arriane ang may connection sa may-ari ng bar kaya nakakapasok sila.
She took a deep breath before entering the bar that night, wearing a faint smile on her face as she went to their table.