REMEMBERING THOSE DAYS FOR BREENA is also remembering why she should be thankful to Gladys, for turning her what she is right now. Tama naman si Arianne, talaga lang na masakit para sa kaniya na marinig ito… because that memory holds the most direct and painful words from Gladys, words that woke her up.
As she enter the bar that was owned by Guzman’s, the smoke of cigarettes and filled liquors filled her nose. Huminto siya sa tapat ng kinauupuan nila Arianne.
She didn’t expect that Arianne would bring a lot of her friends, ang iba pa nga ay hindi niya usually na nakikitang kasama nito. They are twelve some boys and girls… siguradong magiging malaki ang gagastusin niya rito.
“Oh,” si Ariane nang mapansin niya na ito. “Para ka namang gulat na gulat.”
“N-no…” sabi niya. “It’s just really dark.”
“Come sit with us.”
Sumunod naman siya at umupo sa bakanteng upuan. Inayos niya ang kaniyang salamin. Hindi siya mapakali, hindi rin naman kasi siya isinasali ng mga ito sa usapan na meron sa table, kaya wala siyang magawa kundi panoorin silang magsaya at magpadagdag ng drinks at pulutan sa table.
“Who is she nga pala? Are you okay?” tanong ng isa sa mga lalaking naroon sa table.
Hindi niya alam pero tila Nabuhayan siya roon na may nagtanong sa kaniya.
“I’m Breena-“
“Don’t mind her,” kaagad na sumingit si Arianne. Masama pa ang pagkakatingin nito sa kaniya. “Hindi talaga ‘yan mahilig makisalamuha, right?”
Sandali siyang natigilan nang mga sandaling iyon. Hindi naman kasi ganoon ang nararamdaman niya. Pakiramdam niya ay sinadya iyon ni Arianne para hindi siya bigyang pansin ng lalaking iyon dahil halata naman na type ni Arianne iyon.
Tila gusto niya na lang na maiyak roon, pero pinigilan niya, bagkus ay nagpakita siya nang pekeng ngiti.
“I see…” naiilang na ngumiti sa kaniya ang lalaki bago nagbalik nang paningin kay Arianne.
Ilang minuto lang ay nangibabaw na ang tawanan nang mga ito, may pinaguusapan. Dahil hindi na rin naman siya nag-i-enjoy kasama ang mga ito, nagpasiya na lang siya na umalis at pumunta sa bar stool sa harap ng bartender.
Sa ilang beses nilang pagpunta rito, hindi niya pa nararanasang literal na mag-party at uminom ng alak. Alam niya kasi ang mga limitasiyon niya at responsible siya pagdating sa kaniyang sarili.
Napabuntong-hinga siya bago umupo sa stool. Pinanood niya naman ang paghahalo ng barista ng inumin.
“Another shot.”
Dumapo ang paningin niya sa babaeng nagsabi niyon.
The girl is really pretty. She has a long, straight and black hair. She is also wearing a red dress, pero hindi kagaya nang ibang nandito, hindi siya mukhang tipo ng babae na naghahanap ng hook-ups. She looks classy and expensive. Masasabi niya ring foreigner and babae, maybe Korean or Chinese.
Nanlaki ang mata niya nang dumapo sa kaniya ang paningin ng babae.
“You did the right thing to do,” sabi nito. Tinutukoy siguro ang pag-upo niya sa tabi nito. “Are you really friends with those?” Ang paningin nito ay nasa baso, pero alam niyang ang mga kasama niya ang tinutukoy nito.
Naramdaman niya na naman ang lungkot niya kanina.
“K-kaibigan ko sila,” she tried to defend.
Tumango tango ang babaeng iyon, pero mukha namang hindi naniniwala.
Hindi na muling nagsalita ang babae. Nagpatuloy na lang ito sa pag-inom. She also tried to drink, pero hindi niya nagustuhan ang lasa kaya naman tinigilan niya na.
Nilingon niya na lang ang likuran niya para tignan ang mga sinabi niyang kaibigan niya na hindi nalalayo ang table sa kanila.
Masaya ang mga iyon kahit wala siya.
Kahit tuloy na pinipigilan niya ang pamumuo ng luha niya, hindi siya nagtagumpay.
After few hours, nakita niya na kaagad ang paglapit ni Arianne sa kaniya. Mukhang tapos na sila at magbabayad na.
Walang sinabi si Ariane, naglahad lang ng kamay sa kaniya.
Nanginginig pa siya nang hanapin ang card niya.
“H-here…” sabi niya.
Peke namang ngumiti si Arianne sa kaniya.
Pinanood niya ang pag-alis nito para magbayad.
“What are you, an ATM machine?”
Hindi niya inaakalang sasabihin iyon ng katabi niyang babae.
That was direct, without filters. Pakiramdam niya ay maiiyak siya.
“I don’t get it, nerd.” She called her ‘nerd’, pero ewan niya ba kung bakit hindi siya nainsulto nang sa babaeng ito nanggaling. “Halos hindi ka nila ini-entertain at ngayon, ikaw ang magbabayad ng bills nila?”
“Okay lang-“
“What’s your name?” biglaang tanong nito.
“Breena C-comico,” sagot niya.
“Comico?” Umasta pa itong nag-iisip. “Let’s say that you are filthy rich, but what you are still doing right now is plain stupidity.”
Hindi siya nakapagsalita sa prangkang pagkakasabi nito sa kaniya. Hindi niya alam, pero biolga siyang nahiya para sa sarili.
“What the hell is this?” bumalik naman si Arianne sa gawi niya dala ang kaniyang card, mukhang nagkaproblema. “Are you sabotaging me?! Nakakahiya, Breena!”
Napatayo siya, kinakabahan.
Anong nangyari sa card niya? Hindi naman iyon pinapakialaman ng parents niya.
“H-hindi ko alam…” Pinigilan niya ang panginginig ng kaniyang kamay.
Sobra-sobra ang kaba niya. Galit na galit si Arianne ngayon.
“Alam mo…” Lumapit ito sa kaniya at dinuro duro ang ulo niya gamit ang hintuturo nito. Unti-unti niolang naagaw ang atensiyon ng ilang tao na malapit sa puwesto nila. Namamanhid na siya sa pagkapahiya. “Ang bobo mo lang talga. Sa kahit ano na nga, useless ka na, pati ba naman dito?”
“H-hindi ko naman alam na mangyayari ‘to… hindi naman ginagalaw nila Mom ang card at account ko-“
“Hoy,” si Arianne. Hinampas nito ang card niya sa dibdib niya sa mabagal at paulit-ulit na paraan, bawat salitang bigkasin nito. “Huwag mo akong dinadaan daan sa paawa mo. Gawan mo ng paraan na mabayaran ang bills. Stupid!”
Nanginginig niyang pinulot ang nilaglag ni Arianne na card niya. “S-sige… sorry, Arianne… sorry talaga.”
Bago pa man siya makaalis sa bilog ng kumosiyon para tawagan ang parents niya, narinig niya pa ang huling sinabi ni Arianne.
“Sorry sorry, dapat talaga hindi na lang natin siya in-invite.” Tila kausap pa nito ang mga kaibigan niya. “A-ah! Ano ba?! Who are you?!”
Nagulat siya nang makita ang ginawa ng babaeng kausap niya sa stool kanina.
The girl is now pulling Arianne’s hair.
Bumalik siya roon para pigilan ito, pero nang gagawin niya na sana ay tinignan na siya kaagad nang masama ng babaeng iyon.
“Don’t touch me,” sabi pa nito sa kaniya.
Wala siyang nagawa kundi mapaatras at panoorin ang nangyayari. Pakiramdam niya ay siya ang nasasaktan sa pagkakahila nito sa buhok ni Arianne.
“Let go, ano ba?!” Patuloy nitong reklamo.
Sa wakas ay binitawan nga ng babaeng iyon ang buhok ni Arianne.
Susugod pa lang sana si Arianne para bumawi, mukhang lasing na lasing na rin, pero nasampal na ito kaagad ng babae na sa lakas ay muntikan pa itong matumba kung hindi lang kaagad nasalo ng mga kaibigan nito. Umabante na rin ang mga lalaking kasama ni Arianne at ng mga kaibigan nito sa table kanina.
“Miss, ano ba ang problema?” sabi pa ng lalaking nagtanong sa kaniya kanina, inaalalayan si Arianne na hawak pa rin ang pisngi na sinampal ng babaeng iyon.
Sa kabila ng nangyayari, hindi man lang natinag ang babae, walang bakas ng takot sa mukha.
Nagtawag na rin ng mga bouncers ang ilan sa kasama ni Arianne at para naman siyang mangmang na nakatayo lang sa gilid ng babae.
“I’ll sue you, witch!” sabi pa ni Arianne.
“Miss Ming,” lumapit ang mga bouncers sa babaeng iyon, mukhang tinawag ito gamit ang apelyido at pamilyar sa kaniya ang surname na iyon. “Ano po ang problema?”
Imbis na tignan at kausapin ang bouncers, nanatili ang malamig na tingin ng babae kay Arianne.
“Aren’t you embarrass?” sabi pa nito.
Umawang naman ang labi ni Arianne, tila hindi makapaniwala sa sinabi ng babae. “Embarrassed for what? Ikaw ng dapat ang nahihiya. You slapped a stranger and you also pulled my hair!”
Nag-iwas nang paningin ang babae kay Arianne. “Hindi mo dapat na inimbita si Breena?”
Nanlaki ang mata niya nang mabanggit nito ang sinabi ni Arianne at ang pangalan niya.
Kaagad namang dumapo ang matalim na tingin ni Arianne sa kaniya. “You know her?!”
“A-arianne… kasi…”
Hindi niya na natuloy ang sanang sasabihin nang hilain siya sa damit ng babae pabalik sa puwesto niya kanina.
“You shouldn’t have invited her,” patuloy ng babae. “You really have a thick face to ask her for money. Bakit? Wala kang pambayad? Anong silbi ng mga kasama mong lalaki? Mga wala ring pambayad?”
“M-miss…” Hinawakan niya ang dress nito para pigilan. “Okay lang…”
“Excuse me?!” si Arianne. “As far as I remember pumayag ang stupid na iyan to pay-“
Hindi na naituloy ni Arianne ang sanang sasabihin nang ihagis ng babae ang lilibuhin nitong pera sa mukha ni Arianne.
Ni hindi nito magawang magalit dahil pera iyon.
“That is for your bills,” sabi pa ng babae. Matapos ay naglabas ito ng card. “Then use this to buy class, user.”
After doing that, the girl walked out from the scenario, but upon realizing something, she came back to pull her out from the crowed and all that she could do was too look at her with pure gratefulness and admiration.
That night, the girl took her home. The girl even talked to her Mom and Dad who just woke up from sleeping when they arrived. Her parents thanked her and felt honored knowing that she is from the Ming clan. Hindi nagalit ang parents niya sa kaniya, instead they hugged her and told her that they are very sorry, kahit na wala namang mga kasalanan ang mga ito. They also told her that she should learn her lessons by now, because money can’t really buy real friends.
Dumaan ang summer, matagal niyang hinintay ang school year para sa kolehiyo, dahil kahit hindi man siya outstanding sa klase, ang eskuwelahan ay isa sa bumubuhay at nagpapasaya sa kaniya.
She took up a course that was related to fashion and design, hindi man kasi siya maganda, masaya naman siya na mag-design ng mga magagandang damit para sa iba.
She thought she would finally have her peace, dahil ang alam niya’y iba ang kinuha na course ni Arianne at wala siyang magiging kaklase na kaibigan nito, pero talagang sa galit ng mga ito sa nangyari noong nakaraan ay pilit nitong pinagkukrus ang kanilang mga landas.
And she have no other option, but to tremble in fear while Arianne and her friends are towering her and blocking her way in the morning for the first day of class.
“Ayos, ah. Tingin mo makakalimutan ko ang nangyari?” Nakapaskil ang pekeng ngiti sa labi ni Arianne nang sabihin iyon. “You ruined my reputation.”
“S-sorry, Arianne… hindi ko naman kasi sinasadya. Hindi ko alam… sorry…”
Arianne was about to slap her, when she also stop in the middle. Marahas nitong ibinaba ang sariling palad at napa-iwas nang tingin matapos tignan ang nasa likuran niya.
Sa pagtataka ay tinignan niya na rin kung ano iyon.
And she was surprised to see the girl who saved her that night.
Bumaba ang paningin niya sa suot nitong I.D., Gladys Ming. That’s her name.
Simula nang araw na iyon at nang malaman niyang parehas sila ng kurso, wala na siyang ginawa kundi sundan ito kahit na itinataboy pa siya nito, because according to that girl she don’t make friends, but because of her perseverance Gladys accepted her, kahit na hanggang ngayon ay malamig pa rin ang pakikitungo nito sa kaniya.
But she’s thankful to have her.
Gladys also taught her how to dress and act and that was a big thing that helped her to change for the better and especially for herself.