[26] Beginning of the Connection

2001 Words
HINDI NAMAN DAPAT NA NAG-AALALA si Sebastian sa babaeng hindi niya naman talaga kilala. He already read an unknown number’s message and certainly it is Mocco. He told him to go to the location he gave to get his girl back. Nang mabasa niya iyon ay tinawagan niya kaagad ang number ni Leah, the one he’s making out with last night. “Hello,” he said. It’s not that he is concerned about her, talaga lang na obligasiyon niya ito dahil siya naman talaga ang pakay ni Mocco. “Yes? I’m in the middle of the class, pero umalis muna ako kasi you called.” Bakas pa ang saya sa boses nito. “Are we gonna meet again?” Napapikit siya nang mariin. Kung hindi ito ang kinuha ni Mocco, sino? Is he stupid for just grabbing someone para lang gawing pain sa kaniya- Natigilan siya sa sariling naisip. “Uh, Seb? Still there? Sabi ko if magmi-meet ba tayo after class? I heard um-attend ka raw ng class at nag-away pa kayo ni Arnel. Are you okay? Hindi kasi ako nakababa sa Canteen e.” “Hindi, I’ll be busy. You should be careful and be always on crowded places when you are out.” “Okay-“ It’s obvious that Leah still wants to ask for questions because she sound confused, but he already hung up his phone. Lumabas siya sa campus at kaagad na sumakay sa motor pagkatapos magsuot ng helmet. Hinihingal na siya sa pagmamadali nang buksan ang pinto ng apartment kung saan niya piantira pansamantala ang magkapatid at si Faith. “Kuya?” bakas ang pagtataka sa mukha ni Lili sa biglaan niya pagbisita. Nagwawalis pa ito sa maliit na living room at ang kapatid naman ay nanonood pa ng T.V., nasa kaniya ang paningin. “Kuya, ayos ka lang ba?” muling tanong ni Lili. “Where is she?” he asked. “Sino, Kuya?” Pinuntahan niya kaagad ang kuwarto, kusina at banyo, pero wala rin doon si Faith. Damn. Napahilamos siya sa mukha. Mocco really got the wrong girl. Paniguradong pinasundan siya nito at nakita na kasama si Faith kaya inakalang ito ang babae niya… or maybe he is just really right that Faith was part of them? “Kuya?” Hinabol pa siya ni Lili hanggang sa kusina. “Huwag kayong lalabas ng kapatid mo. Text me if anything happens. Lock the windows and the doors.” Dala ang susi ng kaniyang motor ay nilisan niya ang apartment para puntahan ang location na sinabi ni Mocco. And he is right, si Faith nga ang babaeng nakatali sa posteng iyon, pero ang ipinagtataka niya’y may isa pang babae. Malayo ang agwat nila kaya naman hindi niya mabasa ang pangalan nito sa suot na I.D., who is she? Sa pagkakakita niya pa ay suot nito ang uniform ng SPU. They are from the same school. Hindi niya alam kung dapat ba siyang mainis sa mga pinagsasabi ni Mocco dahil isa sa mga nag-aaral sa parehas na eskuwelahan ang nandito na maaaring ipakalat ang balitang narinig. That was years ago… before he lost everything that he cherished, years ago when everything was just pure happiness and love. “Hindi ko papakawalan ang mga ito, hanggang sa umamin ka,” sabi pa ng lider ng mga ito. “Tignan ko na lang kung hindi ka pa kumanta kapag bugbog sarado ka na.” Kumilos ang mga bata ni Mocco sa likuran niya, kinuha ang mga kahoy na nakatabi sa dingding. Nag-iwas siya nang paningin. This would hurt really badly. Hindi naman siya bakal para hindi masaktan sa ganitong klaseng bugbog. Kung bakit ba naman kung saan-saan nagpupunta ang babaeng ito. Wala tuloy siyang magawa kundi ang mapabuntong hininga at hintayin ang pagsugod ng mga ito dala ang mga mabibigat na kahoy. Tinapunan niya ng tingin si Faith na hindi gumagalaw. Tiala wala man lang naramdaman na takot sa kabila ng pagdakip sa kaniya at sa nangyayari sa paligid. Gusto niyang mainis na tila ba wala itong ideya na seryoso na ang nangyayari ngayon. Nahinto rin ang pag-iisip niya nang makitang tanggal na ang tali ni Faith. Gusto niyang humanga sa loob ng ilang segundo na nagawa ito ng wirdong babae, pero nanumbalik ang inis niya nang imbis na tumakbo na ito o kaya ay kalagan pa ang babaeng katabi ay hinawakan pa nito ang kamay ng babae na mukhang nanginginig na ngayon sa hindi niya malamang dahilan. How stupid! And she’s also wearing his slippers in a situation like this? Really? Hindi ba’t binilhan niya ito ng tsinelas na sakto lang sa sukat ng paa nito? And why is he still thinking about that when a guy was about to hit him. Sinubukan niyang labanan ang mga iyon na nagsunod sunod na sa pagsugod sa kaniya, pero nauubusan na siya nang lakas at unti-unti niya nang nararamdaman ang bigat ng mga kahoy na iyon. “Ugh…” he winced in pain when the wood hit his left shoulder. He was about to shout for her to run, dahil sigurado siyang hindi siya magsasalita kahit na ano pang mangyari at madadamay ang dalawa ng babae, pero bago niya pa man iyon magawa ay nangibabaw na ang tunog na nagmula sa paghiyaw ng lalaking sanang hahampas sa kaniya matapos itong mataamaan ng hinagis na kahoy, tila bagong prisensya sa lugar na ito at hindi nga siya nagkakamali. Doon ito pumasok sa sirang dingding na dinaanan niya rin kanina, sa labas niyon ay tanaw na tanaw ang maberdeng palayan sa paligid. He couldn’t believe that all of the people, si Constantine pa ang makikita niyang lumitaw sa senaryo. He’s just like him when he first entered this abandoned building. Walang mababakasang takot sa mukha. And surely, he was the one who threw the wood on this boy’s back. Dahil roon ay nahinto ang mga ito sa pagpalo sa kaniya. “Bakit kayo huminto?!” galit na sinabi ni Mocco. “Mocco…” Sinenyas ng isa sa mga bata nito ang dumating na si Constantine gamit ang tingin. “Ano ba-?!” Hindi naituloy ni Mocco ang sanang sasabihin nang makita si Constantine. Tila nagulat pa ito nang makita ang mukha ni Constantine. “Anong ginagawa mo rito?!” si Mocco, pagalit man ang pagkakatanong, may pagpipigil pa ring mababakasan doon. “I heard that someone who shouldn’t be here is here.” Tinignan nito ang gawi ng babae na katabi ni Faith. Tinignan na rin ni Mocco at ng mga bata nito ang gawi ng babaeng iyon. Tila naman nabuhayan ang loob ng babaeng ito “Malay ko bang kilala mo ‘yan?” dahilan pa ni Mocco. Sandaling nag-iwas ng paningin si Constantine bago ito naglakad papunta sa direksiyon ni Mocco. Kusang humawi ang mga bata nito nang dumaan si Constantine. Nang makarating ito sa harapan ni Mocco, kaagad din nito itong kuwinelyuhan. “A-ano ba?!” si Mocco. “Hindi ko nga sabi alam, e!” Tila takot na takot na ito na ipinagtataka niya. Who is Constantine to him? “Are you gonna let us wait for sunset or not?” kahit kalmado ang boses ni Constantine ay bakas pa rin ang inis sa boses nito. How weird. Hindi naman ganito ito sa kanilang school. Constantine is always unbothered and cold. Cool. Anong meron sa babaeng ito at kay Constantine? Napawi ang ngisi niya nang dumapo ang paningin ni Mocco sa kaniya. “Pati sila?!” tanong ba nito. What the hell is he saying? “You heard what I said, Mocco.” Constantine ended. Like what Constantine wanted, they got out from that abandoned building, in exchange; he won’t tell the cops about it. He also agreed with it, dahil hindi rin naman magtatagal ang mga iyon sa kulungan dahil pareparehas may kakayahan na makalabas doon. Now they are walking on the hectares of rice fields. Gusto pa sana siyang alalayan ni Faith, pero tinignan niya lang ito nang masama. Sila ang nahuhuli sa paglalakad, dahil nasa unahan nila si Constantine at si Mina. Yep, nito niya lang nakilala ang babae nang matanggalan ito ng piring. Everyone knows that girl in their campus; the perfect daughter they say. It’s almost four o’clock in the afternoon and they are still walking. Nasa kakahuyan na sila ngayon, ilang lakad na lang at sigurado siyang malapit na sila sa kalsada kung saan nakapark ang motor niya. “H-hindi ko alam na kukunin nila ako, Sebastian.” Bakas ang takot sa boses ni Faith na humahabol sa tabi niya para makasabay siya sa paglalakad. “Hindi ko sinasadya na masaktan ka nila.” “Then you shouldn’t have left the apartment!” hindi niya naitago ang inis niya. Right, he is also wrong of mistaken her to be Mocco’s ally. “K-kasi… kasi…” Napahinto siya sa paglalakad, ganoon na rin ang ginawa ni Faith. Nang tignan niya naman ang mukha nito ay kaagad itong napayuko. “Kasi ano?!” tanong niya. Napasinghal na lang siya nang hindi sumagot si Faith. “Remember what I said the last time. This would be the last time that I will help you. I don’t want to see you anymore after I helped the kids, nor knowing that you are still following me or else I’ll sue you for stalking. Creep.” Nauna siya sa paglalakad, siniguradong hindi na susunod si Faith. Nalagpasan niya pa si Constantine na masama ang pagkakatingin sa kaniya, marahil dahil sa sinabi niya kay Faith. And he doesn’t care. He needs to get out of here. NANGINGINIG SIYA SA TAKOT. Hindi naman siya ganito katakot habang nasa abandonadong gusali sila. Natatakot siya sa inasta ni Sebastian sa kaniya. Galit na galit ito. Mas lalong ayaw na siya nitong makita. Kahit ang paghingi niya nang tawad ay hindi nito tinanggap. “Are you okay?” Tinabihan siya ng magandang babae na nakasama niya nang madakip siya. Nasa likuran naman nila si Constantine at hindi rin siya makaniwalang pupunta ito doon para sa babaeng ito. Tila tadhana. Sabay naman nilang tinignan si Sebastian na nauunang maglakad sa kanila. Kahit na malayo na ang puwesto nito ay natatanaw pa rin nila ito dahil iisa lang naman ang dinadaanan nila. Tumango lang siya sa sinabi ng babae. “Hayaan mo na siya. Alam mo, kilala namin iyan sa school na masama ang ugali. He really ghas a nasty attitude.” Napanguso siya. “Hindi ko naman sinasadya.” “Wala namang gumusto nito. We are all victims…” Humina nag pagkakasabi nito nang muling balingan si Sebastian na naniningkit ang mga mata rito, tila may iniisip. “Kilala mo ba talaga si Sebastian?” tanong pa nito. Hindi niya alam ang isasagot niya. Muli niyang tinignan si Sebastian na mas bumilis ang paglalakad hawak ang nasaktang braso. Kung hindi sana siya nahuli sa pagbati ng kahoy sa lalaking humampas rito ay hindi matatamaan si Sebastian. Gamit ang kapangyarihan niya ay ginawa niya iyon, kahit na delikado na baka may makakita. Kasunod naman niyon ay ang pagdating ni Constantine. Bakit ang mga tao ay kayang manakit ng kapwa tao? Hindi ba’t dapat nagmamahalan ang lahat? “H-hindi…” sagot niya. Hindi niya kilala si Sebastian, hindi rin malapit ang loob nito sa kaniya. “Sabi niya kanina sa mga kumidnap sa atin, hindi ka raw niya babae? Totoo ba iyon?” Tumango siya. Tinapik siya nito sa balikat. “By the way… thank you for offering me your hand earlier. Takot na takot ako, because I have a trauma of the same incident.” Namilog ang mata niya ang marinig ang sinabi nito. “In the same incident… I lost my baby sister.” Tinignan siya nito nang may malungkot na ngiti sa labi. “She also has same curly hair as you. You’re both pretty and cute at the same time!” Sabay silang natawa sa napag-usapan. Sa ilang oras nilang magkasama ay naramdaman niya na kaagad kung gaano kabuti at mapagmahal ang puso nito sa kabila ng lungkot na nakatago.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD