MABIGAT ANG LOOB NI SEBASTIAN matapos sabihin iyon kay Faith. Actually, he was just really annoyed, because he can’t deny the fact that he felt concerned for her. Kung bakit ba naman kasi ganoon katigas ang ulo ng babaeng iyon.
Hawak ang nasaktang braso, huminto siya sa tapat ng iniwan niyang motor sa gilid ng kalsada. Yes, they are already on the road, pero konti pa rin ang dumadaan na sasakyan, ngayon ay talagang halos wala, mukhang mas matatagalan silang makakauwi.
Nilingon niya si Faith na roon nakadikit kay Mina at Constantine.
Surely, he scared her earlier. Hindi na tuloy ito lumapit sa kaniya.
“Sakay,” sabi niya.
Tinignan siya nito sandali, naroon pa rin ang takot sa mga mata, pero hindi rin nagtagal ay yumuko ito at kumapit kay Mina.
“I’ll take you back to the apartment.” Sinubukan niyang magtimpi dahil na reaksiyon nito.
“Isasabay ko na lang siya sa akin, Mr. Villa Leonor,” si Mina iyon.
Pasiring siyang nag-iwas nang paningin.
Nahagip pa ng mata niya ang walang ganang pagkakatingin sa kaniya ni Constantine.
Yes, Constantine saved them, but saying thank you isn’t really on his character. Another thing, what he did back on that abandoned building is fishy. Paano nitong napasunod si Mocco?
“Kaya puwede ka nang mauna,” dugtong pa ni Mina.
Nagtagal ang masama niyang tingin kay Faith, tila wala pa rin itong balak na tignan siya.
Imbis na pakinggan ang sinabi ni Mina ay pilit niyang hinila ito sa braso.
“What do you think you are doing?!” si Mina. “Ayaw nga, e!”
Hindi siya nagsalita at patuloy na hinila si Faith mula kay Mina. Ayaw pa nitong magpadala sa paghila niya.
“Let her go,” anang Constantine sa kaniya.
Kagaya kanina ay hindi rin siya nakinig.
These people are getting into his nerves.
“S-sebastian…”
Doon lang siya nahinto nang marinig niya na ang boses ni Faith. Hindi pa rin ito makatingin nang diretso sa kaniya.
Naagaw ng humintong kotse ang atensiyon nila.
And he knows this car. Kay Malik ito.
How did they now and what are they doing here?
“Seb!” Kasunod na bumaba ni Malik si Gio na nakaupo sa shot gun na kaagad siyang nilapitan, pero imbis na siya rin ang lapitan ni Malik ay kay Faith ito dumiretso.
“Faith!” Hinawakan pa nito ang magkabilang balikat ni Faith at umastang ini-examine ang mukha, tinitignan kung may galos ba. “Are you okay?”
Why is he acting like they are close?
Nahinto si Gio sa pangungulit sa kaniya nang makitang na kay Faith at Malik ang paningin niya.
This girl is too weird to act like Malik doesn’t make her uncomfortable.
“Mukhang masama ang tama mo sa braso, ah.” Nagpatuloy si Gio. “Mabuti na lang tinawagan ni Constantine si Malik para masunod namin kayo. Kaya mo pa bang mag-drive?!”
Napairap siya. Kung hindi siya magda-drive, paano ang motor niya? Hindi niya puwedeng iwan lang ito rito.
“I can’t leave it here,” tukoy niya sa motor niya.
Nakapamulsa namang lumapit si Constantine sa kanila, sumunod na rin si Mina na masama pa rin ang tingin sa kaniya. Like what the hell did he do to her?
“E ‘di si Malik ang magda-drive! Hindi ko dinala ang car ko para madali kami ni Malik. Ano bang utak meron si Mocco at dito pa kayo dinala?! Napaka layo! Sigurado rin ba kayong hindi na tayo magtatawag ng pulis? Aba, e, nakakailan na sila,” si Gio, naghe-hysterical.
“We are not going to fit in Malik’s car,” anang Constantine. “Someone should ride behind Malik, kung siya ang magda-drive ng motor ni Sebastian-“
“No one’s going to drive my motorcycle, but me,” tutol niya kaagad. “Let’s go.”
Hindi niya na hinintay pa ang sasabihin nang mga ito nang hilain niya si Faith sa tapat ng motor niya at suotan ng helmet.
Wala namang magawa ang mga iyon kundi ang sumakay na sa loob ng kotse ni Malik.
“S-sabi mo… ayaw mo na akong makita.”
Nahinto siya sandali sa pagkabit ng helmet rito, pero kaagad niya ring minadali.
“I really don’t,” he said.
NAPANGUSO SI GIO SA LOOB ng sasakyan. Sebastian is acting weird to wards that girl. Nasa loob na silang lahat ng sasakyan ni Malik at nauuna naman ang motor na pinapaandar ni Sebastian sa kinasasakyan nila.
Sa likod nila ni Malik ay naroon si Mina at Constantine.
Nilingon niya si Constantine na magkakrus ang braso at walang gana rin siyang tinignan. Pinahaba niya ang mukha niya at malisyosong tinignan si Constantine bago si Mina.
“Ang lupet naman ng savior mo Miss Mina, matalino na, may alam pa sa action,” biro niya pa.
Ngumiti lang si Mina sa kaniya.
Inirapan naman siya ni Constantine.
Nang sanang babaling na siya sa unahan ay halos masubsob naman siya nang bilisan ni Malik ang pagpapatakbo.
“Hoy, pare dahan-dahan naman!” sabi niya pa.
Ngunit hindi siya pinakinggan nito. Ang focus nito ay nasa motor ni Sebastian na mabilis na rin ang pagpapaandar.
“Bakit mo ba hinahabol? Magkaiba naman tayo ng way na pupuntahan pagdating sa main road.”
Hindi niya maipaliwanag ang naramdaman niya nang makitang mula sa salamin sa harapan ay nakatingin si Constantine kay Malik.
“R-right…” tila ngayon lang ito natauhan.
Ang wiwirdo ng mga kaibigan niya ngayon.
LUMIPAS ANG MGA ARAW AT panandaliang naging normal ang lahat para kay Faith. Sa loob ng halos isang linggo ay wala namang nangyaring masama sa kanila, kay Sebastian at sa mga taong nakapaligid rito, ngunit ang ikinababahala niya pa rin hanggang ngayon ay ang misyon niya.
Nang gabing iyon ay walang imik na inihatid siya ni Sebastian, at nang mga sumunod na araw ay Paminsan minsan sila nitong dinadalw sa apartment at ngayong araw nga ay darating na sa apartment na tinutuluyan nila ang mag-asawa na kukopkop sa mga bata. Ilang araw din inayos ni Sebastian ang mga papeles para roon para raw legal na maampon ang magkakapatid.
Masaya siya para sa mga ito, pero nalulungkot din siya na halos hindi niya na makikita ang mga ito dahil malayo ang tinitirahan ng mga-asawa na aampon sa dalawa.
Naunang dumating si Sebastian bago ang mag-asawa.
Nakapamulsa nitong pinapanood ang magkapatid at ang mag-asawa na panandaliang nag-uusap sa living room ng apartment para makilala ang isa’t-isa.
“Siguradong lulusog kayo sa bahay ko,” ika pa ng ginang na magiging nanay ng dalawa.
Malalim siyang napabuntong-hininga.
Ibig sabihin nito ay simula mamaya, wala na siyang matutuluyan na bahay. Dahil hindi na rito titira sina Lili at pansamantala lang talaga ang pag-upa nila rito.
Ibig sabihin rin niyon ay wala na siyang karapatan na makita si Sebastian, dahil ayaw na siya nitong makita kapag dumating ang araw na ito at dumating na nga.
Habang abala pa sa pakikipagusap ang mag-asawa kay Sebastian ay kinuha niya na ang tiyansa na iyon para magkusa nang umalis. Nakapagpaalam naman na siya sa magkapatid at sa tingin niya, hindi na niya kakailanganing magpaalam kay Sebastian.
Kung ano ang gusto nito ay irerespeto niya, sinigurado niya sa sarili na kakayanin niyang gawin ang misyon kahit pa sa palihim na paraan.
Sa likod na gate siya dumaan. Wala rin naman siyang pagpipilian kundi ang lakarin ang kalsada dahil iyon lamang naman talaga ang magagawa niya. Ang maglakad patungo sa hindi niya alam.
Sana… sana ay gabayan siya ng kaibigan niyang alitaptap.
Dumidilim na nang huminto siya sa tapat ng maliit na tindahan, tila tindahan iyon ng mga damit.
“Miss, kailangan mo ng sasakyan?” mula sa kulay dilaw na kotse ay dumungaw ang mapayat na lalaki.
Nakangiti naman ito, pero tila ba hindi maganda ang pakiramdam niya rito.
“Hulaan ko, call girl ka?”
“C-call girl…” nabanggit niya sa sarili. Natanto niyang hindi niya pala alam ang ibig sabihin niyon. “Ano ang call girl?”
“Weh?” sabi pa nito. Tinignan siya nito mula ulo hanggang paa. “Sure ka hindi mo alam? p****i, bayaran.”
Nanatili ang pagsasalubong ng kilay niya nang wala pa rin siyang maunawaan.
“P’re… di ‘ata to normal.” Dinig niya pa na kinausap ng lalaki ang katabi sa kotse.
“E ‘di mas lalong okay. Puwede na ‘yan, maganda naman.”
Sandali pang nag-usap ang dalawang iyon bago siya nito muling balingan. “Ganito na lang, Miss. Sama ka sa amin, sakay ka, tapos ipapaliwanag ko sa’yo nang maayos-“
“Ang ano?” Lumabas mula sa tindahan ng damit ang isang babae, naroon ang bakas ng pananakot sa tono ng pananalita. Tila anak nito ang sandali nitong iniwan sa loob ng tindahan. “Ayos ka lang ba, hija?”
Kung titignan niya ang babae sa estilo ng pananamit nito at sa mukhang magarang tindahan na pinanggalingan niya, masasabi niyang mayaman ito, kagaya nang sinasabi ni Lili sa kaniya. Iyon bang kaya raw bilhin ang lahat?
Marahan siyang tumango.
Bakas na bakas ang pag-aalala sa mata ng ginang.
Hinaplos pa nito ang likurang parte ng buhok nito, tila nakikita siya nito bilang maliit na bata.
“Umalis na kayo bago pa ako tumawag ng pulis!” Nilabas pa nito ang cellphone mula sa suot na handbag. “Mga bastos!”
Nagmamadali naman sa pagsara ng bintana ang lalaki at sa pagpapandar muli ng sasakyan.
Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang naging reaksiyon ng ginang sa mga ito, pero pakiramdam niya rin ay nakahinga siya nang maluwag nang dahil roon.
“Ano ang sinabi ng mga iyon sa iyo, hija?” tanong pa ng ginang sa kaniya.
“Sabi po kasi ng lalaki, ay siguro raw isa akong call girl. Hindi ko po alam kung ano ang ibig sabihin niyon kaya sabi niya sumama raw ako sa kanila at ipapaliwanag niya,” sagot niya naman.
Napapikit ang ginang, marahil sa inis.
“Mga bastos na lalaki iyon, ah!” Tinignan nito ang kabuuan niya. “Napansin kong may dala kang mga papeles, para saan ba iyan? Maghahanap ka nang trabaho? Puwedeng ipagpabukas mo na lang? Wala ng nagha-hire sa ganitong oras, anak. Halika at tapos na naman akong mamili. I’ll take you home. Carissa!” tinawag nito ang bata na nakasilip sa salaming pintuan ng boutique.
Pinanood niya ang paglapit ng bata na hanggang beywang niya lang. Maputi ito at maganda ang pagkakangiti sa kaniya suot ang kulay rosas na bestida.
“Saan ang bahay mo, anak?”
Ilang ulit na siya nitong tinawag na anak, hindi niya alam kung bakit gumagaan ang pakiramdam niya sa tuwing tatawagin siya nito ng ganoon.
“Wala po akong bahay…” sagot niya.
Hindi naman siya puwedeng magpahatid pabalik sa apartment dahil sigurado siyang hindi na puwede at ayaw na rin niyang makita pa siya ni Sebastian dahil madadagdagan lamang ang galit nito sa kaniya.
“Kung ganoon, saan ka tumutuloy?” pursigidomg itinanong nito sa kaniya.
HETO LANG SIGURO ANG ARAW simula nang magpasukan na maayos na nakakain sa convenient store si Emerald. Dinadagsa na kasi ng mga estudyante ng eskuwelahan nila o kaya naman ibang schools ang underrated convenient store na iyon simula nang malaman nang mga ito na nanggaling si Javin rito ng ilang beses.
Yes, they are all his fans. Desperado at desperada na maabutan ito rito araw-araw.
Napabuntong-hininga siya nang patayin ang tawag na nagmumula kay Romero.
Wala siyang nasagap na balita rito bukod sa busy ang schedule nito dahil may upcoming projects.
Sino ba naman siya para hanapin ang presensiya nito sa dalawang araw na naging magkasama sila?
“Ema?” sinalubong kaagad siya ng kaniyang manager. “Naroon na ang regular costumer mo.”
Ema, iyon ang tawag sa kaniya ng mga nandito.
Matamlay siyang yumuko.
Nakapagpalit na siya ng mini dress sa public comfort room na malabit sa club na pinagtatrabahuhan niya.
She also now wears a heavy make-up to make her look unrecognizable and beautiful in the eyes of her costumer tonight.
Kapit sa patalim.
Iba’t ibang trabaho ang ipinapasok niya mabuhay lang ang sarili at ang nanay niya na baldado na.
Ang ipinagdadasal niya lamang… ay sana walang kahit na sino sa kaniyang eskuwelahan ang trabaho na meron siya.
Ang maraming trabaho na ito.
At night, she’s dressed to shine, to drink with those old businessmen as they gave her lots of money to be spent for her mother’s medicine.
Pumasok siya sa loob ng madilim na kuwarto na inilaan para sa V.I.P costumer. Isa lang ito sa mga kuwarto na meron sa lugar na ito.
Nakakadiri. Napakarumi.
Ganoon niya maihahalimbawa ang lugar na ito.
“You are late?” anang ni Romero sa kaniya.
Ngumiti siya, suot ang pekeng maskara bilang si Ema.
Umupo siya sa kandungan ng lalaking iyon, nasa edad kuwarenta na ito at regular na costumer niya.
“Ikaw naman!” Pabiro pa niyang hinampas ang dibdib nito. “Matitiis mo ba naman ako kahit na mahuli pa ako?”
Ganoon na nga… Isa siyang bayaran.