bc

Stay With Me

book_age18+
2.7K
FOLLOW
17.8K
READ
billionaire
possessive
sex
dare to love and hate
boss
drama
bxg
female lead
city
secrets
like
intro-logo
Blurb

[COMPLETED]

Losing her family at a young age. Marina needs to do a lot of hard work and live like in hell with her Auntie. She will do anything for her loved ones and to change her life. She doesn’t want to stay like that forever. Then, she will meet Tharron, a former Army, and that is when they started agreeing with a contract.

Papayag siya na pumasok sa apat na buwang kontrata para may pang-opera sa kanyang pinsan.

A major changes came that she doesn’t expect to happen.

Pero paano kung bumalik ang isang nakaraan ni Marina na hindi niya maalala? Paano niya muling haharapin ang bago niyang pagkatao na malayo sa kanyang nakasanayan?

chap-preview
Free preview
Simula
“MARINA! ANO? MATAPANG KA NA?” halos mabingi ako sa lakas ng boses niya. Mabilis akong umakyat sa kwarto ko. Kinuha ang bag at maleta ko para mag-impake ng mga gamit. Aalis muna ako dito, gusto ko lang munang huminga. Sakal na sakal na ako! Iniisip ko kung matatapos pa ba ang lahat ng ito! Hindi ba siya nagsasawa?! Parang kahapon lang hindi siya umuwi dahil galing siya sa kasugalan niya. Wala naman akong reklamo kung umalis na walang iniiwan sa amin kahit na piso tapos ngayong nandito siya parang wala lang ang lahat. Ako pa nga ang hihingian na akala mo nagpatago ng pera. Siguro talo siya at ubos na ang pera kaya eto sa akin lahat ibinubuntong ang galit niya. “Ano aalis ka talaga?!” she said hysterically. Hindi ko hinarap si Tiya, hinayaan ko siyang magsalita ng kung ano-ano sa’kin. “’Yang kagagahan mo at kayabangan mo ang pinapairal mo. Wala kang mararating! Akala mo kung sino ka!” sigaw niya sa akin. Hindi ko alam kung anong ‘kagagahan’ at ‘kayabangan’ ang nakikita niya sa akin. Nagpatuloy ako sa ginagawa ko. Inis at galit ang nararamdaman ko, gusto ko ng sumabog pero mas pinili kong manahimik hangga’t maari. Wala rin namang magandang maidudulot kong papatulan ko siya. Hindi na din ako umiiyak kahit anong sinasabi niya sa akin at minsa’y pisikal na sinasaktan. I’m used to it. Kaya ngayon, mas pipiliin ko ng umalis pa sa impyerno ito kasya manatili pa. Hindi ko maatim ang pinapagawa niya sa’kin. Nakakagulat talaga “Kung umayos ka lang kanina, edi walang problema. Papakasalan ka ng matandang ‘yon! Makakaahon tayo sa hirap. Tapos na, nakakalayas na tayo sa bulok na bahay na ‘to at may perang panggamot kay Leticia. Hindi ka talaga nag-iisip!” hesterikal niyang sabi. Ipapagamot ko si Leticia sa maayos na paraan hindi sa ganito. Umuwi galing sa sugalan para pala ireto ako sa matanda! Tsk! Isinukbit ko sa balikat ko ang bag at hinila ang maleta. Nahirapan pa akong ibaba sa hagdan na kahoy ang mga gamit ko. Pagkababa ko, narinig ko ang malalakas na yabag ni Tiya, sumunod siya sa akin. Hinila niya ang maleta ko na lalong nagpainit ng ulo ko. Ano pa bang gusto niya?! Dinuro niya ako. “Ang kapal ng mukha mo! Nagrerebelde ka naman! Dahil diyan sa ginagawa mo nakakapahamak ka ng tao! Ang simple na lang ng pinapagawa ko sayo, pakasalan mo ang matanda at magkakapera tayo! Bakit hindi mo magawa?! Iyon na nga lang ang maitutulong mo!” Siya ang nagpapahamak sa akin! Inis ko siya tinignan. “Bakit ho ba, ano bang ginawa ko sa inyo? Wala akong ibang ginawa kundi sumunod sa utos mo. Pero sumosobra na ho kayo! Tatanggapin ko na gawin niyo akong katulong dito sa bahay pero hindi ko masikmura na ibebenta niyo ‘ko para lang makaahon kayo.” Isang malakas na sampal ang binigay sa akin ng Tiya ko. Hindi ako nagpa-apekto, walang kahit na anong pagbabadya ng luha, kahit ano wala. Muli akong lumingon sa kanya na lalong nagpagalit sa kanya. Kapag tahimik mali ako; kapag sumagot mali pa rin ako. Saan ako lulugar? “D’yan sa pag-uugali mo niyang kaya namatay ang kapatid ko! Sutil ka! Kung hindi siya namatay edi hindi kita ipipilit sa matandang ‘yon na magpakasal. Rebelde ka kasi! Mana ka talaga sa pinagmanahan mo.” I gritted my teeth. Ito na naman kami. Kung sa tingin niya hindi ko pa rin sinisisi ang sarili ko sa nangyari sa tumayong ama sa akin pwes nagkakamali siya. Habang buhay ko ‘yong dadalhin, hindi na niya kailangan pang ipaalala. Nabibingi na ako sa paulit-ulit niyang pagsisi sa akin. Walang emosyon ko siyang tinignan. Dinuro niya ko ulit na parang wala akong ginawang mabuti dito sa mundo. Naging matigas ako dahil sa kanya, sa lahat ng tao. “Hindi pa rin ako papayag sa gusto niyong mangyari.” walang lakas kong sabi. “Nagmamalinis ka pa! Akala mo kung sinong kang birhen. Tulad ka lang din naman ng Nanay mo! Mga sutil din, binibigyan ng magandang kinabukasan, ayaw. Naghabol sa pesteng pag-ibig na ‘yan, hindi naman pinanindigan! Mga pabigat kayo. Bakit pa kasi kayo dinampot ng kapatid ko?!” nanggigigil niyang sabi. “Huwag mong idadamay ang Mama ko dito.” matigas kong sabi. Laitin na niya ako, pagsalitaan ng masama, saktan at kung ano-ano pa, mapapalampas ko ‘yon lahat pero ang pagsalitaan ng ganoon ang Mama ko, hindi ako makakapayag. Wala siyang alam! Kinuha ko ang maleta ko at tinalikuran siya. “Sige! Lumayas ka. Akala mo kung sinong kang may ibubuga. Babalik ka rin dito hoy!” sigaw niya hanggang makalabas ako. Nakahinga ako ng maluwag ng tuluyan na akong makalabas ng bahay, hindi pala bahay ‘yon, impyerno. Dala-dala ang maleta at bag ko, hindi ko alam kung saan ang pupunta. Ang dami ring mga tao na nasa labas na tila nanonood ng isang teleserye. Napairap na lang ako sa hangin at hindi sila pinansin kahit nagtanong iyong iba kung anong nangyari. Ang gusto ko lang talaga ay ang makawala doon dahil habang nandoon ako, obligasyon kong sundin lahat ng utos ng tiyahin ko, bawal ang tumanggi. Nagpatuloy ako sa paglalakad, kung saan ako dadalhin ng paa ko at mapagod kakalakad, doon muna ako. I have no choice. Kahit kailan hindi naman naging maganda ang takbo ng buhay ko, nagsimula lahat ng kamalasan dahil sa katangahan ko, kung hindi ko lang sana ‘yon ginawa. Tulad ng paulit-ulit na paninisi ng Tiya ko sa akin, kasalanan ko ang lahat. Malinaw pa sa akin ang lahat ng nangyari noong gabing iyon. Hindi ko na ata makakalimutan iyon. Kahit hirap, gumawa ako ng paraan para makatakas. Ayaw akong payagan ng tumayong Papa sa akin na pumunta sa party ng kaibigan ko. Wala naman kaming gagawin, magsasaya lang naman daw. Excited na pumunta dahil sa wakas titigilan na akong i-bully ng mga mayayaman sa school namin basta pumunta ako. Kailangan kong tumuloy para maging kaibigan ko na din sila. Wala e sabik akong magkaroon ng kaibigan. Namangha ako sa bahay ni Heily, napakalaki nito at moderno pa ang disenyo. Malakas na tugtog at sumasayaw na ilaw na nagpapaganda at angat ng dating sa buong bahay. Ang dami na ding tao, lahat sila nagkakasiyahan. “Marina!” Nilingon ko ang tumawag sa pangalan ko. Kumaway si Heily sa akin at sinenyasan na pumunta sa pwesto nila. She’s wearing a crop top shirt, short skirt, and black stiletto. Pati mga kaibigan niya ang gaganda ng kasuotan. I can’t help it but to compare myself to them. Samantalang ako, lumang damit lang ang suot ko, hinalungkat ko pa ang mga gamit at damit ng Mama ko para may maisuot. Ang nakuha ko lang ay isang dress na hindi aabot sa tuhod. It was plain peach dress and I paired it with beige block heels. Wala man lang dating ang damit ko tapos wala naman akong make-up kaya pulbo lang ng pamangkin kong baby ang ginamit ko tapos may lip tint. Lumapit ako at ngumiti sa kanila. Iba ang approach sa akin ng mga grupo ni Heily. Magaan at maayos ang turing sa’kin at iba sa pakikitungo nila noon. Ano kayang nangyari bakit nag-iba sila? Na-realize ba nila na okay din naman akong maging kaibigan? Pinakain niya ako at binigyan niya ako ng mga ibang inumin. I imbibed the drink they gave to me, I don’t know what kind of drink it was. Bago sa panlasa ko, medyo masakit sa lalamunan at kakaiba talaga pero para sa kanila, ginawa ko. May sinasabi sila na hindi ko maintindihan dahil outdated naman ako pagdating sa mga gamit lalo pa kung designer things na ang usapan nila. Sa pang-lima kong inom, nakaramdam ako ng pagkahilo at medyo nahihirapan ng igalaw ang katawan. Siguro dahil lang din ito sa mga nainom ko. Pero ganito ba kaagad ang epekto ng alak sa katawan? Sabagay, hindi din naman ako sanay. Parang wala lang sa kanila ang iniinom namin, mukhang ako lang ang tinamaan agad ng alak.  Nagpaalam ako ng pupunta lang ng cr. Habang pilit kong inaayos ang lakad ko, ramdam ko ang panginginig at paglabo ng paningin ko. Nagsisimula na din akong makaramdam ng pagkainit sa katawan ko, literal na mainit. Unti-unti ko na ding hinahabol ang hininga ko. Bago pa ako makarating sa cr, tuluyan na akong nanghina at bumagsak sa sahig. Hirap man sa pagdilat ng mata, naaninag ko na may papalapit sa akin… sila Heily. Kaso lang imbes na tulungan ako pinagtawanan nila ako, dinala kung saan at ginawan ng kung ano-ano. May balak pala sila kaya ang bait ng turing nila sa akin. Gusto ko man silang pigilan pero wala akong lakas. Hinubad nila ang dress ko, tinulak ko si Ashley pero tinulak niya ako pahiga. I groaned. Tanging bra at underwear ko lang ang natira. Lalong nanlalabo ang paningin ko dahil sa nagbabadyang luha. “Such a crybaby!” sigaw ng isa sa kanila. Hindi ko na alam kung kaninong boses galing iyon. Biglang may kung anong silaw ang bumalot sa’kin, napapikit ako at pilit na tinakpan ang mukha. I have an idea that they were taking a picture of me. Inalis nila ang kamay ko, doon na tumulo ang luha ko. I felt so helpless, the only thing I can do was to wept. Hinayaan ko na lang silang gawin ang gusto nila, pinikit ko ang mata ko. Galit at pagkamuhi sa kanila ang tanging namumutawi sa’kin. Nagising ako na sobrang sakit ng katawan ko. Nang maalala ang ng yari kagabi, napabalikwas ako at kaagad na tumingin sa paligid. Nakadamit na ako pero wala na ako sa bahay nila Heily. Bumuhos agad ang luha ko, hindi ko alam kung nasaan ako. Puro puno ang nakikita ko at walang kung ano. Magmula ng araw na iyon, pinangako ko sa sarili ko na hindi ako dapat magtitiwala sa mga tao lalo na sa mga mayayaman. Mga makasarili lang sila at laging inuuna ang sarili. Kaibigan lang naman ang gusto ko pero binaboy nila ako at itinuring na laruan. Ganun ba talaga kahirap humanap ng mapagkakatiwalaan? Mga walang puso, kinamuhian ko ang sarili ko dahil sa katangahan ko, dahil doon hindi na ko kailan pa nakipag kaibigan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.4K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

His Obsession

read
104.3K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook