Amara Dumating na rin ang pinakahihintay ko. Ang araw ng Linggo. Ang araw na lalabas kami ni Galvert. Bonding time? Parang ganun na nga. Pero hindi ko talaga alam kung saan kami pupunta. Sa tuwing tatanungin ko ito sa kanya ay wala naman akong matinong sagot na nakukuha sa kanya. Basta ang mahalaga ay magkasama kami ngayon at mag-eenjoy kaming dalawa. Ngunit ipinangako ko sa sarili ko na hindi kami hahantong sa isang bagay na hindi pa naman dapat gawin. Ang isang bagay kung saan eksperto sya at baguhan pa lamang ako. Habang nag-susuklay ako sa harapan ng salamin ay hindi ko namalayan na nakatingin sa akin si Alodia. “Masayang masaya? Naku? Baka bumigay ka ha? Wag naman sana.” Sambit nya. Inarkuhan ko sya ng kilay. “Kahit magpustahan pa tayo. Hindi nya ako makukuha noh. Masyado ka ta

