Amara
Nagmamadali kong inayos ang aking gamit nang matapos ang klase. Nasaksihan ko na basta na lang hinatak ni Enzo ang kaibigan naming si Athena at nagpupumilit itong ihatid sa bahay nila ang kaibigan namin.
Nagsisimula nang gumalaw ang Black Fire Trio. Nagsisimula na ang walang kwenta nilang game.
“Hoy Alodia, bilisan mo ang kilos mo. Kailangan nating makatakas sa dalawang unggoy na yun. Nakita mo ba ang ginawa ni Enzo sa kaibigan natin? Kinaladkad nya na parang aso.” Mahinang sambit ko kay Alodia .
Pero ang kaibigan ko ay tila bingi sa mga sinabi ko at walang pagmamadali sa kanyang mga kilos.
“Alodia ano ba? Takasan na natin sila.” Sambit ko.
Ngunit bago pa man nakapagsalita ang kaibigan ko...
"Ihahatid na namin kayo."
Nagulat ako ng magsalita si Ethan. Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Ang bagal kasi kumilos ni Alodia kaya naabutan nila kami.
Pero ang itsura ng kaibigan ko ay tila nagustuhan ang mga sinabi ni Ethan. Napailing na lang ako sa kawalan.
Maya maya pa ay biglang pumasok si Galvert na sobrang presko talaga. Akala nya siguro ay ikinagwapo talaga nya ang pagsusuot nya ng sumbrerong nakabaliktad.
"Hey My loves Amara. Let me carry your bag. I'm your boyfriend for this month, kaya wala ka ng tanggi." Wika niya sa akin
Niyakap ko ang bag ko at hindi ko ito hinayaang makuha nya.
"Pwede ba tumigil ka sa pagpapacute sa akin?" Matapang na sigaw ko sa kanya.
"My loves? Wag mo kong galitin!" Pagbabanta nya sa akin.
Pinabilog kong muli mga kamao ko at akmang susuntukin ko ang babaerong Galvert na ito, pero mas mabilis pa rin sya sa akin dahil nailagan nya ang suntok ko. Hinawakan nya ang mga kamay ko at muli nya akong hinatak palapit sa kanya.
Wala na naman akong nagawa nang yakapin nya ako. Ngunit pilit kong inilalayo ang sarili ko sa kanya.
"Ano ba?? Bitawan mo ako!" Sigaw ko
Ngunit habang nagpupumiglas ako ay bigla na lamang nya akong hinalikan sa labi na syang ikinagulat ko. Bumilog ang mga mata ko at para bang bumagal ang oras ng maglapat ang mga labi naming dalawa.
Gosh!
Si Galvert Monreal ang first kiss ko? Magnanakaw talaga sya!
Sa sobrang inis ko ay naitulak ko syang palayo at kumaripas ako ng takbo palabas ng classroom. Nasaksihan ng lahat ang paghalik na ginawa sa akin ni Galvert at hindi ko sya mapapatawad!
Hinabol ako ng magnanakaw ng
halik na si Galvert ngunit wala akong pakialam sa kanya.
"Wait my Loves! Hindi mo ba nagustuhan ang kiss ko? Gusto mo ba french kiss?" Natatawa pa nyang sigaw sa akin habang tumatakbo kaming palabas.
Kinamumuhian ko talaga ang isang tulad nya!
Hindi ko alam kung bakit napakabagal ng takbo ko kaya naman nahablot nyang muli ang braso ko.
"Ihahatid na nga kita! Bakit ba ang arte mo?" Galit na nyang bulyaw sa akin
Wala na akong lakas upang kumalas sa kanya.
Mabilis nya akong nadala sa parking area. Halos panuorin kami ng ibang mga estudyante habang parang aso at pusa naman ang eksena naming dalawa.
Nang marating namin ang parking area ay nagpumiglas pa akong muli nang buksan nya ang kanyang kotse.
"Sumakay ka na kasi. Ano ba? Bubuhatin ba kita papunta sa loob ng kotse?" Naiinis na wika ni Galvert
"Ayoko ngang magpahatid sayo! Layuan mo na ako!" Sigaw ko sa kanya
Nakita ko sa awra ni Galvert na talagang naiinis na sya sa akin. Ngayon lang yata sya nakatagpo ng babaeng hindi kinikilig sa kanya at diring-diri sa pagkatao nya.
"Ah ganon?" Sambit ni Galvert
Ikinagulat ko ng bigla na lamang akong buhatin ni Galvert. Ipinatong nya ako sa kanyang matipunong balikat. Ginawa nya akong sako ng bigas sa paraan ng pagbubuhat nya sa akin.
Sumusobra na talaga sya!
"s**t ka! Ibaba mo ako dito!" Sigaw ko sa kanya
Ngunit tila ang hirap kumawala sa isang Galvert Monreal.
Naramdaman ko na lang na nasa loob na ako ng sasakyan ng mayabang na Galvert na ito.
Para rin akong baboy nang buhatin nya kanina. Nakakahiya sa ibang mga estudyante. Marahil ay pinagtatawanan nila ako ngayon.
Humahangos ako habang nakamasid sa ginagawa ni Galvert. Gusto ko syang saktan kaya lang ay baka kung ano ang gawin nya sa akin dito sa loob ng kotse nya.
Inayos nya ang seatbelt ko at pagkatapos nito ay binuksan nya ang radyo ng kanyang sasakyan.
Hindi ko alam kung bakit kailangan pa nya akong ihatid gayong pwede ko namang lakarin ang dorm namin mula dito.
Inaabot nga lang kami ni Alodia ng thirty minutes sa paglalakad pero kaya naman namin eh. Sanay na kaming maglakad araw araw.
Kailangan ba talaga kapag may boyfriend ay inihahatid ka ng magarang sasakyan? Anong pilosopiya mayroon ang mga taong ito?
“Kung lagi kang mabait sa akin, di sana hindi tayo nagkakagulo. Relax ka lang. Let’s just enjoy each other’s company for one month. Only for one month Amara, please play the game with me.” Banggit nya sa akin habang nakatitig sya sa mga mata ko.
Napalunok ako ng ilang beses ng kunin nya ang aking kamay at halikan nya ito ng paulit-ulit.
Wala akong nagawa habang ginagawa nya iyon. Ito na naman ang pamilyar na pakiramdam na dumadaloy sa buong katawan ko, ang magic kuryente na syang nakakabaliw.
Ngunit bigla kong naalala ang pagnanakaw ng halik nya sa akin. Ang kapal ng mukha nyang gawin iyon sa akin! Gusto ko syang itulak at pagsasampalin sa mukha pero hindi ko magawa.
Unti-unti kong nasilayan ang ngiti sa labi nya dahil siguro nakita nyang kalmado na ako ngayon. Pero hindi nya alam na nanggagalaiti ako sa galit dahil sa ginawa nya kanina.
Binuhay na nya ang makina ng kanyang sasakyan at kaagad na rin kaming umalis ng Universidad.
Paulit-ulit na pumapasok sa utak ko ang kahilingan nyang makipaglaro ako sa kanya sa loob ng isang buwan. Nababaliw na talaga ang Black Fire Trio, bakit ba kailangang gawin namin ito?
“Hindi ba malungkot sa dorm nyo?” tanong nya habang abalang nagmamaneho.
Umiling ako. Hindi na ako kumibo pa. Ayoko syang kausapin dahil parang kakapusin ako ng hininga.
“Bakit ang tahimik mo? Hindi ako sanay na tahimik ka. Boses mo ang lagi kong naririnig sa likuran kapag wala pa ang Prof natin.” Wika nya
May nakakainis pa syang ngiti sa akin na syang lalong nagpainit ng dugo ko.
“Wala naman akong sasabihin sayo. Saka, nakikipag-usap lang ako sa mga kaibigan ko.” Mataray na wika ko sa kanya
Pinamalas na naman nya ang mga ngiti nyang nakakatunaw ng pagkatao. Kitang-kita ko tuloy ang mapuputi at pantay pantay nyang mga ngipin. Eh di sya na ang may pangbayad ng dentista.
“Grabe ka talaga sa akin. Bakit ba ang init lagi ng dugo mo sa akin? Wala naman akong ginagawang masama sayo?” tanong nya na hindi nawawala ang perfect smile sa kanyang labi.
Nagsalubong ang mga kilay ko sa kanya. Tila naningkit pa nga ang mga mata ko at mistula akong dragon na bubugahan sya ng apoy.
“H-hinalikan mo ako kanina? Ang kapal ng mukha mo!” galit na galit na wika ko sa kanya.
Parang naramdaman ko pa nga na nagingilid ang luha sa mga mata ko dahil naalala ko ang paglapat ng bibig nya sa labi ko.
“Oh, yun lang ba? Normal ko namang ginagawa sa lahat iyon.” Presko nyang wika sa akin.
Nalaglag ang bagang ko sa mga sinabi nya. Normal nya lang na hinahalikan ang mga babae?
“Pwes sa akin importante yun. Importante sa akin ang first kiss ko!” maluha-luha kong banggit sa kanya.
Nasilayan ko ang pagngisi nya sa akin. Tinatawanan nya ang mga sinasabi ko? Kaya lalo akong nakakaramdam ng poot sa kanya.
“Hinding hindi mo na ako makakalimutan nyan My Loves.” Biglang nagseryoso ang mga tinig nya.
Sa sobrang inis ko ay sinuntok ko ang kanyang braso.
Bahagya tuloy na gumewang ang sinasakyan namin dahil sa ginawa ko.
“Heyy!”
Napalakas kasi ang suntok ko sa kanya kung kaya’t nawala sya sa linya. Mabuti na lang ay nakaiwas agad sya sa katabing sasakyan.
“Sobrang lakas mo talaga, kamuntikan na tayong maaksidente.” Galit nya ring bulyaw sa akin.
Nagsalubong na rin ang mga kilay nya at ngayon ko lang sya nakitang magalit ng ganito. Nakakatakot din eh.
Pero bakit lalo syang gumwapo kahit nakabusangot ang mukha nya?
Ahhhh!
Nababaliw na ako sa dagundong ng puso ko ngayon.
Bigla na lang umaliwalas ang kanyang mukha. Ang bilis magbago ng mood nya.
“Hayaan mo papaamuhin kita sa loob ng isang buwan. Believe me.” Pang-aasar na naman nya sabay kindat pa sa akin.
Napanganga ako sa mga sinabi nya. Ginawa pa nya akong mabangis na hayop sa kagubatan para paamuhin nya.
“Baka gusto mong kagatin kita!” matapang na wika ko.
Ngunit kaagad nya akong nilingon at ngumiti na naman sya na tila ba nakakaloko at nang-aasar.
“I like that, okay go! Kagatin mo ako!” sabi nya sabay lahad nya ng kanyang leeg sa akin.
Kasabay ng paghinto ng kanyang sasakyan ay parang huminto rin ang mundo ko nang masilayan ang makinis nyang leeg.
Napakaperpekto ng leeg na iyon na tila hindi pa yata nagagalusan kahit kalian. Walang kurap kong pinasadahan ng tingin ang nang-aakit nyang leeg.
“Sige na. kagatin mo na..” mapang-akit nyang bigkas sa akin.
Hindi ako makagalaw sa aking pwesto dahil napako ang mga mata ko sa makinis nyang leeg. Sa totoo lang ay gusto ko talagang kagatin ang leeg nya. Parang may nag-uudyok sa utak ko na kagatin iyon dahil curious talaga ako kung ano bang lasa ng leeg nya.
Oh my God! Ang bad ng utak ko.
“Tigilan mo ako!” mataray pa ring wika ko sa kanya
Inilihis ko na lang ang aking mukha at itinuon ko sa bintana ng kanyang sasakyan. Naiinis ako sa kanya. Lagi nyang pinahihinto ang mundo ko.
“Kung ayaw mo, eh di ako na lang ang kakagat sayo.” Sambit nya
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya.
Ngunit mabilis ang kilos nya kung kaya’t nasaksihan ko na lang sya na parang zombie na nakakagat sa leeg ko.
“Ahhhh!” sigaw ko
Pero bingi sya sa sigaw ko. Mas lalong bumagal ang pag-ikot ng mundo nang maramdaman ko ang kanyang mga ngipin na nakabaon sa leeg ko. Ramdam ko rin ang malambot nyang labi na nakadampi sa parteng iyon.
Ang magic kuryente na nararamdaman ko sa tuwing hahawakan nya ako ay mas naging triple ang lakas nito. Umaakyat ang daloy nito papunta sa puso at utak ko.
Naramdaman ko na lang na tila sinisipsip nya ang aking leeg habang kagat kagat nya ito. Ano bang ginagawa ng lalaking ito? Nakakakiliti eh.
Pero may parte sa utak ko na nagsasabing pigilan ko ang mga ginagawa nya dahil baka kung saan pa mapunta ito.
Kaagad ko syang itinulak palayo.
Yung mga kilay ko ay halos magpang-abot dahil sa sobrang poot na nararamdaman ko sa kanya. Pinahid ko ang aking leeg gamit ang panyong dala dala ko.
Napansin ko na napakagat labi sya at at tila may hinimas sa bandang baba ng kanyang pantalon. Nangiwi ako sa ginawa nya.
“Bastos!" sigaw ko sa kanya at saka ako bumaling muli ng tingin sa bintana.
Napakagat labi rin ako. Tila nanginginig ako dahil sa nasaksihan ko. Ano ba ang hinimas nya sa kanyang pantalon? Nakakainis talaga ang lalaking ito.
“Sorry, hindi ko mapigilan.” Natatawa pa nyang wika.
Pinaharurot na nya ang sasakyan nya. Sa totoo lang ay natakot ako sa ginawa nya. Alam ko ang kanyang kwento na magnanakaw sya ng virginity. At iyong ginawa nya sa akin kanina ay parang iyon ang unang hakbang upang makuha nya ang iniingatan kong yaman. Ayoko! Hindi nya pwedeng makuha ito.
Sa sobrang takot ko ay napayakap ako sa aking bag. Hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ako.
Nang marating namin ang dorm ay nakita kong kakababa lang din nina Alodia at Ethan ng sasakyan.
Nagmamadali akong tumakbo papunta sa pwesto ng kaibigan ko. Yung kalabog ng puso ko ay hindi ko maawat.
“Oh, ano bang nangyari sayo?” tanong ni Alodia
Umiling ako sa kanya.
Kaagad kong pinunasan ang aking noo na tila nagbutil ang pawis dahil sa sobrang takot.
“Hoy, bakit ka may kiss mark sa leeg? Hala ka, Galvert ang bilis mo naman!” sigaw ni Alodia
Parang gusto kong bumagsak sa kinatatayuan ko dahil sa ibinulgar ni Alodia.
Kagaad kong kinuha ang maliit na salamin sa aking bulsa upang makita ang aking leeg.
Nanlumo ako sa nakita ko. May malaking pulang marka ang leeg ko at halatang kinagat ito ng kung sino.
“Well, this is me. Hindi ko napigilan eh.” Pagyayabang pa nung Galvert.
“Grabe ka talaga!” biro pa ng kaibigan ko
Kagaad kong tinitigan ng masama si Galvert at ilang saglit pa ay nilapitan ko sya.
Tumindig ako sa kanyang harapan.
“My loves? Don’t stare at me like that. I am so weak pagdating sa mga titig mo..” paglalambing pa nya
Nginitian ko sya.
Ngumiti din naman ang loko.
At maya-maya pa ay sinikmuraan ko sya!
Buong lakas ko ang ginamit ko sa pagsuntok sa sikmura nya.
Nakita ko na lang sya na namilipit sa sakit.
“Ahhh ouch!” sigaw nya
Kaagad ko syang tinalikuran. Talagang lagi ko syang sasaktan kapag ginawa nya ulit sa akin ang bagay na iyon.
“Halika na Alodia!” galit kong bulyaw sa kaibigan ko
Hinatak ko na ang kaibigan ko at sabay na kaming pumasok sa loob ng dorm.
Hinding hindi ako bibigay sa mga paglalambing na ginagawa ng lalaking iyon.
Ang iisipin ko na lang ay kaya nya ginagawa ang bagay na iyon ay dahil gusto nyang makuha ang katawan ko. Gusto nyang angkinin ang pagka babae ko, at pagkatapos ay ano? IIwanan na lang nya ako? Mamamatay muna ako bago nya ako makuha! Itaga nya yan sa bato!