Chapter 4

2269 Words
Amara Aba, sampung minuto na yata ang nakakalipas at hindi pa rin ibinabalik ng Galvert na iyon ang pink ballpen ko! Naiirita din ako dahil ginawa nya lang pampacute ang ballpen kong iyon? Isiniksik nya ito sa ibabaw ng kanyang tenga? Kala naman nya ikinagwapo nya iyon? Ah, eh, infairness gwapo naman talaga sya. Pero parang tanga naman sya sa ginagawa nya noh. Baka akala nya ay hindi ko gagamitin ang ballpen na iyon? Kaagad akong napatayo sa aking kinauupuan at sinugod ko ang chickboy ng Black Fire Trio. "Uy! Amara! Saan ka pupunta?" Bakas ko ang kaba sa tanong ng kaibigan kong si Alodia. Pero hindi ko sya nilingon dahil ang gusto ko ay sugurin ang babaerong iyon para ibigay ang ballpen ko! Wala akong pakialam kung sila ang pinakamayayaman sa University na ito. Ang mahalaga ay makuha ko ang ballpen ko. Tumahimik sila ng makita nila akong nakatayo sa harapan nung Galvert na iyon. Nakapameywang ako at masama ang titig ko sa kanya. Ang nakakainis lang ay ngumiti sya sa akin na para bang natutuwa ako sa kanya? Kung alam nya lang na kinasusuklaman ko ang pagkatao nya dahil sa paghawak nya sa beywang at balakang ko kanina na nakapagdulot ng matinding kuryente sa katawan! Hindi ko alam kung ano ang ginawa nyang iyon basta naiinis ako sa kanya! "Hoy! Akin na nga yang pink ballpen ko! Gagamitin ko na yan!" Sigaw ko sa pagmumukha nya. Pero lalo nya akong iniinis. Nakangisi lang sya sa akin habang tila nang-aakit ang kanyang mga mata. Napalunok yata ako ng dalawang beses ng masilayan ko ang kissable lips nya na panay ang kagat nya sa mga ito. Napailing ako! Hindi ako maaaring maapektuhan sa isang to! "Akin na sabi yan!" Galit ko nang bulyaw sa kanya Ngunit lalo nya akong inasar dahil tila inilalayo pa nya sa akin ang bagay na kailangan ko. Tumayo sya mula sa kinauupuan nya at pinagmasdan nya ako. Tila nanliit ako dahil ang tangkad nya. Nakatingala na ako habang nakamasid sa kanya. Paano ko pa makukuha ang ballpen na nasa ibabaw ng tenga nya? "Hey! Layuan mo nga ang boyfriend ko!" Sabi nung girlfriend nyang hilaw Ngunit pinisil ni Galvert ang mga kamay nung girlfriend nyang hilaw na syang nagdulot ng kilig sa babaeng iyon. Muli akong binalikan ng tingin ni Galvert. "Pumunta ka dito para sa ballpen na ito? Oh baka naman gusto mo lang akong malapitan my loves?" Banggit nya Napakagat labi ako at tila nag-init ang aking pisngi dahil sa mga sinabi nya. Ang tatlong bruhang kontrabida ay nakamasid sa akin. Lahat sila ay tila umaapoy sa galit dahil sa mga sinabi ng Galvert na ito. Lalo na ang girlfriend nyang si Zabrina. Halos magsalubong ang mga kilay nya sa akin. Hindi ko palalampasin ang mga sinabi ni Galvert. "Hoy! Saan ka ba pinaglihi ng nanay mo at nakakuha ng kakapalan ng mukha? Yung ballpen ko lang ang kailangan ko!" Bulyaw ko muli sa kanya Lalo nya lang akong tinawanan at kinuha ang pink ballpen ko mula sa ibabaw ng kanyang tenga. Inilahad nya sa akin ito. "Ito ba? Okay, thanks anyway." Malumanay nyang sambit sa akin. Ibabalik din pala nya pinatagal pa nya. Pinagtitinginan na tuloy kami ng iba. Kaagad kong inabot ang ballpen mula sa mga kamay nya ngunit nang mahawakan ko ang malambot nyang mga kamay ay tila nanigas ang buo kong katawan. Heto na naman ang hindi pamilyar na kuryenteng dumadaloy sa buo kong katawan. Nakakainis na! Nagulat na lang ako ng tuluyan nyang hawakan ang mga kamay ko. Hindi nya ako binitawan. "Hoy! Ano ba!" Sigaw ko sa kanya At tuluyan nang tumigil ang nababaliw kong mundo ng hatakin nya akong muli palapit sa kanya at napasubsob ako sa matipuno nyang dibdib. Nagkatitigan kami sa mga mata. Ang ganda naman pala talaga ng mga mata nya na kulay brown. Hindi ko napansin na nakangiti na pala ako habang nakatingin sa kanyang napakagwapong mukha. "Hey! Why are you smiling? Gusto mo ako noh?" Bulong nya Kinabig nyang muli ang balakang ko at lalong napalapit sa kanya. Ngunit nagpantig ang tenga ko dahil ngayon lang rumehistro sa utak ko ang mga sinabi nya. Sa sobrang inis ko ay tinapakan ko ang mga paa nya! Gigil na gigil ako sa kanya! "Ouch!" Sigaw nya Kaagad kong kinuha ang hawak nyang ballpen at sabay takbo pabalik sa upuan ko. Dinig ko ang tawanan ng mga kaibigan nyang loko-loko. At nang magawi ang tingin ko kay Galvert ay namimilipit na sya sa sakit dahil sa pagtapak ko sa mga paa nya. Mabuti lang iyon sa kanya dahil mayabang sya. "Amazona ka talaga girl!" Dinig ko namang bulong sa akin ni Alodia Pero ang totoo ay labis na kalabog sa dibdib ang nararamdaman ko. Alam kong galit sa akin ang Galvert na iyon at baka maghiganti pa sya sa akin. Pero nakahanda ako. Hindi ako magpapatalo at magpapa-api sa kanya. Muli akong sumulyap kay Galvert. Tila naging maayos na ulit ang lagay nya ilang minuto lang ang lumipas. At ang nagpakirot sa puso ko ay inaalagan sya ni Zabrina. Hinimas himas ni Zabrina ang mga kamay ni Galvert. Parang tanga, eh paa nga yung napuruhan di ba? Dapat yung paa ang hinimas himas nya. Habang tumatagal ay lalo lamang lumalala ang nararamdaman ng puso ko. Hindi ko ito maintindihan. Minsan ay galit na galit ako sa Galvert na iyon, pero kapag ngumingiti na sya ay parang nawawala ang lahat ng sama ng loob ko sa kanya. At ang ipinagtataka ko ay kumikirot ang puso ko kapag nakikita ko sila ni Zabrina na naglalambingan. Ayoko ng ganito! Parang nagagaya ako sa mga kaibigan kong nababaliw sa Black Fire Trio! Hindi ako dapat mabaliw sa isang ito. Kailangan kong pigilan para maprotektahan ko ang sarili ko. -- Usap-usapan na sa buong Universidad ang bakasyon grande ng Black Fire Trio at ng kanilang mga pekeng girlfriend sa Cebu. Ngunit ang pinaka pinag-usapan ay sina Galvert at Zabrina. "Malamang talaga ay hindi na virgin si Zabrina. Nakuha na ni Galvert ang virginity nito." Sambit ni Alodia na maraming alam tungkol sa Black Fire Trio. Para akong masasamid dahil sa mga sinabi nya. Pero nagkunwari na lang akong walang pakialam. "Hala, paano mo naman nalaman?" Tanong ni Athena Nakikinig lamang ako sa kanila at kumukuha ng mga impormasyon. "Matik na yan kay Galvert. Kapag naging lucky girlfriend ka nya, talagang maibibigay mo sa kanya ang lahat pati ang kaluluwa mo. Hindi titigil si Galvert hangga't hindi nakaka-iskor sa mga babaeng naging girlfriend niya." Pagbabalita pa nya Bahagyang nalaglag ang mga panga ko dahil sa sinabi nya. Dapat ko lang pala talagang kamuhian ang lalaking iyon na magnanakaw ng virginity. "Talaga ba? Si Ethan ba ay ganun din?" Nag-aalalang tanong naman ni Athena na talagang malakas ang tama doon kay Ethan. Umiling-iling si Alodia sa kanya. "Good boy si Ethan. Kaya ligtas ka sa kanya. At ganun din si baby Enzo ko, hanggang kiss at yakap lang ang kaya nyang gawin. Si Galvert lang talaga ang hayok sa laman. Makikita mo naman sa kilos nya na sanay na sanay syang humawak ng babae." Banggit pa ni Alodia Hindi na ako nakatiis at nagbigay ako ng opinyon. "Sinabi mo pa! Sanay na sanay syang humawak ng babae, talagang hindi sya matatanggihan ng mga babae dahil ang lakas magbigay ng kuryente sa katawan ang mga hawak nya sayo. Grabe talaga ang lalaking yan!" Galit na pagkukwento ko sa kanila. Ikinagulat ko ng lingunin nila ako. Si Alodia ay nakakunot ang noo sa akin. "Ibig sabihin ay nakuryente ka nung hinawakan ka ni Galvert. Ayeee! Sabi ko na eh, matatamaan ka din sa Black Fire Trio!" Sambit ni Alodia Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya. Kaagad kong tinapik ang braso nya. "Hoy! Baka may makarinig sayo! H-hindi ako natamaan sa babaerong iyon noh!" Pagtutol ko "Eh bakit alam mo yung pakiramadam na nakuryente kapag hinahawakan ni Galvert?" Pambabara sa akin ni Alodia Napahawak ako sa aking batok at kiniskis ko ito na para bang kinakabahan ako. "Huh? Ah! Ano kasi, nakikita ko lang kay Zabrina. Para syang nakukuryente sa kilig kapag hinahawakan na sya ng lalaking yan. Pero ako? Nung hinawakan nya ako? Galit, inis at poot ang nararamdaman ko sa kanya noh! Wala akong pakialam sa lalaking yan!" Bwelta ko naman sa kanya. Ngunit tila inaasar pa rin talaga ako ni Alodia at hindi naniniwala sa mga sinasabi ko kung kaya't lalo akong naiinis sa kanya. Ngumisi pa sya sa akin. "Tigilan mo ako Alodia ha!" Inis kong banggit "Okay, okay. Sabi mo eh. Uyy si Galvert nakatingin sayo ohh!" Sambit ni Alodia Para akong muling nanigas at kaagad na tumingin sa gawi ni Galvert. Bakit naman nya ako tinitignan? Parang baliw naman ang lalaking iyon. Ngunit... "Ha? H-hindi naman sya nakatingin ah." Nasaksihan ko pa nga ang paglalambingan nina Galvert at Zabrina na syang nagpakirot muli sa puso ko. At nang magawing muli ang tingin ko kay Alodia ay namumula na sya dahil sa pagpigil nya ng kanyang mga tawa. Naningkit ang mga mata ko sa kanya. Pinaglalaruan lang pala nya ako. Nakakainis naman ang babaeng ito. Ang galing mang-asar. "Okay, sabi mo eh. Naniniwala ako na wala ka talagang pakialam kay Galvert. Napalingon ka lang naman agad sa kanya ng sabihin kong nakatingin sya sayo ." Pang-aasar pa nya sa akin. Inayos ko ang aking sarili. Muli kong tinapik ang braso ni Alodia. "Aray! Dalawang beses na ah!" Pagmamaktol nya "Sinisira mo kasi ang araw ko eh. Mabuti pa tong si Athena tahimik lang. Minsan mas gusto ko syang kasama kaysa sayo eh." Bulyaw ko sa kanya Tatawa-tawa lang sya sa akin na syang mas lalong kinainisan ko. Lihim ko muling pinagmasdan si Galvert. Talaga bang may nangyari na sa kanila ni Zabrina? At bakit kaya talaga ganito ang nararamdaman ko sa kanya. Ano kaya talaga ang pakiramdam na hinahalikan ng isang Galvert Monreal? Lalo na kapag inangkin nya ang pagkakababae mo? Siguro ay hindi lang kuryente ang mararamdaman ng isang babae, baka mabaliw na ito ng tuluyan. Ahhh! Bakit ko ba naiisip ang mga bagay na ito? Hinding hindi naman ako mahahalikan ni Galvert kahit kailan. At hinding hindi ako papayag na mangyari iyon. Biglang napalingon si Galvert sa akin. Ngumiti sya at binigyan nya ako ng isang nakakatunaw na kindat. Napalunok ako at namula yata ang pisngi ko. Pero dahil sa inis ko ay pinakitaan ko sya ng kamao ko! Hindi uubra sa akin ang pagpapacute nya noh. Nasaksihan ko na bahagyang nalungkot sya sa ginawa ko pero tama lang iyon. Hindi lahat ng babae ay makukuha nya! Magsama sila ni Zabrina tutal ay may nangyari naman na sa kanila. Ilang araw ang lumipas ay natapos na rin ang pagiging lucky girlfriends ng tatlong bruha. Iyak talo sila ngayon dahil para silang basahan na basta na lang itinapon ng BFT. Ngunit nagitla kami ng bigla na lang pumasok sa loob ng classroom ang Black Fire Trio at imbes na sa kanilang mga silya sila nagtungo ay dumiretso sila sa kinauupuan namin? Ang angas ng itsura ng leader nilang si Enzo. Samantalang si Ethan ay simple lang na nakasunod sa kanila. At yung Galvert ay nakapamulsa habang ngumunguya ng favorite chewing gum nya. Anong problema nila at nakatindig sila sa harapan namin? "From now on, my lucky girlfriend, would be--- Athena!" Pagbubulgar ni Enzo. Nasaksihan ko ang itsura ng kaibigan kong si Athena. Talagang nagulat sya at isinusumpa ang mga sinabi ng leader ng BFT. Si Ethan naman ay malambing na lumapit kay Alodia. "Can you be my lucky girlfriend?" Tanong nya dito Sa aming tatlo ay si Alodia lang naman ang nababaliw ng husto sa BFT kaya naman masaya sya ng tanungin ni Ethan. Pumayag na rin sya kahit pa ba si Enzo talaga ang mahal nya. Bigla namang pumasok sa eksena si Galvert at nakatitig sya sa mga mata ko. Ang bilis ng t***k ng puso ko. Laging ganito ang nararamdaman nito sa tuwing nakikita ko sya! Bad trip talaga oh! "Sa akin naman si Amara. You are my lucky girlfriend!" Wika nya sabay kindat sa akin. Halos mahulog muli ang panga ko dahil sa mga sinabi nya. Hindi ako papayag! Ayokong maging lucky girlfriend nya! Ayokong nakawin nya ang virginity ko! Ang daming pumasok sa utak ko. Ang daming negatibong bagay ang naiisip ko. Agad akong tumayo mula sa kinauupuan ko at akmang susuntukin ko ang Galvert na iyon para tumugil sya sa kanyang kahibangan. Ngunit agad ding napigilan ito ni Galvert. Nahawakan nya ang kamao ko at hinatak nya muli ako palapit sa kanya. Kinulong nya ako sa kanyang mga bisig. Tila hindi ako makakilos dahil sa ginawa nya. Bakit ba nanghihina ako pagdating sa kanya. Tila umuurong ang tapang ko kapag hawak na nya ako. Niyakap nya ako ng mahigpit at inilapit nya ang kanyang bibig sa aking tenga. "Paliligayahin kita sa loob ng isang buwan. Huwag kang matakot. Let's just enjoy." Bulong nya Tumindig ang balahibo ko dahil sa mga sinabi nya. Bakit ba tila may kung anong kasabikan ang umuusbong sa puso ko? Pero ayaw ng utak ko! Mapapariwara lang ang buhay ko kapag nakasama ko ang lalaking ito ng isang buwan. Sa sobrang inis at galit ko ay tinadyakan ko ang binti nya! "Ouch! Sumusobra ka na!" Galit na angil nya Tinitigan ko sya ng masama. Ngunit tinalikuran na nya ako. "Yan ang mangyayari sayo palagi kapag hindi mo ako tinigilan!" Pagbabanta ko sa kanya habang paika-ika syang naglakad pabalik sa pwesto nya. Magkakaroon talaga ng giyera kapag ipinagpatuloy ni Galvert na gawin akong lucky girlfriend! Ipaparamdam ko sa kanya na ayoko sa presensya nya! Ayoko talaga... Ayoko..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD