Chapter 3

2335 Words
Amara Pagdating namin sa room 375... Hindi namin inaasahan ang madadatnan namin doon. Kalbaryong tunay ang unang araw ng klase para sa amin. Ay hindi pala. Buong taon ay tunay na kalbaryo para sa amin. Classmate kasi namin ang tatlong bruhang makakapal ang make up! Oh God! Bakit mo po kami pinaparusahan ng ganito? At gaya ng nakagawian nila ay pinagsalitaan na naman nila kami ng hindi maganda. Hindi ako nakapagtimpi at talagang nakatikim sila sa akin ng matapang na salita. Pero tila huminto ang oras nang makita ko ang galit na galit na mukha ni Myrtle. Pero hindi ako natinag. Nakipagtitigan ako sa kanya ng masama. "So? Anong ibig sabihin ng ganyang tingin? Sasaktan mo ako? Then, Go! Para mawalan kayo ng scholarship!" Sambit nung Myrtle. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko. Pagdating sa pagkawala ng scholarship ay talagang nangangamba ako. Kaagad kong naramdaman na bigla na lamang akong hinatak nina Alodia at Athena papunta sa aming mga silya. Nakakainis! Alam ng Myrtle na iyon ang kahinaan namin. Kung hindi lang dahil sa scholarship ay talagang masasaktan ko ang pagmumukha nya. Prente akong umupo sa silya at huminga ako ng malalim. Gusto kong ilabas ang lahat ng sama ng loob ko sa mga bruhang iyon. Nang biglang... "Hey! That seat is for BFT only!" Nang mapalingon ako sa gawi ni Athena ay kitang kita ko ang isang lalaki na nanlilisik ang mga mata sa kaibigan ko. Isa pa 'to! Parang gusto nyang paalisin na lang kami sa aming pwesto. Sabi nya ay sa BFT ang upuan na ito? Aba? Saan nya kami balak paupuin? Kilala ko na sya. Sya ang leader ng Black Fire Trio na si Enzo. Kabisado ko na ang pagmumukha nya dahil pakalat kalat ang kanyang larawan sa kwarto namin. Kaya naman ang kaibigan naming si Alodia ay halos himatayin sa kilig. Nakakainis talaga! "My god! Si baby Enzo yan. Yung leader ng BFT. Mahihimatay yata ako." Bulong ni Alodia na talagang nababaliw na. Hindi mapigilan ng dila ko ang magsalita ng hindi maganda. Talagang kumukulo ang dugo ko sa BFT na yan. "Nanggigil ako. Pigilan nyo ulit ako at baka masapak ko na yang lalaki na yan." Wika ko Alam kong narinig ni Enzo ang mga sinabi ko pero wala akong pakialam dahil naiinis ako sa pagkatao nila. "What?? Paki-ulit nga ang sinabi mo? Miss?" Galit na tono ng leader ng BFT. Kung hindi ako pinipigilan ni Alodia ay talagang mapagsasalitaan ko pa sya ng masama. "Hey! Hey Enzo! Mukhang naiirita ka na naman huh? Sino ba ang sumisira ng araw mo? Ang aga pa huh?" Sabay-sabay kaming napalingon. Parang huminto ang oras nang masilayan ko ang isang lalaki na ngumunguya ng chewing gum at may suot na sumbrerong nakabaligtad. Ang gwapo nya. Ang astig nya. Katabi nya yung mabait na si Ethan. Napalunok ako. Oh God! Sya yung bastos na humawak sa baywang at balakang ko at nagsabi sa akin na-- "I like your curves, huh." Paulit-ulit kong naririnig ang boses nya. Magkaklase pa talaga kami? "Siz, yan naman si Galvert, ang womanizer ng grupo. At yung isa, kilala mo na di ba? Yung crush mo? Ayee." Bulong ni Alodia kay Athena Mas lalo kong ikinagulat na yung babaerong Galvert pala ang nakasalubong ko kanina. Yung lalaking nagbibigay sa akin ng matinding kilig at kuryente sa katawan. Kaya pala pamilyar ang mukha nya sa akin ay dahil nakakalat din ang pagmumukha nya sa kwarto namin ni Alodia pero hindi ko lang pinapansin. Napakagat labi ako at tila tinablan ako ng kahihiyan ng mapadako ang mga mata nya sa akin. Ayoko syang tignan dahil parang tinatambol ang puso ko. Ayoko ng nararamdaman ko. Natatakot ako. "Ito kasing mga babaeng to eh, nakaupo sa pwesto natin!" Galit na wika nung Enzo. "Maghanap na lang tayo ng ibang mauupuan. Hayaan na natin ang mga girls na maupo sa pwesto natin. Be a gentleman, Enzo." Wika ni Ethan Ayoko pa sanang umalis sa kinauupuan ko dahil nauna na kaming nakaupo doon, at tama ang sinabi ni Ethan, dapat ay magpakagentleman naman sila. Nang magawi ang tingin ko sa Galvert na babaerong iyon ay nakatingin na sya sa akin. Para akong kakapusin ng hininga lalo na nung kinindatan nya ako. Kaagad kong inalis ang tingin ko sa kanya. Napalunok ako ng ilang ulit dahil sa pagkindat nyang iyon sa akin. Naramdaman ko na lang na hinahatak na naman ako nina Alodia at Athena sa likurang bahagi ng silid. Kung saan wala kaming maupuan. Wala na kasing bakanteng silya. Naiinis ako! Talagang hinayaan nilang tumayo ang mga babae at sila ang uupo? Anong klaseng mga lalaki sila? Palihim kong pinagmasdan ang playboy na yun. Nakangisi syang nakaupo sa may silya habang nakadekwatro at nakikipaglandian sa tatlong bruhildang makakapal ang make up. Bakit ganun? Mas lalo akong naiinis kapag nakikita ko ang Galvert na yon habang kausap ang mga bruhilda. Mabuti na lang at binigyan kami ng silya ni Ethan. Mukhang naawa sya sa amin dahil mga mukha kaming tanga na nakatayo dito. Pero hindi pa rin ako magpapauto sa kabutihang pinapakita nya dahil nakakainis ang mga pagkatao nila. Agad akong umupo sa ibinigay nyang silya dahil hindi ko na kinakaya ang stress na ibinibigay sa amin ng mga estudyante dito. Pagtingala ko kay Athena ay parang nanginginig ang buong katawan nya. Halata kasi na may gusto sya kay Ethan Enriquez. Si Alodia naman ay malakas ang tama kay Enzo. Ano ba naman ang mga kaibigan kong ito, lahat sila ay nahuhumaling sa BFT? "Tsee! Wag kayong magpauto sa isang yon! Pare-pareho lang ang mga pag-uugali nila-- mga hambog!" Galit na wika ko sa kanila Nirolyohan lang ako ng mata ni Alodia na syang pinakabaliw sa BFT. "Eto naman napakasungit. Basta sa akin lang si Baby Enzo, si Athena kay Ethan na. At sayo naman si Galvert na babaero, Amara. Haha!" Sambit ni Alodia habang patuloy akong pinagtatawanan. Nangiwi ako sa mga sinabi ni Alodia. Pero bakit ganun? May kakaibang pintig ang puso ko sa mga nabanggit nya. Oh God! Gusto kong tanggalin ang nararamdaman kong ito! Ayoko ng ganito! Hindi pwede! "Ewwww! Kahit sya pa ang huling lalaki sa mundo hindi ko sya papatulan!" Galit pa ring wika ko sa kanila. Pilit kong itinago sa kanila kung ano man ang nararamdaman ko sa kaibuturan ng aking puso. Hindi ko alam kung ano ito, pero ayoko talaga ng nararamdaman ko. Nakakatakot! Baka matulad ako sa aking mga kaibigan at hinding hindi ko hahayaang mangyari iyon. -- Kalat sa buong campus na ang tatlong bruha na sina Myrtle, Chloe at Zabrina ang naging girlfriend for the month nila ngayong buwan. Maarte at mayayabang na nga sila dati ay mas lalo pang umarte at gumaspang ang mga ugali simula ng maging girlfriend of the month sila ng mga baliw na BFT na iyon. Laging nakaismid ang mga itsura nila habang kaakbay sila ng tatlong sikat na mga mokong na iyon. Isang umaga habang nag-aayos ako ng mga gamit ko at nakaupo sa aking silya ay bigla na lamang tumili si Zabrina. "OMG! I am so excited this coming weekend. We will go to Cebu for a quick vacay with our Boys." Sabi nung Zabrina habang nakatingin sa salamin at naglilipstick. Ang iba naming kaklaseng babae ay lumapit sa kanila at nangalap ng impormasyon tungkol sa masaya nilang bakasyon. Ang iba ay hindi mapigilan ang kilig at parang bulate na nangingisay habang kausap sila. Pare-pareho silang mga baliw! "Parang mga tanga! Ano namang espesyal kung pupunta sila ng Cebu kasama ang mga pekeng boyfriend nila? Naglolokohan lang sila, after ng isang buwan ay iiwanan na lang sila ng BFT na iyon." Sabi ko Napatingin ako kina Athena at Alodia. Pero ang dalawa kong kaibigan ay parehong nakanganga at nakamasid sa tatlong bruha na todo ang kwento tungkol sa mga boyfriend nila. Napailing na lang ako. Sa itsura ng dalawa kong kaibigan ay parang inggit na inggit sila sa mga kwento ng tatlong bruhilda. Mukhang gustong gusto din nilang maging girlfriend of the Month ng BFT. Ano na lang ang gagawin ko sa kanila? Maya- maya pa ay napansin ko na lang na naglakad papunta sa amin si Myrtle at nakaarko ang kanyang mga kilay. Nakahalukipkip din sya habang papalapit sa pwesto namin. Ano na naman kaya ang gusto ng babaeng ito? Nananahimik na nga kami pero heto sya at parang sumusugod sa amin? "Hey! Isara nyo nga ang mga bibig nyo! You look so envious huh. Nakakaawa naman kayo dahil kahit kailan ay hinding hindi kayo pipiliin ng BFT para maging girlfriend nila." Pang-aasar nito Agad na itinikom ng dalawa kong kaibigan ang kanilang mga bibig at tila napahiya sa mga sinabi nung Myrtle. Sa pagkakataong ito ay hindi ako nagsalita ng kahit ano sa harapan ng babaeng bruhilda na iyon. Gusto ko rin namang magising sa katotohanan ang mga kaibigan ko at itigil na ang pag-iilusyon sa BFT. Kaagad na kaming tinalikuran ni Myrtle. Bumalik sya sa kanyang pwesto at lahat sila ay nakatingin sa amin. Nagbulungan pa ang iba at sabay- sabay na nagtawanan. Napayuko na lang ang dalawa kong kaibigan. Nakaramdam ako ng awa sa aming kalagayan. Lagi na lang ba kaming ganito? Lagi na lang ba kaming inaapi at pinagtatawanan? Gusto ko man silang patulan pero hindi pwede. Kaya nga kami nag-aaral upang magkaroon ng magang pag-uugali at kapag pinatulan ko pa sila ay daig ko pa ang walang pinag-aralan. "Narinig nyo ang sinabi ng bruhilda? Itigil nyo na ang pag-iilusyon sa Enzo at Ethan na yan okay?" Matigas na wika ko Tahimik lang silang nakatingin sa akin. Marahil ay naiintindihan na nila na kailanman ay hindi sila bagay sa BFT na iyon. Ilang saglit lang ay dumating na ang Black Fire Trio. Kagaya dati ay sobrang presko nila habang pumapasok sa silid namin. Ang mga babaeng nagkukumpulan kanina ay nagpulasan ay nagsibalikan sa kanilang mga silya. Ang tatlong bruhilda ay panay ang hawi sa kanilang mga buhok at todo pacute sa kanilang mga fake boyfriends. Nakakasuka ang mga kilos nila. Halata naman na ang tatlong bruhilda lang ang may gusto sa kanila at hindi ang BFT. Nang magawi ang tingin ko kay Galvert ay kitang-kita ko na hinalikan nya ang pisngi nung Zabrina. Hindi ako kumurap. Parang pakiramdam ko ay may mabigat na bagay na nakadagan sa puso ko. Hindi ko alam kung ano iyon. Wala naman akong sakit. Pero ang bigat ng dibdib ko. Palihim kong pinagmasdan  sina Galvert at Zabrina. Nasaksihan ko ang paghimas-himas nung playboy sa pisngi nung bruhilda. Kilig na kilig ang babae. Ano kayang pakiramdam habang hinihimas ni Galvert ang kanyang pisngi? Nakakakiliti siguro iyon? Ano ba tong naiisip ko? Oh God, bakit ba ako nakakaisip ng mga ganitong bagay? Unti-unti kong ibinaba ang tingin ko. Kumuha ako ng ballpen at nagsulat na lang sa nakabuklat kong kwaderno. Ilang ulit ko nang itinanggi ang bagay na ito pero laging umuusbong kapag nakikita ko ang Galvert na iyon. Naiinis ako! Gusto ko na lang maglaho para mawala na rin ang nararamdaman kong ito. "Hoy Girl! Ano? Galit na galit? Malapit nang mabutas ang pahina ng notebook mo sa sobrang diin ng sulat mo." Narinig kong sambit ni Alodia "Hala, ano ba yang dindrawing mo?" Tanong naman ni Athena Para akong nahimasmasan sa narinig ko. Pagkatingin ko sa aking kuwaderno ay halos lumubog ang ballpen sa papel. Napailing ako. Tila nag-iiba na ako sa tuwing makikita ko ang mayabang at babaerong Galvert na yan! Hindi maaari ang lahat ng ito. Kailangan kong pigilan ang sarili ko. "Ahh wag nyo na lang akong pansinin." Wika ko na lang. Nagkibit balikat lang si Alodia at nagbukas na lang ng libro. Tahimik lang kaming tatlo habang hinihintay ang aming guro. Ngunit ako? Hindi ko mapigilang sumulyap kay Galvert. Kahit anong pigil ko sa sarili ko ay parang namamagnet ng lalaking iyon ang mga mata ko, pati na ang-- puso ko! "Hindi!" Sigaw ko Napahawak ako sa aking bibig. Napalingon ako sa paligid at lahat sila ay nakatingin sa akin. Ang lakas kasi ng sigaw ko. Napapikit ang isa kong mata dahil sa kahihiyan. Ang mas ikinabahala ko pa ay nakatingin din sa pwesto namin ang BFT at ang mga bruhildang girlfriends nila. "Freak!" Sambit ni Zabrina sabay nirolyohan nya ako ng mga mata nya. At si Galvert? Oh God! Nakangisi sya sa akin na para bang nang-aakit! Kung alam nya lang na sya ang dahilan kung bakit ako sumigaw. Ayoko ng mga naiisip ko. Ayoko nung ideya na magkakagusto ako sa Galvert na iyon. Hindi pwede! Hindi talaga pwede! "Okay ka lang friend? Parang wala ka sa sarili?" Pag-uusisa ni Alodia Kaagad kong inayos ang sarili ko. May namuong butil ng pawis sa noo ko. Ayokong magpahalata sa mga kaibigan ko. Alam kong tatawanan nila ako dahil ako pa naman ang numero unong sumusuway sa pagkahibang nila sa BFT, tapos ay kaisa pala nila ako? Oh God! Hindi! Hindi ako papayag na mangyari iyon. "Miss Amara, can I borrow your pink pen. I just really need it." Pagtingala ko ay kitang kita ko ang pagmumukha ni Galvert. Binigyan na naman nya ako ng signature wink nya at malalapad na ngiti. Parang awtomatiko ang mga kamay ko na inabot ang favorite pink pen ko. "Thank you, my loves." Bulong nya sa akin Namilog ang mga mata ko. Parang may kumiliti sa aking tenga sa narinig kong iyon. Hindi ako nakakilos. Hanggang sa umalis sya sa harapan ko ay hindi pa rin ako makagalaw. "Ayeee. Mukhang tinamaan na rin sa wakas ang kaibigan namin." Pang-aasar ni Alodia Umiling ako! "Hindi ah! Nagpahiram lang ng ballpen, tinamaan na agad ako? Kapag di pa nya binalik ang pink pen ko after five minutes susugurin ko talaga sya!" Galit na wika ko "Talaga lang huh!" Biro pa ni Alodia Parang tumatambol sa kaba ang puso ko. Ayokong isipin ng mga kaibigan ko na nahuhulog na ako sa babaerong 'yon. Kailangang mawala ang haka-haka nilang iyon. Patutunayan ko sa kanila na wala akong gusto sa Galvert na yon. Hinding hindi ko magugustuhan ang babaerong kagaya nya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD