Amara "Bakit nawala sila? Saan sila nagpunta? Ang babagal nyo kasing tumakbo!" Sigaw ng isang estudyante "Nasa paligid lang yang mga yan! Hindi sila makakalayo dito!" Sigaw pa ng isa Mahigpit akong yakap ni Ernest habang isiniksik namin ang mga sarili namin sa likod ng drum dito sa bakanteng lote ng Universidad. Kanina pa kami hinahabol ng mga grupo ng estudyante. Hindi ko maintindihan kung bakit nila kami hinahabol ni Ernest. Nakakatakot sila! "Kapag nahuli nila tayo, alam kong igagapos nila tayo kung saan hanggang sa hindi na tayo makapasok sa mga klase natin. Kaya dito muna tayo hanggang sa mapagod sila kakahanap sa atin." Bulong ni Ernest Napakagat labi ako. Ito na talaga ang giyera sa pagitan namin ng Black Fire Trio. Ginagawa nilang miserable ang mga buhay namin. "Pero bakit?

